ANYA:Hindi ba natin ililikas ang mga tao bago maganap ang labanan katulad ng ginawa niyo noon?

PAOPAO:Hindi na Hara lalagyan nalang namin ng pananggalang ang lugar namin nang saganon ay hindi na madadamay ang mga tao.

Pagkatapos ng aming pagpupulong ay agad inihanda nila Almiro at Anya ang mga Mulawin at iba pa nilang mga kasamahan saka agad silang nag-ivictus patungo sa Forbes habang ako naman ay patungong Devas.

TAGAYTAY HEIGHTS

CHOLENG'S PROVERBS

Kaninang umaga pa kami naghahanap nila Amihan nanghingi na kami ng tulong sa mga security guards ng village pero hindi namin sila mahahanap hay nako nasaan na ba iyong mga batang iyon lagpas alas nuwebe na ng gabi wala pa rin sila nag-aala na rin ako naikot na namin ang buong village hindi pa rin namin sila nahanap kaya naisipan na naming bumalik sa bahay hay nako naman.

CHOLENG:Saan na ba iyong mga batang iyon?

JIGS:Hindi naman sila mga bata naging bata lang sila.

CHOLENG:Tigilan mo nga ako Jigs!

JIGS:Mabuti pang pupunta nalang tayo sa mga pulis.

Magsasalita pa sana ako ngunit biglang dumating sina Boyet,Ted,at Raymond na kakagaling din sa paghahanap nila Amihan

TED:Hindi rin namin sila mahanap.

BOYET:Naku baka nakidnap na ang mga iyon!

JIGS:Paano naman sila makikidnap napakagaling ngang makipaglaban ng mga iyon!

CHOLENG:Hay naku Jigs ano-ano nalang ang pinagsasabi mo!

RAYMOND:Mabuti na magpahinga nalang muna tayo.

SA DEVAS

CASSIOPEA'S PROVERBS

Nakikita ko sa aking mga mata na dinala sila ng liwanag sa nakaraan at natitiyak ko na doon mangyayari ang kanilang mga pagsubok umaasa ako na sana walang mapahamak sa kanila batid ko na hindi madali ang kanilang pagdadaanan ngunit may tiwala naman ako sa kanilang kakayahan natauhan nalang ako mula sa aking pag-iisip na naramdaman ko ang aking anak na paparating.

ANGELO:Yna!

Humarap naman ako sa kanya saka inakap niya ako at yumakap naman ako pabalik.

CASSIOPEA:Ano't napadalaw ka,may kailangan ka ba anak?

ANGELO:Tama po kayo Yna,may kailangan nga po ako kailangan namin ng mga hukbo ng kawal sapagkat nakikita ko na may kaguluhang magaganap bukas ng gabi.

CASSIOPEA:Nakikita ko na ang ibig mong sabihin na susugurin kayo ng mga taksil na Ravena.

ANGELO:Tama po Yna.

CASSIOPEA:Kung ganon ay ipapatawag ko lang ang ating Mashna pumarito ka lang muna.

ANGELO:Sige po, avisala eshma Yna.

CASSIOPEA:Walang anuman

Naglakad na ako palayo sa hindi kalayuan ay naabutan ko ang aming mashna na kinausap ang ilang mga kawal saka nilapitan ko sila at nagbigay pugay naman sila sa akin.

MASHNA:Ano po ang maililingkod namin Bathaluman?

CASSIOPEA:Nandito ang aking anak at kailangan niya ng hukbo na sumabay sa kanya patungo sa mundo ng mga tao sa labanang maganap bukas ng gabi.

MASHNA:Masusunod Bathaluman ihahanda ko lang ang aking mga kawal.

CASSIOPEA:Avisala eshma Masha.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt