Chapter 62

915 27 0
                                    

L O R R A I N E's     POV




Kumakain kami ng hapuna sa isang Italian restaurant ng biglang ngumuso si chloe..



Nilingon ko yung nginunguso niya,..nakita ko si Nathan na naglalakad palapit samin,




Hindi talaga ako titigalan ng taon to eh!




" Can i join?" -Nathan




" Anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko na ayaw ko ng malapit kayo sakin -_-"




" patawarin mo na kasi ako..gagawin ko lahat ng gusto mo.." -Nathan





Hindi ko alam kung bakit biglang nagkaroon ng idea sa utak ko...




" gagawin mo lahat? As in lahat ng sasabihin ko gagawin mo?"




Naka ngiting demonyo kong paninigurado..





" oo, gagawin ko kahit ano" -Nathan





" kung ganun, gusto kong tawagan mo si helle at papuntahin mo dito, tawagan mo na rin ang mga kasabwat mo..sabihin mo pinapatawag ko sila, at kapag hindi sila nakarating dito within 10 minutes alam na nila ang mangyayari sa kanila"




Seryoso kong sabi bago ko sinimulan ang pagkain ng mga in-order ko..kumain narin sila chloe at kaye..




Wala pang 10 minutes hinhingal na dumating na lahat ng pinapatawag ko maliban syempre kay helle na wala parin pero ok lang yun, baka masyado siyang busy sa pagpapaganda ng sarili niya -_-




" Tangina! Halos sunod sunod na lumapag ang mga chopper namin sa rooftop ng mall na to!" -Ethan




" seriously raine? 10 minutes lang talaga? Hindi na ako nakapag palit ng damit sa sobrang pagmamadali.." -Justin




" may marinig pa akong isang reklamo mula sa inyo, sisiguraduhin kong hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko -_-"




Sabay sabay naman silang natahimik., buti naman at marunong na silang matakot sakin ngayon,




" nagpa reserve na ako ng VIP room para satin, hintayin niyo nalang ako dun, paki sabihan na rin si helle na dumeritso na dun sa loob pagkadating na pagkadating niya"




Bilin ko kay Nathan bago sila nagsipunta sa VIP room na kinuha ko..,kaya lang nagpaiwan si rave dito..




" pwede ko bang hiramin muna si Raven? Kahit ngayon lang." -Rave




" umalis ka sa harapan ko.."




" Raine nam--------woah! Ok aalis na!" -Rave




Kailangan ko pa palang tutukan siya ng table knife para umalis -_-





" ano nanamang binabalak mo?" -kaye





" wala naman, papanuorin ko lang sila kumain.."




Masayang sagot ko,




" sa tingin mo maniniwala kami sa sagot mo na yan?" -Chloe





Nagkibit balikat lang ako, walang masyadong tiwala sakin ang dalawang to eh..




30 minutes pa ata ang lumipas bago ko nakitang pumasok sa restaurant na to si helle na napaganda ng ayos,.masyadong effort yung suot niya para sa plano ko..




Agad akong tumayo at sinundan siya papuntang vip room kung nasan sila Nathan habang tulak tulak ko ang stroller ng natutulog na si Raven..kasunod ko si chloe at kaye..




Hinintay ko muna siya makapasok, bago ako sunod na pumasok,..naabutan ko pa ang gulat sa mukha niya..




" bakit mukhang gulat na gulat ka at nakita mo silang lahat dito?"




Mapang asar kong tanong sa kanya,.naka ngisi naman akong nilagpasan siya at umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Nathan..




Kaya lang kakaupo ko palang ng hatakin ako sa braso patayo ni helle,




" Hindi diyan ang pwesto mo Raine, masyado ka namang ilusyunada para tumabi kay nathan" -helle




Natatawang binalingan ko siya ng tingin, at dahan dahan kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya..




" hindi naman ako nasabihan na bawal palang tumabi kay Nathan, sige lilipat nalang ako ng upuan nakakahiya naman sayo"



Akmang lilipat na ako ng upuan ng pigilan ako ni Nathan na ikinangiti ko lalo..




" dito ka sa tabi ko umupo, helle umupo ka nalang sa tapat namin.." -Nathan





" pano ba yan dito niya ako gustong paupuin sa tabi niya"




Inirapan lang ako ng bruha bago padabog na umupo sa kaharap naming upuan...nagsiupo na rin sila chloe at kaye..





" umorder na kayo ng kahit anong gusto niyong kainin, it's my treat"




Sabi ko sa kanilang lahat na may hindi makapaniwalang tingin sakin..





" hindi mo naman siguro balak na lasunin kami diba?" -Josh





" bakit gusto niyo ba?"




Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanila..





" syempre ayaw namin haha" -Kent





" mag enjoy sana tayong lahat ngayong gabi"




" pano kami mag eenjoy eh para kang nadedemonyo kung ngumiti" -josh




" may sinasabi ka josh?"





" wala hahaha,..sabi ko mag eenjoy kami ngayong gabi.." -Josh





Sisiguraduhin kong ngayong gabi isasampal ko sa pagmumukha ng babaeng nasa harapan ko kung sino ang tunay na nagmamay ari sa lalaking nasa tabi ko..


****************

The Badass Queen Vs. The Badass KingWhere stories live. Discover now