Prologue Of LaK

15 0 0
                                        

Sa isang magandang palasyo, may nakatirang maria cla-- o p s.

Ito si Sindrax Niccolei Henmans. (Sindraks nikoley henmans) Ang Sindrax at maria clara ay hindi nababagay sa isang salaysay. Ang pangit kaya, Sindrax Maria, Maria Sindrax, Ma. Sindrax, diba? HAHAHAH charot lang.

As in.

Baka Sindrax at neymar jr ay okay pa jusko. Ehh oo, Fangirl siya, nagpapakababae and whatknot kasi kailangan niya. Para kanino kamo? Pfft. Para sa nanay at tatay niya, 10% para sa sarili.

Pero ang buhay niya ay nagsimula sa isang pangyayari, selebrasyon.

Flashback *third person's point of view*

Sa pagblessing ng ika-5 nilang aroplano. Ang airlines na pinamumunuan ni Mrs. At Mr. Henmans na mga may lahing Europeo.

Sa pagpalakpak ni Sindrax, ang bunsong anak ng mga Henmans ay may tumabi sakanya, base sa pananamit at taas ay parang ka-edad niya ito. Naka face mask ito.

Pero nakatunganga ito at kinuha nalang ang cellphone niya.

'Ang weird Neto, ngumingiti sa harapan ng cellphone, psh. Baliw nga naman, dito pa nagsulong.' sabi ni Drax sa sarili niya habang umiiling. Bilang isang bata na puno ng kuriyosidad, agad itong puwesto sa likod ng lalaki para makinood, 'soccer, huh?' nasa isip ni Drax habang ang lalaki na nasa tabi niya ay nanonood ng laro ng soccer o football kung baga, opsz isa naman siyang chess player.

Hindi napansin ng ija na nabaling na ang atensyon niya sa pinapanood nung bata. "Sapul!" sabi nito ng nakataas ang kamay at nakatayo.

'Hala. Nakakahiya.'

Hindi napansin si Drax pero umalis ang bata sa tabi niya.

Napatingin ang mga bisita nila sa kanya dahil sa ingay. May isang bata uli ang lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang kamay ni Sindrax at umupo sila ng sabay dahil bakante naman ang upuan sa may kanan ni Sindrax dahil nga umalis yung bata. 'ays gwapo!' sabi nito habang nakatitig sa mukhang ka-edad niya rin na bata na may hawak ng kamay niya na nakangiti sa kanya ngayon. Agad niyang nilingon yung lalaki na nanonood ng soccer kanina-- 'hala! Ano to? Nakatingin siya sak--samin!' napapikit ng mata si Drax.

"Ahh thank you sa pagsagip sakin sa kahihiyan kanina hehe." sabi ng dalaga sa binata. "Hey, its okay :). Lets enjoy the victory party nalang, congrats pala ms. Drax Henmans."

'Wow. Ngayon ko lang naisip na maganda pala pangalan ko.'

Binaling uli ni Drax ang tingin niya sa may harapan, natigilan siya sa paggalaw at tiningnan nalang ang mga mata ng batang nanood ng soccer game kanina. Lumipat lang ito sa kaliwa ni Drax dahil siguro ay may umupo na sa upuan niya kanina. 'aish! Dito si soccer boy sa tabi ko, ulit! Kasalan to ng striker nila. Nasapul yung goal ehh!'

Ano to? Kay tamis ng sa kanan ko, ang pait nung sa kaliwa -,-

Nagulat nalang si Drax nang sa harapan na niya pala ang mama niya. "Drax, are you okay here?" she assured me. "Yes ma :)"

"Ohh Drax, parang close na kayo ahh. Pero still, I will introduce them." sambit niya ng nakita niya ang mga katabi ng anak niya.

"Drax, this is Andrei Vylawrin (Andrey vaylaurin), the son of  the owners of Vyl gasoline stations." turo ng mama niya sa gwapong nilalang na katabi niya sa kanan. 'Meant to be talaga kami! Ako, airlines, siya gasolinahan, diba?! HUUWAAHHH mama, iarrange mo na ako, okay lang sakin, magthathank you pa nga ehh!'

"And this is Sean—," hindi na natuloy ng mama ni Drax ang pagpapakilala dahil hinanap na siya. "Anyways, be good to both Andrei and Sean, okay drax?" at agad namang ngumiti ng pilit ang dalaga.

Mali yung pagbigkas ng mama ni Drax ng pangalan. 'Shan' yung nasabi, 'Sean' yun dapat.

"So you're 'the Vylawrin'. HAHAHAHA Im 'the henmans'" sabi ng dalaga sa ingles.

"HAHAHA yup, ako nga. Nice to meet you but magkikita naman tayo sa school ehh" sagot ni Andrei.

"Huh?! Taylor ka nagaaral? How come, its already the 2nd month of school but I haven't meet you since then HAHAHA"

"I just transferred, inassign ako sa campus niyo kaya magkikita na tayo"
'Anuba! Kumindat pa!' tili ni Drax sa loobin niya.

Hindi nila napansin pero nakatingin din sa kanila si Sean. At pinagtuloy lang nila yung pag-uusap nila with Sean just looking at them.

End of flashback

At ngayon, na senior high na yung tatlo, napalayo si Sean sa kanila. Pero alam at kilala parin ni Andrei si Sean pero, wala ehh kasi si Drax palagi yung kasama niya. Andrei never had the guts to ask Drax about Sean, kasi baka nakalimutan na niya ito at baka bumalik pa.

Habang nagpapalit si Drax ng damit ng pangFutsal ay may naisip siya, 'alam kong may naginspire sakin sa pagsipa at pag depensa ng goal at maging kati na kati pag marinig na pupunta ng court for practice, pero saan na kaya siya? Bakit ba ang daming Shan sa mundo?'

Hindi naman yun si Andrei dahil fencing siya.

Ng palabas na siya ng futsal room, ay may agad na bumungga sa kanya at agad naman siyang napaupo. "Ano ba?! Wala ka bang mata? Bulag ka na nga sa pag-ibig, nagbubulag bulagan pa sa totoong buhay, sinasabi ko sayo!" sigaw nito sa taong di niya kilala.

Hinarap siya ng lalaki, yung bumangga sa kanya. Hindi alam ni Drax pero naagaw talaga nung lalaki yung mga mata niya hanggang sa tinulungan nito si Drax.

'Sino ka?' sa isip ni Drax. At sinagot ito ng lalaki sa isip niya lang din,

'It's me, Drax. A person who's longing for you.'

Loving A Keeper (on-going) Where stories live. Discover now