Chapter 2

12 1 1
                                    

Chapter 2

Nakauwi na kami sa bahay at nagulat si Mommy sakin. Ang dungis ko kasi.

"Anak anong nangyari sayo? Bakit ang dumi mo?" Nag aalalang tanong niya.

"Kambal, gusto mo palang mag swimming bakit di mo sinabi? Gusto mo pa sa putik. Hahaha" pang iinis sakin ng kakambal ko. Oo. Kakambal ko siya! Pero napaka pamwisit ng taong yan!

"Tigilan mo ko! Wala ako sa mood. May careless lang pong driver na nakagawa sakin nito."
Naiinis pa din ako pag naaalala ko.

"Osya! Sige na mag clean up ka na, malapit ng matapos yung niluluto ko." sabi ni mommy

"Sige po Mommy!" At pumanik na ko.

"Oh! Iha andiyan ka na pala." Si Nanay Pasing asawa ni Tatay Carding.
Dito na sila nagkakilala. May edad na din sila nung nag asawa kaya di na sila nagkaanak. Nung nabubuhay pa si daddy  sila ni mommy nag ayos ng kasal nung dalawa. Pati honeymoon nila sinagot nila mommy at daddy.
I miss you daddy!

"Hi nanany pasing! Bihis lang po ako" sabi ko

Hindi na nagtanong si nanay pasing sa nangyari. Kasi halata sa mukha ko yung pagkainis.

"Sige, iha."

After namin kumain.

Pumanik na ko, ang dami ko pa kasing gagawin. Assignments and requirements, halos kakasimula pala ng school year.
Pero napakadami ng kailangang gawin at ipasa. Nakaka stress talaga.

May kumatok..

"Pasok po."

"Anak, tinimpla kita ng gatas." Si mommy pala

"Thankyou! My!" Sabay kuha ko sa gatas.

"Anak okay ka lang ba talaga?" Nag aalalang tanong ni mommy. Ganiyan si mommy. Lagi niyang tinatanong kung okay lang ba ko.

"Opo naman."

"Kasi anak. Simula nung nawala si daddy mo, nag iba ka na. Hindi ka na yung dating kasiglang bata."

"My, ang tagal ba po nun. It's been 10 years na yun my."

"Kaya nga anak, it's been 10 years pero nung namatay yung daddy mo, nawala na din yung sigla mo. Yung saya mo sa mga mata mo. Sana anak ibalik mo na yung saya mo. Andito pa kami. Mahal na mahal ka namin. Sige na anak, matutulog na ko. Ikaw din matulog ka na after mo diyan. Iloveyou anak."

"Opo mommy. Goodnight. Iloveyou!"

Paglabas niya biga nalang akong naiyak.
Miss na miss ko na si daddy! Sampung taon na yung nakakalipas pero fresh pa din sakin lahat ng nangyari. Parang kahapon lang yun. I miss you daddy! Bigyan niyo po ako ng lakas ng loob na kayanin to. Na ibalik lahat ng saya sa buhay ko. Mahal na mahal ko po kayo. At mahal na mahal ko din po sila Mommy. Gusto ko pong ibalik yung sigla ko na sinasabi ni mommy. Iloveyou daddy.

Kinabukasan.

Salita na naman ng salit si beks! Kwento ng kwento tungkol sa bagong student na gwapo daw. Haynakoo talaga!

Dumating na yung teacher namin.

"Class, nabalitaan niyo naman na may bagong transferee, pero di niyo alam kung san siya mapupunta right?"

Mga nagbulungan naman mga classmates ko, akala ko ngayon lang sila makakakita ng transferee. Tss

"Ma'am, magiging classmate po ba namin yung gwapo? So tama kayo si beks yun

"Allen, nakita mo na ba siya?"

"Ma'am hindi pa po. Hahah. Nabalitaan ko lang na pogi."

Natawa yung teacher namin.

Love MagicWhere stories live. Discover now