"Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthdaaay, happy birthday to youuu!". Kanta ng mga tao sa paligid ko habang pumapalakpak."HAPPY BIRTHDAY RYLIE!". Sabay sabay nilang bati.
Akmang hihipan ko ang kandila ng cake nang. "make a wish!".
Ipinikit ko ang mga mata ko.
Sana ay bigyan nyo ko ng oras para maging masaya kahit panandalian lang.
Iminulat ko ang mga mata ko at malungkot na hinipan ang kandila.
"Yeheeeyy!". Sigaw ng mga tao.
Pagkatapos non ay nagkuhanan lang sila ng litrato kasama ako.
Pagkatapos ay umupo nalang ako sa upuan na para sakin.
Celebrate
Celebrate
Celebrate
Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid ko. Ang saya saya nila, may nagsasayawan, may mga nakain at may mga nagtatawanan. Napakasarap tingnan ng mga ngiting nakaukit sa mga labi nila. Pero kahit ganon ay hindi ko maiwasang mainggit sa saya na nararamdaman nila ngayon.
Hindi kona maalala kung kelan ko huling naramdaman ang salitang 'saya'. Dahil sa mga obligasyon ko sa buhay. Wala na akong panahon para pasayahin pa ang sarili ko.
Nakatatak na sa utak ko na hindi na importante kung anong nararamdaman ko. Ang importante ay napapasaya ko ang mga tao sa paligid ko.
"Wassup birthday girl". Bati ni Reese. At umakbay sakin.
"Oh bakit ka umiiyak?". Nagaalalang tanong ni Raemin.
Tumingin naman sa muka ko si Reese at halatang nagaalala din.
Agad ko namang hinawakan ang pisnge ko at may luha nga iyon.
Agad ko namang pinunasan ang pisnge ko.
"A-ah w-wala toh ang saya ko lang talaga". Pagbabalewala ko sa sinabi nila.
Tinignan naman nila ako at tumango nalang bilang pagsang ayon.
"Ang ganda dito siz! Superrrb!". Nakangiting sabi ni raemin.
"Oo nga eh". Pagsangayon ni Reese.
Nginitian ko naman silang dalawa.
Maganda nga dito. Madaming ilaw na iba't ibang kulay pa, may music, may mga pagkain.
Ilang sandali pa at nakita ko si mama na papunta sa direksyon namin. "Oh bakit nakaupo kayo dyan! Makisayaw kayo don oh ang saya saya! TUGS TUGS TUGS". sabi nya at sinabayan pa ang beat sa huli.
Napaka swerte ko sa mama ko. Sila ni papa ang sandalan ko sa buhay pag gustong gusto ko nang sumuko.
Tumawa naman sila Raemin.
"Sige po tita iwanan po muna nmin kayo". Natatawa pading sabi ni raemin.
Naupo sa tabi ko si mama. "Oh anak tara doon sa mga ninong mo ipapakilala kita". Nakangiting sabi nya.
YOU ARE READING
Given Time
Teen Fiction"ipaglalaban mo padin ba kahit masama ang dulot nito? O isusuko mo na para sa ikakabuti ng taong mahal mo?
