CHAPTER#1💕

19 2 0
                                        

This is  a work of fiction. Names, events,  places, businesses, characters and incidents. This story is a product of authors imagination. So, it means, the story is full of fiction.

NO HATE JUST LOVE
____________________________________

"kuya! Ano nga ba ulit name ng school niyo? " tanong ko sa kanya ng maka-upo ako sa couch at tumabi sa kanya

" South East University, bakit? " sabi na nga ba may kasunod na tanong eh.  Sasabihin ko na ang pakay ko

"wala naman" sabay kagat ng cookies na dala ko galing kusina "ah, kuya! may sasabihin ako"

"ano yun? " habang nakatuon pa rin ang paningin sa tv

"ano kase ah" lumingon siya saken "g-gusto kong mag-aral sa school mo. No, i mean sa pinapasukan mo ngayong paaralan" sabi ko ng biglang tumayo siya kaya nagulat ako

"ano?! " sigaw nito, OA naman , kuya "hindi pwede! Alam mo yan!" sigaw pa rin niya, kaya medyo umatras ako ng konti

Alam ko naman yun pero...

"kuya,  gusto ko lang naman na mag-aral dito sa maynila" naka yuko na ako dahil alam ko naman kung bakit eh, kung bakit bawal pero nagbabakasakali parin ako "gusto kong dito ako magtapos kahit dalawang taon lang, ayaw ko dun sa davao, kuya" tinignan ko siya at nag-puppy eyes.

Syempre!, para mapa-amo HEHE...

"bakit ba ang kulit mo, Ashley?" medyo naiirita niyang tanong "paulit ulit ko ng sinabi sayong bawal ka nga ditong mag-aral, Alam mo yan!"

OA talaga  kahit kailan..
Maninigaw pa ang lapit-lapit ko sa kaniya grr..

"bakit ba ayaw niyo mag-aral ako dito, ha? ok naman ang record ko sa school, tinatapos ko naman ang school year ng may natatanggap na mataas na award, Bakit di parin ako pwede dito?"

"kuya, hindi ko naman ipapaalam kung sino ako eh.  Please, payagan mo na ako" pagmamaka-awa ko sa kanya dahil siya lang naman ang napipilit ko, ang parents namin hindi. Never akong napagbigyan sa mga gusto ko, kaya lahat ng gusto ko ginagawa ko ng palihim.

"hindi pwede, ash." lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko "Pag nalaman nila ito, baka kung anong gawin nila sayo." sabay hawak ng kamay ko

"hindi naman nila malalaman kung may magsasabi diba?"

"kahit walang magsabi, malalaman at malalaman parin nila at pag nalaman nila baka hindi ka lang ipadala sa davao" kita ang takot kaniya

"pero minsan lang naman sila umuwi dito eh,  lagi silang out of the coutry for business kaya hindi naman nila malalaman. "

"kahit na, paano pagdumating sila dito? Tapos, dumating ka galing school, anong gagawin mo?" Naiintindihan ko ang pag-aalala niya.

"hindi ko alam" sagot ko "pero, kuya" sabay higpit ng hawak sa kamay niya "please, pag natapos ko itong senior year uuwi na ako ng davao. Promise. " tinaas ko pa ang kamay ko

"please, please, please, kuya" pagmamaka-awa ko talaga sa kanya. Hindi siya sumasagot kaya nagmaka-awa ako ng todo yung tipong paiyak kana, ganern!

"fine." sabi niya sabay buntong hininga "2 years, tapos umuwi ka na ng davao at doon mag college. Ok?" sabi niya

"promise. 2yrs then uwi na" sabi ko pa habang nakangising aso.

Try To FORGET YouWhere stories live. Discover now