Pagbaba ko ng sasakyan ko at sinalubong agad ako ni Gino at iba pang ka-batch ko sa car race.
"Andito na ang race car princess! " announce ni Gino, Kaya naglingunan lahat at naglapitan sakin para bumati
"sis, antagal mong nawala ah" si Alex ang babaeng bulgar tsk. "3 years din yun ah" dagdag nya
"Oo nga eh,"Huminga ako ng malalim at dinama ang hangin "na miss ko itong amoy na ito, yung amoy ng usok ng mga sasakyan" tumingin ako sa kanya sabay ngiti
"kaya nga eh, na miss ka namin" ngiti ang sumilay sa kaniya at sabay yakap sakin at bumulong "May naghahanap sa'yo, simula ng mawala ka lagi ng nandito" Sabay bitaw sa pagkakayakap
"sino daw?" tanong ko dahil bigla akong kinabahan ng wala sa oras
"Blake lang ang alam kong pangalan nun eh" sabi niya, parang huminto yung mundo ko at napa-atras ng marinig ko ang pangalan na binanggit ni Alex at dahil nagpaalam agad si Alex sa harapan ko ay hindi niya nahalata ang naging reaction ko, saktong pagtingin ko sa kinatatayuan ni Alex kanina ay nakita ko ang isang lalaki na hindi ko inaasahang dito ko makikita. Kinakabahan ako ng sobra dahil palapit siya ng palapit sakin kaya napapa-atras ako hanggang sa maabutan niya ako at hinawakan sa braso.
"Long time no see, Alliyah" sabi ni Blake "tagal Mong nawala ah," dagdag niya at kung titignan mo siya ay makikita mo ang nagpipigil na galit sa mukha niya
"B-bitawan mo ako, Blake!" galit kong sabi, sabay hablot ng braso ko ngunit hinawakan niya ulit yun
"at bakit? Aalis ka na naman? Tatakbuhan mo na naman ako?!" sunod-sunod niyang tanong "pagkatapos mong isuko sa akin ang lahat-lahat iiwan mo lang ako ng ganun-ganun lang? "nakikita ko sa mga mata niya ang namumugtong mga luha na para bang konti na lang ay tutulo na ang pinipigilan niyang mga luha. "hinintay kita!" piyok niyang sigaw dahil kumawala na ang luhang kanina pa niya pinipigilan "hinanap kita! kaso dumaan ang dalawang taon ng wala akong napala! kaya pinilit kong kalimutan Ka!" tulo ng tulo ang kanyang mga luha " I've been trying to forget you! But I can't, I can't!" nakatingin na samin lahat ng tao, maski sila Gino at Alex at nakatingin na pero mukhang walang paki alam si Alex "kaya hinintay kita ulit! Tapos ngayong nandito ka na aalis ka ulit? Iiwan mo ulit ako? "
"Sabing bitawan mo ako! " Sabay hila ng malakas sa braso ko at tumakbo ng tumakbo. Nang makarating ako sa sasakyan ay agad akong pumasok doon at pinaandar ito. Habang umaandar ito ay kasabay ng pagbuhos ng aking mga luha " wala akong sinabing hintayin mo ako! "sabi ko habang umiiyak parin.
ANDA SEDANG MEMBACA
Try To FORGET You
RawakAlliyah Ashley Reign Andalecio is a common girl. Hindi siya yung tipong pang dalagang pilipina. She can do whatever she wants. She have a three characteristic, the normal student girl, the look a like a professional model and lastly the sports car p...
