IKALAWA

3 0 0
                                        

Three weeks ago nung magstart ng pumasok si Aga. Binibisita ko siya sa apartment niya once a week since umuuwi din naman siya tuwing weekends.

Until 2pm lang ang klase niya tuwing friday kaya after ng last class niya diretso uwi na siya sa kanila at ako naman ang pupunta sa kanila para imotivate ang boyfriend kong mas hirap pa sa mga subject niya this year.

Nung nanliligaw pa lang siya sa akin he used to say na yung nagpapaaral di sumusuko kaya di din siya susuko, one of the reason why nafall din ako sa kaniya.

Aga knew his goals and priorities not just his but also mine regardless the fact na pilyo siya lagi.  Siya pa nga ang nagsabi sa akin na gawin ko lang siyang pang-apat sa mga priorities ko. Una si God, next family, third are friends then saka pa lang siya.

*beep *beep

Hinanap ko naman agad kung saan nakalagay yung cellphone ni Aga dahil may nagtext ata. Di naman ako nabigong nakita yon dahil nasa side table lang ng kama niya kung saan ako nakahiga.

*2 new messages

Sino naman kaya to? Takang tanong ko sa sarili ko dahil number lang kaya binuksan ko yung message.

From: 09*********
Salamat sa treat mo nung isang araw. Sana maulit pa hehe.

Nakakatuwa naman tong boyfriend ko natututo na manlibre.

Pero natigilan ako sa next message galing sa same number.

Nga pala Kirsten to.

Kirsten. Siya yung first girlfriend ni Aga na nakarelasyon niya ng more than 2 years.

Pano tong nailibre ni Aga? At nagkakasama sila? Bat wala naman atang nasabi sa akin si Aga.

Saktong pagpasok ni Aga sa kwarto ay nadatnan niya kong hawak yung cp niya.

"Anong tinitingnan mo dyan?", kalmanteng tanong niya.

"May nagtext kase tapos binuksan ko yung message.", walang emosyong sabi ko sa kaniya sabay abot ng cellphone niya.

Agad din naman akong lumabas ng kwarto pagkatapos kong iabot sa kaniya yung cellphone.

Ewan ko ba pero ever since kase naging kami ni Aga at nalaman kong ex niya yon iba agad ang pakiramdam ko pero di ko yun sinabi kay Aga dahil alam ko naman na wala na sa kaniya yung ex niya.

Pero iba kase talaga...

Nakaupo ako ngayon sa air bag na nasa maliit na salas sa apartment ni Aga at nagulat na lang ako ng biglang may yumakap sa likod ko.

"Baby ko...", malambing na sabi ni Aga habang nakaakap sa akin at nakahilig ang ulo sa leeg ko.

"Hmm bakit?", tanong ko naman sa kaniya.

Agad siyang umikot  at umakap sa bewang ko sabay baon ng ulo niya sa tiyan ko.

"Selos ka?", tanong niya sa akin.

Nagulat naman ako sa tanong niya kaya agad kong inangat yung ulo niya.

"Saan naman ako magseselos aber?", maang na sabi ko sa kaniya.

Di ko din kase alam kung selos nga bang matatawag itong nararamdaman ko.

"Deny ka pa parang di ko naman alam na motto mo ang mamatay na aamin na nagseselos.", sabi niya sa akin.

"Di talaga ko nagseselos. Promise.", nakangiting sabi ko sa kaniya at sana lang di niya mapansin na pilit ang ngiting yon.

"Sige nga kiss mo ko para convincing.", seryosong sabi niya naman sa akin.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: May 02, 2020 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

UntunedCerita yang bikin terobses. Temukan sekarang