TTS: 5

8 0 0
                                    


Ikaw pala si Marco! Hi! Brad!" Nakipag kamay si Dae at sumunod namang silang lahat na nakipag kilala.

"Hi! Asterin!" Bati ni Marco sakanya at napilitang ngumiti, alam naman niya ang story ng love life ko dati at mag ka klase kaming tatlo nung high school.

"Anong course mo?" Kumukuha ng kanin na tanong ni Deus dito.

"CE." Sagot ni Marco kay Deus habang nilalagyan niya ng kanin ang plato ko medyo kinilig ako ng slight!

"Wow! Future Engineer! That's nice huh, hmm pero bakit nga ulit kayo nag ka hiwalay ni Lou?" Nanlaki mata ko sa Tanong ni Dae! Putik na gagong to naman! Hindi agad naka sagot si Marco dahil sa tanong ni Dae sakanya.

"Well bata pa kami that time, may mga bagay na hindi kami pag kakaintindihan." Lalagyan na sana niya ng hipon ang plato ko ng biglang nag salita si Uno.

"Farien is allergic to Hipon tss" halos mag laway ako sa buttered shrimp! Hindi na din naka palag si Deus kanina nung sinabi ng lahat na dapat lahat makakain sa buttered shrimp except sakin of course.

"Oh! I'm sorry! Hindi ko alam." Napakamot nalang ng ulo si Marco dahil sa kahihiyan. Mabilis namang kinuha ni Uno ung buttered shrimp sa plato ko.

"Ilang taon kayong nag sama pero you don't know the food na hindi pwede sakanya?" Halla bat nag aattitude si Uno? Anong trip nito ngayon? Mukhang napatigil si Marco sa ginagawa niya at nakipag titigan ng masama kay Uno.

"Bakit hindi mo ligawan si Loura ulit?" Biglang pag singit ni Claude dahil alam niyang mag kakainitan na.

"I want to court her again, pero parang mahihirapan ako ngayon dahil sa'nyo." Walang prenong sabi niya sa mga kaibigan ko.

"Oo naman men, Loura is out Best Friend wala pwedeng manakit sakanya dadaan ka muna sa'min, kaya pag may balak kang gaguhin siya pasensyahan hahanapin at hahanapin ka namin." Seryosong tugon ni Dae at blankong tumingin kay Marco. Ilang minuto din kaming natahimik sa hapag.

"I'm not going to hurt her again." Nakatingin siya sa'kin habang sinasabi ang mga salitang iyon. Bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko rin alam kung bakit ba kalakas parin ng epekto niya sa akin.

"Hindi ako na inform na puro pala lalake ang kaibigan ni Loura dito." Matamis siyang ngumiti sa mga kaibigan ko na para bang may gustong ipahiwatig sa mga ito.

"Well parang hindi mo naman alam na High School palang one of the boys na si Loura." Sarcastic na sabi ni Aste sakanya, ito na naman lumalabas na naman ang pagiging maldita niya.

Alam niya na mailap ako sa mga babaeng kaibigan, ayokong makipag plastikan, ayoko ng kaibigan na may nasasabi sa akin kapag naka talikod ako, dahil ang mga babae hindi nila maiwasang ma insecure sa kapwa nila. Instead of lifting each other, hinihila nila ito pababa. That's why I'm thankful dahil meron akong Asterin na tunay.

Natawa ako ng biglang buksan ni Claude yung kimchi at sabay silang napatakip ng ilong lahat, maliban samin ni Aste.

"Feeling ko si Lou at Aste lang ang may gusto ng Kimchi, pero sympre Marco hindi mo naman siguro ako tatanggihan dahil kaibigan kami ni Lou." Nakangiting sabi nito sakanya. Nilagyan niya ang plato ni Marco nag pag ka rami! Grabe! Paano pag ayaw niya pala sa kimchi! Isa din itong si Clau. Napilitan namang ubusin ni Marco lahat ng nasa plato niya kahit nangangasim na mukha niya dahil sa kimchi.

"Marco, kamusta kayo ni Ker? Balita ko kasi nag kakausap kayo?" Malamig na tono ni Aste sakanya, at medyo napakunot ang noo ko dahil sa narinig ko. Bigla akong napatingin kay Marco na parang hinahanap ang isasagot niya sa amin.

"A-a-Ah nag kakausap kami pero hindi ko naman sila pinag sasabay ni Loura—" naputol ang sasabihin niya dahil nag salita na naman si Uno.

"Hmmm make sure lang na hindi mo nga sila pag sasabayin, ako ang unang hahanap sayo kapag umiyak si Farien. Im done. Yoyosi muna ako sa labas." Napaawang kaming lahat sa sinabi ni Uno! Seryoso? Bakit ganito attitude niya ngayon? Kakausapin ko siya mamaya.

Touch the SkyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin