TTS: 2

11 0 0
                                    


Nag break kami nung High School kami, 1 year mahigit kami. Dahilan ng break up namin? Ayaw niya daw na may inaalala pa ako, so ayaw niyang alalahanin ko siya? At alam niyo yung nakaka tawa? Yun yung nag beg ako, lumuhod ako sa harap niya para hindi niya ako iwan, at ang masakit pa roon tinalikuran niya ako at iniwan. Ikwekwento ko pa ba buong nangyari sa relasyon namin? Mabilis kong sinagot ang tawag niya.

"Hmm yes?" Pag sagot ko sa tawag niya, nag kakausap na kami nung bakasyon pa. "Kumain kana ba? Tawag ulit ako mamaya may gagawin lang ako." Napangiti ako! Tumawag talaga siya para lang tanungin kung kumain na ba ako! Kilig is me! "Ah kakain palang sige ingat ka! I love you!" Nakangiti parin ako hindi na yata mapapawi itong ngiti ko ngayon. "Uhm sige bye!" Sabay baba niya ng phone, hays wala manlang I love you too!

"Oh nandito na pala yung marupok kong best friend" sabi ni Aste sabay roll eyes.  Alam niya kasi lahat ng dinanas kung sakit simula nung nag hiwalay kami ni Marco.

"Anong marupok? TANGA dapat TANGA!"sabi ni Dae habang may laman pang kanin yung bunganga niya! Dugyot talaga!
"Wow ha! Parang may alam ka naman sa nangyare sa relasyon namin." Irap ko sakanya ninanamnam ko na ang pag kain ko ng biglang mag salita si Caelum "Aste told us about your first love, Lou seriously? Lumuhod ka sa harapan niya para wag lang makipag hiwalay sayo?" Nanlaki mata ko at tinignan ng masama si Asterin! As in?! Kwenento niya sakanilang lahat?! nag peace sign lang sakin si Aste! Kingina! Lahat sila naka tingin sakin nag hihintay sa sagot ko.

"Oo." Tipid kong sinabi kay Caelum gosh bat ba hindi nalang na nahimik si Aste. "Hindi ka aso para mag habol sa isang taong pinag tabuyan kana, wag kang desperada. Don't beg for love kasi kung mahal ka nyan hindi ka niya iiwan. Bumabalik siguro yan sayo dahil may hindi pa siya nakukuha sa'yo. Stupid." Sabay inom niya sa tubig niya what the hell! Talagang pinangaralan ako ni CHERAULO! naka tingin lang siya sa'kin wala ako masabi sa narinig ko. Tinaasan ko siya ng kilay at sa huli ako rin ang unang nag baba ng tingin sakanya.

Masama bang mag pa ka tanga ulit? Masama bang mahalin ulit yung nanakit sa damdamin mo? Masama ba? Masama bang sumaya ulit sa piling ng taong iyon? Kahit wala kang kasiguraduhan?

"Tanginang gagong yun! Subukan kang saktan ulit nun at manghihiram siya ng mukha sa aso! Kami makakalaban ng mga gagong mananakit sainyo ni Aste!" Ayan gigil na tuloy si Dae kay Marco dahil sa kadaldalan ni Aste talaga! Nakakahiya kasi dahil hindi ko pa naman close yung tatlo! Nakaka bwisit! Lagot siya sakin mamaya! Masama kong liningon si Aste na hindi na makatingin sakin.

"Patingin nga ako ng itsura baka kuko lang namin yan eh." Ngisi ni Colten sa'kin wow! Nandito pala si Colten ngayon lang kasi nag salita. "Oh Aste ipakita mo na yung picture ni Marco dali tutal naikwento mo naman na sakanila diba?" Sarcastic kong sabi sakanya. Inis parin talaga ako sa kadaldalan niya! Feeling ko may binabalak kaya ganyan siya. Kilala ko yang abnoy na yan tss. Agad naman siyang pumunta sa Facebook at sinearch si Marco. Pinatingin niya sakanila yung picture.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Halos mapatingin sa'min lahat ng kumakain dahil sa tawa nila! Oo lahat sila! Pati si Uno! Grabe! Gwapo kaya si Marco! Kakainis sila. "What the hell Lou! Kuko ngalang namin hahahaha" may pa hawak pa sa tyan si Deus! Mga judger palibhasa mayayaman at may ibubuga! Inirapan ko sila naka halukipkip lang ako. "What a fucking face! Baliw na baliw ka dyan? Shit! Farien Loura!" Tawa na naman sila sa sinabi ni Dae! Pinag kakaisahan nila ako! Gwapo si Marco! May dimples siya! Ang dadaldal hindi nalang sila kumain. Hindi ko na pinakinggan yung iba pa nilang sinabi basta kumain na ako naka 3 rice ako ngayon. Sarap talaga ng PDL na tapos na kaming kumain lahat, napatingin ako sakanilang lahat at naka ngiti parin sila at nag pipigil ng tawa dahil hindi sila maniwala na ex ko yun! Napatingin ako kay Uno na naka ngisi sakin ngayon. Problema naman kayo nitong Cherauno na 'to.

"Caelum! Isabay niyo mo na  si Asterin ah? Uy kayo Uno may dala ba kayong sasakyan? Colten sakin kana sumabay." Napatingin ako kay Asterin na nangingiti dahil masosolo ang crush niya tss landi. Nag nod lang si Uno kay Dae sumasakay na ako sa sasakyan ni Dae at tinignan kung anong subject namin ni Aste ngayon, naka uniform siya kaya alam kong papasok na siya.

Touch the SkyWhere stories live. Discover now