"Hindi ka talaga mapakali 'no?" tanong ko sa kanya habang nag m-measure ako ng ingredients para sa Japanese pancake.

"Bakit ba kasi ayaw mong sabihin?"

Napangiti ako. Alam kong frustrated na siya. Alam kong gustong gusto niyang malaman. Sasabihin ko naman ang totoo pero ang sarap lang niya talagang pikunin.

At least nakakahanap ako nang dahilan para tumawa.

"Virgin ka," pamimikon ko pa lalo. "Kaya siguro affected ka."

Nakita kong namula ang tenga niya, "hindi nga sabi!"

Napatawa ako, "oh chill wag kang magalit."

Napahinga siya nang malalim and tried to calm himself, "hindi ako galit. Nagtatanong lang."

"Conservative ka ba?"

"Hindi naman sa ganoon. Sa opinyon ko lang, dapat ginagawa yung bagay na 'yon sa taong mahal mo."

Banal nga masaydo.

Napangiti ako at lumapit sa kanya, "edi mahalin mo 'ko, mahirap ba 'yon?"

Biglang napatigil si Blue sa ginagawa niya at nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Napahagalpak ako nang tawa dahil masyado siyang seryoso.

Tinapik ko siya sa braso, "joke lang. Mahirap gawin 'yon kaya wag ka nang mag tangka."

Napaiwas siya nang tingin, "wala naman talaga akong balak."

Napatawa ulit ako, "chill. Walang nangyari sa atin. Tingin mo naman pagsasamantalahan kita?"

Muling napabalik ang tingin niya sa akin, "wala talaga?"

"Disappointed ka?"

Napangiti na lang din siya, "malakas tama mo 'no? Ganyan ka ba talaga? Para kang lasing kausap?"

Nakakalasing ang kalungkutan?

"Tapos na ba 'yan?" pag iiba ko sa usapan. "Patikim nga."

Bago pa siya makaangal, tinry ko na yung kani salad na ginawa niya.

"Masarap 'yan!" confident niyang sabi

Tinikman ko ito.

"Kulang sa pepper. Dagdagan mo pa," sabi ko.

Nakita kong napakunot ang noo niya.

"Imposible. Sinunod ko measurements sa recipe eh."

"Edi itry mo."

Tumikim siya at mas lalo siyang nag taka.

"Ba't gano'n? Sinunod ko naman yung recipe."

Napailing na lang ako. I knew it. Yung galing niya by the book. Ayon ang disadvantage niya sa iba.

Bukod sa masyado siyang mabait.

Kinuha ko yung recipe, "ito? Guide lang 'to," sabi ko sa kanya. "Pero by the end of the day, dila moa ng huhusga kung masarap ang pagkain o hindi."

Kinuha ko yung kani salad na ginawa niya. Dinagdagan ko ng kung anu-ano pang seasoning. Kada lagay ko doon at halo, nakita ko ang pag c-cringe niya lalo na kung nag lalagay ako ng ingredient na wala sa recipe.

Kathang IsipWhere stories live. Discover now