Prologue

116K 3.6K 1.3K
                                    


"Mahal ko siya," he told me with a sad smile

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mahal ko siya," he told me with a sad smile. "Kahit masakit, parang hindi ko kayang tumigil na mahalin siya. Nakakatawa 'no? Hindi ko inexpect na aabot ako sa ganito."

"Pero kung bibigyan ka ng chance bumalik sa past? Pipiliin mo ba na makilala ulit siya? Kahit na alam mong masasaktan ka?"

Nakita kong natigilan siya, napabuntong hininga at bahagyang natawa. Tinignan niya ako habang napapakamot na lang siya sa likod ng ulo niya.

"Babatukan mo ako sa sagot ko," sabi niya.

"Bakit ano bang sagot mo?"

"Kung makakabalik ako sa past, pipiliin ko pa rin na makilala siya at mahalin siya kahit masakit."

"Bakit?"

He shrugged, "ewan? Dahil tanga ako?"

Napangiti na lang ako at napailing, "dahil mahal mo kaya ganun. Kahit masakit okay lang."

Mas lumawak ang ngiti niya at inakbayan ako.

"Kaya kita best friend eh kasi gets mo 'ko."

"Ganon din kasi ang gagawin ko kung sakaling ako ang nasa sitwasyon mo," sabi ko sa kanya.

Napabuntong hininga ka, "hay, pagdarasal ko na lang na sana kung sino ang mamahalin, mo, mahal ka rin para hindi mo maranasan 'to.

'Too late,' I thought.

Kasi mahal kita, pero wala akong magawa kundi panuorin ka na mahalin ang isang taong hindi ka naman pinapahalagahan. 

~*~

A/N

Inspired by Ben&Ben's song with the same title. 

Twitter hasthtag: #KathangIsipWP

Note: This is a short story with 10-15 chapters only--or less :)

Kathang IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon