Chapter Ten

848 42 1
                                    

Chapter Ten

The whole semestral break passed by like a blur. It was officially the best sem break for Louise because she was happy all throughout of it. Naka save ang lahat ng Albay at Cam Sur trip nila sa kanyang tablet. Yung groufie nila na nasa likod ang Mayon Volcano ang naging dakilang cover photo ng buong tropa.

Ang pinaka na enjoy niya iyong boodle fight, dahil lahat ng favorite niyang pagkain ay naroon. Naglatag sila ng mahabang table sa tabi ng bahay, sa damuhan, at kumuha ng dahon ng saging at doon na kumain. Parang pyesta sa sobrang ingay nila dahil puno ng tawanan. They spent a whole day touring Albay at nag stop over rin sila sa simbahan ng Penafrancia. She prayed for their trip to be safe and fun, at ganon nga ang nagyari.

Now she's about to face hell again, Second sem has officially started.

Handa na siyang pumasok ngayon para sa unang araw ng klase. She really can't believe time flies so fast, kung maibabalik lang ang sem break then gagawin niya. Now it's reality again. College sucks.

Tumunog ang kanyang phone nang pababa na siyang hagdan.

From: Reigan

I miss you

She felt her heart flutter sa text nito. After their Bicol trip, she never got the chance to see Reigan dahil natuloy parin ang Sweden trip nito kasama ang pamilya, isang linggo at kalahati ang stay nito roon at umuwi na para makapag pa enroll kaya isang araw lang silang nagkita but it was their first official date kaya masaya si Louise. Naging busy rin naman si Louise sa enrollment kaya nagkakasalisi ang oras nilang dalawa. After their date nakontento nalang sila sa chat, texts, and skype calls, katulad ng dati.

They update each other everyday katulad parin ng dati.

Parehas na November 9 ang simula ng kanilang klase, kaya parehas silang may pasok ngayon.

To: Reigan

I miss you too. Pasok na ko. Drive safe and aral mabuti! I'll text you later!

She loved his I miss you texts. Kahit na gustong pumunta ni Reigan sa Cavite ay umaayaw si Louise dahil alam niya kung gaano ito ka-busy.

Nakaratin na siya sa DMUC with 15 minutes to spare kaya agad niyang hinanap si Danah. Kagagaling rin lang nito ng Cebu kaya nang magkita muli sila ay parang silang nagkahiwalay na magkapatid.

"Nanliligaw na talaga? Asan na yung chocolates? Flowers? Mushy gifts?" Danah ranted nang maikwento ni Louise ang lahat nang mag vacant.

"You know I don't do those kinds of stuff. His mere presence will do. That's enough for me."

She just wanted to be with Reigan, hindi naman talaga ito kailangan na bigyan pa siya ng regalo dahil ayaw rin naman niya ng ganon. She hates surprises and she told him that.

"Hindi pa tayo tapos! Kailangan mo pang i-kwento ang nagyari sa first date niyo! May klase pa ko!"

Buti nalang ay may isang vacant siyang kasama si Danah. Na boring na rin siya sa sumunod niyang klase kaya't nag play back na rin sa kanyang utak ang nagyari noong first date nila.

He took her swimming sa isang rooftop ng hotel, at doon na rin nag lunch, after that nag lakad lakad lang sila hanggang sa makarating sa isang art museum, knowing Reigan and his love for art, nagpumilit itong pumasok sila. She remembered how he explained one simple painting to her and she got to experience it again. Parang naging tourguide ito ng wala sa oras at walang ginawa si Louise kundi mamangha at tumawa. He seemed like a kid on Christmas day. She secretly admired how his eyes shined with a simple piece of art.

Untitled StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon