Prologue

48 4 0
                                        

"Huy friend! Parang tulala ka na naman diyan. May nangyari ba?" Narinig ko si Alexa pero hindi ko pinansin.

Nakita ko ang kamay niya na kumakaway sa harapan ko para matignan ko siya. Hindi ko maintindihan kung bakit ang saya-saya niya ngayon, subalit ako parang tinabunan ng kisame.

"Luna! huy! Lumilipad ba na naman yung utak mo?" Inaalog na niya Ako kaya pinansin ko na siya.

Huminga ako ng malalim at binura lahat ng iniisip ko. "Wala Alexa, pagod lang siguro."

Buti na lang at she let me be kaya mag-isa na lang ako sa coffee shop. magme-meet daw siyang friend or fling sa may BGC kaya nauna na siya. I'm still thinking of an idea for my story pero walang pumapasok sa isip ko. He's all I can think of now, and I don't know kung paano siya mawawala sa isip ko.

I decided to go somewhere far from the city para makapag-isip ako. Nag-drive ako papuntang Tagaytay at tiniis yung traffic. Ang tagal ko na bago bumalik dito. It reminded me so much of him.


Pumasok ako sa rest house namin at nagtungo sa bakuran kung saan may malaking puno. Sumandal ako roon at dinaman yung bawal haplos ng hangin sa mukha ko, ang mga dahon na nahuhulog mula sa puno at ipinikit ang mga mata ko.

"Love, look at me," he said softly like he didn't want to do this anymore.


I Did as he said and I saw his tears stream down his face. He wiped the tears off my cheeks first before he allowed me to do the same for him.


"Louise, mahal na mahal kita kaya please, fight for us," he pleaded and hugged me.


I wrapped my arms around him as tight as I can. my tears never stopped from streaming down my face and his shoulder caught almost all of it. He never let another tear fall to the ground.


He loosened the embrace for his lips to touch mine before wrapping me in his arms again.


"I love you Basti," I whispered in his ear when the sky started to light up.


With the remaining strength, I have, kumawala ako sa yakap niya at tumakbo papalayo. I ran as fast as I can and as far as I can. I'm so sorry Basti. I love you pero sabi nga nila, pinagtagpo pero hindi tinadhana.


Kirot, Tusok, kahit anong klaseng sakit na isipin mo, iyon ang nararamdaman ng buong pagkatao ko. Ang bigat sa pakiramdam. Gusto ko man siyang lingunin hindi ko kaya. Hindi ko na alam-


Naalimpungatan ako noong tumunog ang cellphone ko.


Happy birthday to me!


Tumingin ako sa clock na nasa phone ko at nakita na 12:00 na pala the next day. Happy birthday to me nga. Kinuha ang papel na nakatupi mula sa aking bulsa at binuklat iyon.

Maligayang kaarawan

Sa binibining nasa aking harapan.

Ikaw ang dahilan ng aking kaligyahan

At ang babaeng nasa akin puso't isipan

Magtatapos man ang araw na ito

Huwag mong kakalimutan na ako'y palaging nandito

Hindi ako mawawala, tulad ng butiun sa gabi

Basta't hindi mawawala ang mga ngiti sa iyong labi

Ilipat mo man sa susunod na pahina

O sa pangalawang talata

Nagpapasalamat ako sa mga tala

Dahil tayong dalawa'y tinadhana

Ako ay mananatili sa iyong tabi

Nagmamahal parati,

Basti

Shooting starWhere stories live. Discover now