unang kabanata -

45 0 0
                                        

matapos isilid sa kanyang trekking bag ang huling pares ng pantalon ay agad na lumapit si jade sa kanyang mga kasamahan upang ipaalala ang mga importanteng gamit na dapat nilang dalhin.

"yuni, 'wag mong kakalimutan 'yung gamot mo, ah." paalala ni jade sa kaibigan nyang dilaw ang buhok.

"ready na, nauna ko pa ngang iprepare 'yun kesa sa mga damit ko, e." natatawang sagot ni yuni habang sinusubukang izipper ang bag nito.

napailing naman si mia nang makitang halos sumabog sa dami ng laman ang bag ni yuni, "ilang damit ba ang dala mo at hindi magkasya sa isang bag?"

kibit-balikat lamang ang sagot ni yuni.

"tig-iisang bag lang dapat ang dala natin, mahihirapan tayong umakyat nyan kung may iba pa kayong bitbit. dalawang araw lang naman tayong magka-camping." saad naman ni jade.

"ate jade, sigurado ho ba kayong pagkatapos nating naghike at mag-camp, 'e makakalimutan mo na sya? sapat na ba 'yung dalawang araw? alam mo namang aakyat lang tayo ng bundok para maka-move on ka kay-"

"alam ko lei, sigurado na ako. ako pa ba?" ngiting sagot ni jade sa nakababata, "salamat pala at sasamahan nyo ko, ah. lalo ka na lei, ikaw ang sanay sa atin sa hiking, e. kailangan ka talaga namin doon."

ngumiti si lei, "wala hong anuman, ate. syempre bonding na rin nating apat 'to, e. sobrang busy ba naman kayo sa kanya-kanya nyong trabaho."

natawa ang tatlong nakakatanda. "ay ako hindi ako busy, bukas naman ang studio ko lagi para sainyo." sambit agad ni yuni.

"pasensya na at in demand ako sa airport." biro naman ni mia, "gusto ko na ngang mag-palit ng trabaho para makapagpalit ako ng kulay ng buhok."

"sorry, lei. hayaan mo at lulubusin na natin 'tong hike and camping trip natin. para rin makalimutan mo ang stress ng buhay kolehiyala."

nagkakilala ang apat nang magkatabi-tabi ito sa isang concert apat na taon na ang nakakalipas. iba-iba man sila ng personalidad ay agad namang nag-click ang ugali nila sa isa't-isa.

si mia, mahaba ang buhok nya, matangkad at maganda. pero hindi mo iisipin na sakanilang apat, ito iyong palaging lutang. na kahit kasama mo sya ay lumilipad ang isip nito sa ibang bagay o sa ibang lugar. day-dreamer, ang tawag nya sa sarili. sa kanilang apat sya 'yung mahihila mo kung saan, sya 'yung walang pakialam sa mangyayari basta go with the flow lang as long safe at happy ang lahat.

si yuni, isa syang music producer sa maliit na kompanya pero ang sabi nya, kahit naman daw hindi ganun kataas ang sahod nya, masaya naman sya sa ginagawa nya. sa kanilang apat, si yuni ang pinakamasayahin. idinadaan nya sa tawa ang problema nya kaya sakanila, sya rin ang kanilang happy virus. gusto nya na kapag masaya sya, masaya rin ang mga kaibigan nya pero nakakatakot kapag nagagalit. may mala-anghel at mataas na boses kumpara sa taas nitong hanggang balikat lamang ni mia.

si lei, ang pinakabata ngunit pinaka-mature sa grupo. sa lalim nito mag-isip at mag-salita, paminsan ay nahihilo na ang mga kaibigan nya sakanya. matalino at marunong maka-appreciate ng mga maliliit na bagay. kahit dalawang taon ang agwat nya sa mga kaibigan, hindi naman iyon naging hadlang para makasabay sya sa trip ng mga ate nya. kung tutuusin ay may itinatago itong lakas ng sense of humor na hinding-hindi pagsasawaan nila jade, yuni at mia.

si jade, kung titignan ay iisipin mong galit ito sa paligid. dahil na rin siguro sa suot nitong salamin. madalas na lamunin ng stress kaya madalas din kung tawagin ang mga kaibigan nya. sila kumbaga itong stress-reliever nya. kaya ngayon at nagtipon-tipon nanaman ang apat para sa panibagong adventure nila.

———

sa susunod na kabanata:

matapos ang hapunan ay naupo ang apat sa ilalim ng malawak at mabituing langit.

"nakahinga rin tayo ng maluwag." saad ni yuni.

tumango naman si mia, "kung bakit kasi napaka-stressful ng buhay doon sa baba. sana ganito nalang lagi, peaceful, quiet, tapos walang sakit sa ulo."

"ganoon talaga ang buhay, mga ate. hindi naman siguro iikot ang mundo kung puro tayo tawa lang. syempre dapat- teka ano 'yun?" turo ni lei sa maningning na langit.

mula sa pagkakayuko ay napalingon si jade sa mga kasama, "ang alin?"

"suotin mo 'yung salamin mo dali!" sambit ni mia at agad rin namang sinuot ni jade ang salamin nya.

nanlaki ang mata ng apat ng makita nila ang isang maliwanag na bagay mula sa langit.

"shooting star?"

"kung shooting star 'yan e bakit palaki ng palaki?"

nilalangWhere stories live. Discover now