Hinuli niya ang kamay ko. "Fran..."


"You should rest..." Pinilit kong ngitian siya. "Nanlalalim ang mga mata mo, siguro ilang gabi kang walang tulog. Hindi ka rin siguro kumakain nang maayos." Pigil na pigil ko ang pagpiyok at pagtulo ng mga luha ko.


"Then umuwi na tayo." Tinalikuran niya na ako para lumabas ng gate. Ni hindi niya pinansin sina Vice at Calder na nakatingin sa amin.


"Galit ka ba?" tanong ko kahit alam ko na hindi na naman siya sasagot.


Huminto siya sa paglalakad.


"Jackson, I—"


"Yes."


"Ha?"


Bigla siyang lumingon. "Yes. I am mad."


He looked at me with so much anger boiling in his eyes. At deserve ko lahat ng galit na meron siya.


"I am mad. Galit na galit ako!"


Napaatras at napayuko ako sa lakas ng tila kulog na boses niya.


"Do you even know why I am mad?"


Napahikbi na ako. Alam ko. Alam ko na galit siya dahil sa katigasan ng ulo ko. Galit siya dahil nagsinungaling ako at tumakas—


"I am mad because you've been kidnapped! Galit na galit ako kasi muntik ka nang mapahamak! Galit na galit ako dahil muntik ka nang mawala sa akin!"


Nakaawang ang mga labing muli akong napatingala sa kanya. "Jackson..."


"Pinag-alala mo ako nang sobra!" His voice trailed off and his eyes now were filled with tears.


Lumapit siya sa akin.


"I was shocked, hurt and fucking scared because I thought I'm gonna lose you!"


Napaiyak na ako. "Sorry... sorry..."


"Hindi ko pa rin talaga kayang magalit sa 'yo." His hands cupped around my face as he tilted my head slowly. "You drive me crazy but you're the only one who can keep me sane."


"Jackson..." hikbi ko.


Idinikit niya ang kanyang noo sa akin. "Do you still love me?"


Lalong tumulo ang mga luha ko sa mahina at puno ng damdaming tanong niya.


"Do you still love me?" he repeated. His lips brushed mine as he spoke.


"Yes..." I replied, feeling my heart skipped a beat. Yes, I still love him. I will always love him.

Obey HimWhere stories live. Discover now