Feelings

23 1 0
                                        


"Sino 'yon, ha?!" I shouted at him the moment we reached my apartment.

"Wala nga, she's just a friend!" he shouted back.

"Friend!? Eh, parang anaconda kung makakapit sya sa'yo tapos "friend" lang?!" I air quoted the word friend.

"Stop calling her anaconda because she's not!" he defended her.

"Ano pala sya kung ganon? Tarsier at ikaw ang puno kaya ganon na lang sya kung makakapit sa'yo?!" sarcastic kong sabi.

"Stop it, okay?" he glared at me but I didn't back down. I glared back at him.

"Henry," tawag ko dito. "Tell me the truth, who is she?"

Akala ko aamin na sya na meron ngang namamagitan sa kanila pero nagkamali ako.

"I already you told that she's my friend, right?" halos nanggigigil na nyang sabi.

Umiiyak na umiling na lang ako sa kanya.

"Lahat na lang ng babaeng kasama ko pinagseselosan mo." he disappointedly shook his head.

"Hindi ako magseselos kung wala akong nakikitang mali."

"Ang sabihin mo paranoid ka lang." sabi nito na kinakunot ng noo ko.

"I'm not!" tanggi ko.

"Yes, you are. Akala mo katulad ako ng ex mong gago na lolokohin ka."

"Bakit hindi ba?" hindi ko napigilang sabihin kaya mas lalo syang nagalit.

"Wag na wag mo kong ihahalintulad sa ex mong 'yun!" he said while pointing his finger towards me.

Tinabig ko ang daliri nya na nakaduro sa akin.

"Tinatanong ko lang naman, ba't ka defensive?" taas kilay kong tanong.

"You know what," sabi nito imbes na sagutin ang tanong ko. "Wala nang patutunguhan 'tong relasyon na 'to."

Namutla ako ng marinig ko ang sinabi nito. I know where is this heading. At hindi ko hahayaang mauwi na naman 'tong relasyon na 'to sa dati. Sa hiwalayan.

Martir na kung martir but I can't take another heartbreak. Not again. Baka hindi ko na kayanin.

"Magbreak na lang tayo." sabi na nga ba dito rin patungo 'yung sasabihin nya.

"Henry," I plead, "Wag namang ganito, tinatanong ko lang naman kung sino sya. Hindi ko naman gusto na maghiwalay tayo, please!" halos lumuhod na ko sa harapan nya pero hindi nya binawi ang sinabi nya.

"I'm sorry. This relationship is already toxic for the two of us." he said without looking at me.

"Hindi na 'ko m-magseselos! H-Hindi ko na t-tatanungin kung sino sya! Just p-please, don't break up with me!" pagmamakaawa ko ngunit iniwanan na lamang nya ako ng salitang "I'm sorry" atsaka umalis na.

Hindi ko sya hinabol dahil umaasa akong babalik sya pero hindi. Nabigo na naman ako. Lagi na lang.

"Tama na yan, Patty!" sabi ng kaibigan kong si Lea sabay agaw ng alak na iniinom ko.

Pagkatapos kasing umalis ni Henry ay nanatili pa rin akong tulala at hinihintay syang bumalik. Hindi ako makapaniwala na basta na lang nya ako iniwanan.

Henry is my third boyfriend. Mag si-six months na kami kung hindi sya biglang nakipaghiwlay sa akin kanina but I still think na hindi pa kami break at normal na away lang ang nangyari kanina.

Nakilala ko sya sa isang coffee shop. Punuan kasi nung araw na yun at saktong vacant ang seat na nasa harap ko kaya nakiupo sya. Nagka-kwentuhan at nag kapalagayan ng loob. He asked for my number and I gave it. Doon magsimula lahat.

FeelingsWhere stories live. Discover now