“Hindi mo ako maloloko. Sinungaling, pinagpapawisan ka, e.” Muling sumilip si Blue. Nakakapit pa ito sa dingding. Tiningnan niya muli si Red. “Tatalon na ako papunta riyan.”

“Blue!” pagtawag ni Crezelda.

Bumaba si Blue mula sa balcony at hinarap ang ina niya. “Mom?”

“Ano’ng ginagawa mo riyan? Halika,” mahinahon na sabi ni Crezelda kahit ang totoo, ang bilis na ng pintig ng puso nito dahil sa sobrang kaba.

“Sa kabila lang po ako dadaan. Nandoon naman si Pula, e,” Pagturo ni Blue sa kapatid niya.

“Huwag na. Halika na,” pamimilit ni Crezelda.

Napakamot sa ulo si Blue. “Sige na nga.”

Nang makita ni Red na nasa balcony pa ang ina at kapatid niya, napatakbo na ito palabas ng kuwarto. Sinigurado niyang nakasara na ito bago umalis.

“Pula!” pagtawag ni Blue sa kapatid niya nang bababa na sana ito sa hagdan.

Napahinto si Red. “Oh?”

“Oh mo mukha mo. Bakit hindi mo kami hinintay? Bakit hindi ka sumasagot kanina? Ano’ng meron sa kuwarto na iyon? May tinatago ka, noh?”

“Shut up! Ang ingay mo!” singhal ni Red.

Matapos sigawan ni Red ang kapatid niya. Tumakbo na ito at nagmamadaling bumaba.

•••

“Bye, Tita, Tito. Iingatan ko po ang anak niyo,” pagpapaalam ni Red. Sinundo niya kasi ang kasintahan sa bahay nila dahil ipapakilala na niya ito sa magulang niya.

“Mauna na kami, Mom, Dad,” pagpapaalam ni Katleya.

Paglabas nilang dalawa, siya namang pagpasok ng isang babae at lalaki.

“Hi, Ate’t Kuya,” pagbati ni Red. Alam niyang mga kapatid ni Katleya ang nasa harapan niya. Maliban sa nakita na niya ito sa mga larawan, naka-usap na rin niya ito sa pamamagitan ng social media.

“Red,” sambit ni Black.

“Kuya Black. Mas pogi po pala kayo sa personal,” pagpuri ni Red. Tiningnan naman nito ang kapatid na babae ni Katleya. “Hi, Ate Purple.”

Si Purple Angelie C. Quizo ay ang panganay sa tatlong magkapatid. May maganda itong mukha at palaban na ugali. Nagtatrabaho na ito sa kumpanya nila bilang isang accountant. Katulad ni Katleya, matalino rin itong babae na namana sa kanyang ama at ina.

“Ingatan mo ang kapatid ko, Red,” bilin ni Purple.

“Magkakilala kayo, Te?” takang tanong ni Katleya.

“Oo. Feeling close kasi ang boyfriend mo. Humingi rin siya sa amin ng permiso sa Kuya Black mo through Facebook,” si Purple.

Napalingon si Katleya kay Red. “Ginawa mo iyon? Bakit hindi mo sinabi?”

“Hindi naman kailangan, e. Gusto ko kasi legal tayo. Para walang problema,” sagot ni Red na nagpangiti sa dalaga.

“Kaya kung kami sa iyo, Kat. Huwag mo na pakawalan si Red,” sabi ni Purple.

Niyakap ni Katleya ang kanyang kasintahana sabay lingon sa mga kapatid at magulang niya. “Hindi naman talaga. Nakikita ko na ang sarili ko na siya ang kasama.”

“I love you, my princess.” Tiningnan ni Red ang mga magulang at kapatid ni Katleya. “Paalam na po.”

•••

“Mom, dad, si Katleya po,” pagpapakilala ni Red sa kasintahan niya sa harap ng mga magulang niya.

“Good evening po sa inyo,” pagbati ni Katleya sabay yuko.

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now