Hezekiah:

Saw your bestfriend here

Ako:

And you're using his phone.

Hezekiah:

No, yung babae

Kumunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. Si Iris? Iris is my highschool bestfriend. Siya ang palagi kong kasama sa school noon at hanggang ngayon dahil blockmates kami. We have quiz tomorrow, pero nag bar pa sya?

Hezekiah:

Your boytoy too

Napabunga ako ng hangin. Kahit ipagdiinan ko sa kanila na boyfriend ko si Rylan at huwag nilang tawaging ganon, para nagiging bingi sila pag sinasabi ko iyon at automatic na nadedelete iyon sa ala ala nila.

Nagulat ako noong biglang tumawag saakin si Theo, na gamit ang cellphone ni Heze. Agad ko iyong sinagot.

"Theo-"

"Babe."

"Heze!" masayang sigaw ko. Hindi ko na inabala pa ang tawag niya saakin dahil sanay na ako roon. Mas malandi pa siya kaysa sa babae.

I heard him chuckle. Hindi ko man siya nakikita ay pakiramdam ko ay medyo lasing na siya dahil sa boses niya.

"Eba!"

"Tsk, ano ba!"

Natawa ako dahil sa narinig kong saway ni Heze kay Theo.

"May sarili kang cellphone!"

"Mas gusto ko iyo!"

"Gusto ka ba?"

I laugh at them, bickering. Araw araw nalang silang lahat. Hindi ko talaga maisip kung paano natitiis ni Six ang tatlo. Sobrang iingay kasi at palaging nagtatalo habang si Six naman ay tahimik, payapa at suplado.

"What are you doing?" tanong niya.

"Nagreview lang. Pahinga lang ako konti tapos gagawa ng plate." sagot ko sa kanya. I stood up and get my things. Inilagay ko iyon sa bag ko.

"Sipag naman ng arki ko."

Natigilan ako dahil sa kanyang sinabi. I sigh deeply and continue fixing my things. Pilit na pinasok saaking utak ang kanyang sinabi bilang biro.

"Arki mo? Pinapaaral mo ba ako?" sarkastiko kong sagot.

"Nagpapakahirap ako para sayo, anak. Tapos ganyan ka sumagot?"

I laugh and shook my head. I put my phone into loud speaker. Dumiretso ako sa sarili kong drafting table kung saan naroon na at nakaayos ang aking plate.

"You busy?" tanong niya, marahil ay narinig ang paggalaw ko.

"Hmm, plates."

"Okay..." rinig kong sabi niya. "I'm gonna go now so you can focus. Wag masyadong magpuyat okay? Rest. You got all your time, Architect."

Ngumiti ako dahil sa kanyang tawag saakin. I really like it everytime I hear him call me that. Parang kapag siya yung nagsasabi, siguradong matutupad lahat. Oh, how I wish for that to happen. Bata pa lang ako pangarap ko na to.

"Yes po, Sir. Kayo din ah, wag maglalasing masyado and drive safely! Take care, please..."

"Sabi mo eh. "

I unconsciously smiled.

"Hang up now, babe."

Inabot ko ang aking phone upang sundin ang kanyang utos. Ako palagi ang nagbababa ng tawag saaming dalawa. I don't know but he always refuse to be the one who will end our call.

Every Step AwayWhere stories live. Discover now