Chapter V

338 8 0
                                    


Pao's POV

Ano nga ulit pangalan non? Kel? Kel ba yun? Oo tama. Buti naman tumawag na siya sa 'kin. Ayun nakikipagmeet. Extra income to mga tol. Hahaha

Sa blue building daw ng Mandaluyong city hall kami magkikita. Kaya maaga akong umalis sa bahay para maglakad, di naman kase kalayuan ang city hall sa tirahan ko. 9 am ang usapan, pero napagdesisyunan kong pumunta ng maaga. Habang naglalakad ako papunta sa City hall, Napadaan ako sa isang park, kung di ako nagkakamali Hardin ng Pag asa ang tawag nila dito. Napansin ko yung mga batang naglalaro, masaya sila. Walang mababanaag na kalungkutan at kahirapan sa mga mukha nila. Ang sarap maging bata. Hindi na rin ako nagtagal sa park, ayaw kong magsayang ng oras. Matutulog pa ko no! -.-

Damang dama ko ang init na nanggagaling sa sikat ng araw, mag lilimang minuto na akong nakatayo dito at limang minuto na lang din ang hinihintay ko para sumikat ang ika siyam ng umaga. Maya maya pa ay may lumabas na lalaki sa main entrance ng Blue Building, Parang pamilyar siya? Ay tangina! Siya na yun. Haha akala ko iindyanin na ko neto eh. Hahaha

"Kamusta? Buti naman tumawag ka, Kel." Hahawakan ko na sana ang kanang kamay niya para makipagshake hands ng biglang may isa pang lalaking lumitaw sa tabi niya.

"Ayos lang. Kanina ka pa ba? By the way, he's my younger brother." Pagpapakilala niya sa lalaking nasa tabi niya ay teka mali, di pala lalaki, bading pala. Pero parehas lang yun diba? Ay ewan -.-

"Hey pretty! Im Pao and you are?" Pagpapakilala ko with matching Pa - Hot Guy effect. Syempre kailangan ko nun para kumita.

"Eli." Wow mukhang suplado 'to ah. Ay suplada pala. Hahaha

"Iwan ko muna kayo, ikaw na bahala magkwento dyan ha? Sana magwork yang plano mo." Wow may plano, mukhang masaya to ah. Haha

Hindi nagtagal kinwento na sakin ni Eli ang plano, sus madali lang pala. Magpapanggap lang pala 'kong boyfriend niya sa harap ng ex niya.

"So pano? Uwi na ko. Kita na lang tayo mamaya." Medyo may pang aakit kong sabi sa kanya. Haha bibigay ka din sakin bading! Hahaha

"Okay. 5:30 ah! Dapat nandito ka na." Sabay talikod niya na nagsasabing babalik na siya kung san siya nanggaling.

Pagkauwing pagkauwi ko ay dumeretso ako agad sa papag para makatulog na. Wala pa kasi akong tulog dahil sa work ko. Di ko na din masyadong napansin si mama gawa ng sobrang pagod. Mamaya ko na lang siya ichecheck pagkagising ko.

--

5:00 pm

Hairstyle [✔]

Pabango [✔]

Porma [✔]

Gwapo na ba ko [ Oo, Sobra! ]

Haha ready to go na ko, sana magustuhan niya 'tong porma ko. Simple lang naman kase ako, Sweater na black with a dark grey bonnet, Faded jeans na fitted at converse na itim. Mukha akong rakista sa itsura ko, pero ayos lang, pogi pa din naman ako.

Di nagtagal at pinuntahan ko na rin ang lugar kung saan kami magkikita, may isang kotse doon. Bumusina ito kaya yun yung naging signal ko na si Eli ang nasa kotse.

"Are you ready?" Nagulat ako kasi pagkabukas ko palang ng pinto ng sasakyan eh ganyan na ang bungad niya sa 'kin.

"Oo naman, basta para sayo." Ngumiti lang siya ng pilit at sa tingin ko ay medyo naasiwa siya sa sinabi ko.

Narating namin ang bahay nung Rj nang walang imikan. Wala din naman akong sasabihin kaya di na lang ako nagsalita.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng bigla niya kong hawakan sa kaliwa kong kamay.

"Bakit?"

"Wala kang ibang gagawin kundi ipakitang mahal mo 'ko, masaya tayo. Yun lang okay?" Seryoso? Ganun talaga siya kaseryoso para sa ex niya? Eh bakit hindi na lang siya magmove on diba?

"Okay." Sagot ko.

"Please wag mo kong ilalaglag." Yan ang mga huling sinabi niya bago ako makababa sa kotse niya.

--

"So you must be Pao? Eli's new boyfriend" Nandito kami ngayon sa may tabi ng pool, nagiinuman. Mayaman pala 'tong ex ni Eli eh.

"Yup. Why?" Malamig kong tugon sa kanya. Asan na ba yung Eli na yon? Sabi kukuha lang daw siya ng drinks, yan tuloy mukhang ma iinterview ako ng wala sa oras ah.

"Mag iingat ka, ginagamit ka lang niya! Iiwan na parang basura. Sinasabi ko sayo, masasaktan ka lang." Halata sa itsura niya na naiinis siya, pinipigilan niya lang.

"Ge, Hanapin ko lang siya." Mukhang di ko ata kaya makipag usap sa lalaki na 'to ah.


Eli's POV

Pabalik na ko sa pwesto namin ni Pao bitbit ang tatlong bote ng beer, ngunit minabuti kong tumayo na lang muna sa di kalayuan upang silayan siya.

Ang gwapo pala niya. Tanga tanga ko, bat ngayon ko lang 'to napansin? Yung mukha niya, napakaaliwalas na aakalain mong isang anghel na bumaba sa langit. Napansin ko din yung labi niya, shet! Mukhang masarap! Matry nga mamaya. Hahaha

Lalakad na sana ako palapit kay Pao nung biglang may humawak sa braso ko at bigla akong siilin ng halik. Nagpumiglas ako hanggang sa makakawala ako.

"Shit!" Napamura talaga ko sa ginawa ng lalaking 'to!

"Miss me? Haha sino yun?" Sabay turo niya kay Pao "Bago mo? Ipagpapalit mo na lang ako sa ganyan pa? Haha poor!" Naiinis talaga ako pag nakikita ko ang mukha ng lalaking ito, sino pa ba? Edi si Rj! -.-

"Excuse me? Hindi kita pinagpalit. Ako ang pinagpalit mo!" Pasigaw kong sabi. Wala na kong paki kung may makarinig sa 'kin. Basta malabas ko yung sama ng loob ko.

"Whoaaah! Chill. Halatang mahal mo parin ako ah? Sa inaasal mo ngayon masasabi kong nasarapan ka sa ginawa ko kanina? Tama ako no?

"Ang kapal ng mukha mo! Hindi na kita mahal at papatunayan ko yan sayo!! Watch me."

Lumayo ako at nilapitan si Pao. Nilapag ko ang tatlong bote ng beer sa sahig. Pagkatapos nun iniangat kong bahagya ang ulo ko. Mula don, kitang kita ko ang mapupulang labi niya na nagsasabing "Eli, Nagmamakaawa ako sayo. Halikan mo na 'ko." Wala ng patumpik tumpik pa, hinalikan ko siya. Ang sarap nga!

Binaling ko ulit ang paningin ko kay Rj na hindi kalayuan ang layo sa pwesto namin ni Pao. Nginitian ko siya kasabay ng pagyakap ko kay Pao.

"Tara, alis na tayo. Dun na lang tayo sa bahay namin." Paganyaya ko kay Pao na halatang gulat padin sa ginawa ko.

Hinatak ko siya palabas sa gate ng demonyo kong ex.

"Ay wait, may naiwan ako." Hindi na ko naghintay ng sasabihin ni Pao, tumakbo na ko kaagad. "Hintayin mo na lang ako sa kotse ko."

Hingal na hingal ako nung makabalik ako sa sasakyan.

"Anong binalikan mo dun?

"Eto" Sabay pakita ng tatlong botte ng beer. "Sayang eh. :)"

---
A/N: Ayan mahabang update. Kasi bukas maikli naman. Haha song for this chap is California king bed by Rihanna. Kinalaman nung kanta sa chap? Wala trip ko lang.

BTW, Don't forget to vote ah? Yun lang, Good night!

The Price Of Your Love (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon