Chapter III

431 13 1
                                    

A/N: Hi guys! Hahaha push ko talaga 'tong story ko kahit walang nagbabasa.

Paulo's POV

5:30 na ng umaga, medyo maliwanag na. Dapat kanina pa ko nakauwi, kaso lang naisipan ko munang tumambay dun sa parke malapit sa bar na pinagtatrabahuhan ko.

Nandito na ko sa tapat ng bahay, pinaparada ang motor na pinahiram sakin nung bading kagabi.

"Bago nanaman yan ah? Kanino yan? Kay Carla ba yan?" Si mama

"Ma, ikaw pala. Hindi po." Sagot ko

"Ah, eh kanino? Nga pala, medyo huli na ata ang dating mo? Nakakapanibago naman ata?" Pangungulit pa ni mama

"Ah-eh, kasi ma, Eh tumambay pa kasi ako dun sa parke. Maganda kasi, wala pang mga tao." Paliwanag ko.

"Hmm diba sabi ko wag ka magpapaumaga? Ayokong mabastos ka." Nakapasok na ko sa bahay habang si mama nasa labas padin. "Kahit lalaki ka. Dapat mag iingat ka. Alam mo naman sa panahon ngayon konti na lang ang matitinong tao."

"Ma, pumasok ka na nga. Baka lumala pa yang sakit mo eh." Pagiiba ko sa pinaguusapan namin ni mama

"Eh nag aalala lang naman ako sayo, baka isipin ng mga tao na hinahayaan ka ng magulang mo na ..." Pinutol ko na ang sasabihin ni mama

"Na ano? Na pokpok ako ma? Na baboy ang pagkatao ko? Wala akong pakialam sa sasabihin nila ma. Ang mahalaga mairaos ko at mautaguyod ko ang pamilya ko." Medyo inis kong sabi

"Anak, Hindi sa ga..."

"Matutulog na ko, Good morning ulit ma." Pagputol ko sa sinasabi niya.

------

Mali ata yung sinabi ko kanina kay mama, Mali. Mali nga, dapat di ko siya sinagot ng pabalang. Hayy ano ba 'to. Ang tanga tanga ko. Kawawa naman ang mama ko.

Anong oras na ba? Siguro magaalas 7 na ng umaga. Hmm, magsosorry na lang ako kay nama mamaya. Sige goodnight to me.

----

Kel's POV

Ano ba talagang naisip ko at pumasok ako sa bar na yun. Curiosity siguro dahil sa kapatid ko.

Ewan ko ba sa kanya, baket niya pinili maging ganon, I mean mapariwara. Para sa iisang lalaki kaya niya isantabi ang kaligayahan niya. Lalaki din naman ako. Ang bata bata pa naman niya, marami pa siyang magagawa sa buhay niya.

Ay di pa pala ko nakakapagpakilala, tarantado kasi 'tong author na to eh, binubuking ako. (A/N: Aray ko pre! Nasisi pa ko dun ah?) So ayun na nga.

Ako nga pala si Exequiel Troy Villagracia (Exequiel pronounced as Ezikiel), Kel na lang. 21 years old, Straight, Panganay sa dalawang magkakapatid at pogi ako kasi yung kapatid ko pogi din pero sabi niya maganda raw siya. Ang kapal ng mukha no? Pero ayos lang kahit gay siya. Love ko parin siya :)

To be continued

--------

A/N:

Pagpasensyahan niyo na kung maikli 'tong chapter, wala pa kase akong maisip. Actually wala pa talagang plot 'tong story pero wag kayong mag alala kasi ginagawa ko yung best ko para makaisip ng magandang plot.

Sana wag din kayo mabored kung medyo mabagal ang flow ng story kasi diba nga? Namention ko na :) At Pinapakilala ko pa lang kasi ang nga character, gusto ko kasi kayo ang mag isip kung among klaseng tao sila yung mga ugali nila. Ganun ba. :) Kaya ayun, basta ha? Don't forget to support me. :)

The Price Of Your Love (BoyxBoy)Where stories live. Discover now