Chapter 1

41 1 0
                                    

#nicetomeetyouagain

Halos palipadin ni Leann ang kanyang sasakyan, papunta siya sa police station.

Nasa kalagitnaan siya ng meeting sa kanyang team ng makatanggap siya ng tawag mula sa ina at nagpapasundo ito, dahil isinama ang ginang ng mga pulis matapos itong gumawa ng gulo sa isang restaurant at makabasag ng isang mamahaling display doon.

Magsundo sa police station...

Maabutang duguan o kaya bumubula ang bibig sa CR...

Magsundo ng lasing na lasing sa Bar...

Ilan lang yan sa mga naranasan ni Leann sa tuwing niloloko ng mga karelasyon nito ang kanyang ina.

Pagpasok niya sa police station ay kaagad niyang tinungo ang babaeng pulis sa front desk upang aregluhin ang case ng kanyang ina. Madali naman niyang nailabas ang ginang nag-sign lang siya ng kasulatan na babayadan niya ang naging danyos sa nasabing restaurant.

"okay ka lang ba mama? " basag ni Leann sa katahimikan habang nakahawak ang kamay sa manibela at naka-focus ang tingin sa binabaybay na daan.

Napabaling ang tingin ng kanyang ina sa kanya na halatang hindi malinaw na narinig ang tinatanong niya.

"may masakit ba sa'yo, gusto mo dumaan tayo ng Hospital? " may pag aalalang ulit na tanong niya.

"I'm okay anak, don't worry. Ikaw Leann galit kaba sa'kin, anak? " she asked.

Bahagyang sinulyapan ng dalaga ang ina bago sumagot.

Sanay na ako ma.

Ani ni Leann sa isip niya.

"gusto mo 'ma magbayad ako ng tao para bugbugin ang Roberto na 'yon? ang kapal ng mukha, pagkatapos maging palamunin sa bahay nagawa ka pa lokohin." seryosong sabi niya. Halatang di inaasahan ng ina ang naging suggestion ni Leann.

"seryoso ka ba anak? I think that's not necessary. Alam mo ba anak I slapped him very hard pati na rin iyong kasama niyang babae kanina, kung nandoon ka lang you'll see the mark of my hands in their faces. " buong pagyayabang ng ginang, trying to dissolve the idea on her daughter's mind.

Nilungon ulit ni Leann saglit ang ina, she heard a voice of gaiety.

"buti nga sa kanila, wag na sanang mawala ang marka sa mukha nila! mga walang hiya sila!!! " pagkasabi'y nagpakawala siya ng malakas na tawa at sinabayan din siya ng ina sa pagtawa.

The next day pagkatapos mag-attend ng board meeting ay tinungo na ni Leann ang restaurant.

Pagpasok niya ay nilapitan agad siya ng isang crew doon.

"Good morning ma'am, welcome to me encanta comer, this way ma'am, " bati nito at saka itinuro ang bakante na table sa bandang kaliwa nila.

"Good morning din, but actually I'm not here to eat. I'm here to talk to your manager, please. "nakangiting casual na sabi ni Leann.

Saglit na nagpaalam ang lalaki upang ipaalam sa manager nila ang kanyang pakay. Ilang sandali lang din naman ay bumalik na ito at inihatid na siya sa office ng kanyang hinahanap na tao.

Umalis na ang lalaking naghatid sa kanya. Bago pumasok ay kumatok muna siya.

tok... tok...

"come in. "

Pagbukas niya ng pinto ay naroon sa loob ang dalawang lalaki ang isa'y nakaupo sa tingin niya ay ang manager at ang isa naman ay nakatayo pero nakatalikod sa kanila dahil abala sa pagtingin sa isang painting.

Tumayo ang lalaking nakaupo at lumapit sa kanya.

"Hi, good morning miss?" bati na may kasamang pagtatanong nito kung sino ang nasa kanyang harapan.

"Hi, I'm Leann Hernandez" iniabot niya ang kanyang calling card sa binata.

"I'm the daughter of the woman who caused trouble here last night. I'm here to settle the amount I have to compensate." pagpapakilala ng dalaga.

Tila nakuha naman niya ang pansin ng lalaking nakatalikod at hinarap sila, sa ginawa nito'y halatang hindi inaasahan ng dalaga ang kanyang nakita.

"Marco? " halos pabulong na sabi ni Leann.

Lumapit sa kanya ang binata na may-ari ng nabanggit na pangalan.

"Nice to meet you...again, Leann. " bati ni Marco at saka kinuha mula sa isa pang lalaki ang calling car na inabot ni Leann at saka maiging binasa ito.

"Do you know each other, sir? " halatang naguluhang tanong ng kasama nila.

"no" mariing sabi ni Leann

"yes" pagtatama naman ni Marco.

---------------------thank you----------------------

[si Marco ang may-ari ng restaurant and the other guy is Bobby the manager. ]

Hello po,

This is my first story, sana po magustuhan niyo. Sorry sa mga wrong spelling and grammar.

I love to hear your suggestions or feedback that will help me a lot to improve.

kamsahamnida 😊😊😊

YOU ARE THE REASON Where stories live. Discover now