Katatapos lang ni ashley sa pagoopera sa kanyang pasyente. Inabot sila ng limang oras sa operating room ito ang pangalawang operasyon na ginawa nya ngayong araw ang unang nyang pasyente ay halos tumagal din ng limang oras.
Kauupo nya lang sa kanyang upuan ng tumawag ang kanyang kapatid . "Hello" halata sa boses nya ang pagod "ate pls tulungan mo aq ipapapatay nya ako" nanginginig nitong boses "nasan ka"mahahalata ang pagaalala sa boses nito "ate nandito ako sa bar ni kuya renz, pls ate bilisan mo papatayin aq ni kuya renz" agad syang nag ayos ng gamit para puntahan ang kapatid.
Hindi nya ito maaaring pabayaan , ito na lamang ang natitira nyang pamilya . Matanda lamang sya ng 3 buwan dito at kahit magkaiba sila ng ina ay mahal na mahal nya ito. Isa pa ang ina na ni stanley ang kinagisnan nyang nanay dahil ang tunay nyan ina ay namatay noong pinanganak siya.
Agad syang nakarating sa L&A Bar. Ito ang pinaka sikat na bar ngayon sa buong Pilipinas isa pa ang may ari nito na si Laurenz Carr Ford ang pinaka mayaman ngayon sa Pilipinas at isa na pinaka mayaman sa asya at buong mundo.
Ayaw nya sa ingay at ayaw nya rin sa amoy ng alak pero dahil sa kapatid nya ay nakipagsiksikan sya sa mga tao para makarating sa second floor kung san nadoon si Tan kung titignan ang mga kagamitan na nasa loob ng bar masasabi mo talagang pang mayayaman lamang ito. Huminga muna sya ng malalim bago nya buksan ang vip room.
"Ate, ate tulungan mo ako, ipapatay nya ako" sabay turo kay lance, na tahimik na nakaupo, sa gilid nito ay ang kanyang girlfriend na si angela kasama ang mga kaibigan nitong na membro ng P4 o Power 4.
Nanginginig ang kanyang mga kamay pero kailangan nyan magpakatatag. Kitang kita nya ang kalagayan ng kapatid bugbog sarado na ito may pasa at namamaga na ang mga mata.
"Patayin nyo na" sabi ni lance na nakapagpatayo ng balahibo ni ashley. "Lance kailangan mo ba talagang gawin to, bugbog sarado na ang kapatid ko." usal nya "His flirting with my girlfriend, so he need to die" seryosong sabi nito "lance naman kapatid ko sya" pagmamakaawa niya rito "do you think i care, kill him."utos nito sa mga tauhan. Bumaling naman sya kay angela na dahilan ng lahat. "Angela please tama na" pakiusap nya rito lumuhod pa sya upang maawa na ito kay tan na nakatingin sa kanya. Ngunit umirap lamang ito at yumakap kay renz. Si tan na nakatingin sa kanyang kapatid ay mababanaad sa mga mata pinaghalong galit at awa. Wala itong magawa dahil hawak ng mga tauhan ni renz ang kanyang mga kamay isa pa mahina na ang kanyang katawan dahil sa mga tinamong bugbog.
"Kill him now" wika ni renz, agad namang binunot ng isang tauhan ang patalim nito sa tagiliran at akmang itatarak na nito kay tan ang patalim ng tumayo si ashley kinuha nya ang boteng may lamang alak sumigaw ito ng napaka lakas at ihinataw ang bote sa likuran ni tan, nagliparan ang mga bubog nito sa lakas ng hataw nito sa likod. Tumingin sya magkasintahan na inaantay lang ang susunod nyang gagawin kaya muli syang kumuha ng bote at sa pagkakataong ito pinatama nya ito sa likuran ng ulo ni tan. Nabasag muli ang bote sa lakas ng hampas at makikita ang pagdaloy ng dugo nito sa ulo at sa kanyang kamay.
Masakit at kumikirot na din ang kanyang mga kamay dahil sa mga tama bubog at hiwa na mula sa bote ngunit kumuha muli sya ng isa at akmang ihahataw muli sa likuran ng kapatid ng sumigaw si angela "tama na , tama na, renz tama pinapatawad ko na sya".
Tumayo na si renz na hawak ang kamay ni angela papaalis na ang mga ito ng muli itong magsalita sa mga tauhan "clean the mess" nakaramdam ng pagkaawa sa sarili at sa kapatid si ashley. Nakita nya ang pagkakaiba ng buhay nila ni renz na bagamat meron syang regular na trabaho bilang doktor ay walang wala pa rin sila sa kalingkingan nito at kayang kaya sila nitong ituring na parang mga hayop.
Paglabas ng mga ito ay marami na palang mga tsimosang gustong malaman ang kumusyon sa loob ng vip room. Tinabig ng mga tauhan ni renz ang mga tao upang makadaan sila. Ang mga mata ng tao ay nakadikit ang tingin kay angela dahil alam ng mga taong ito ang maaring nangyari."Patay na ba" "siguradong patay na" " hindi buhay pa"
"Magsialis kayo dyan sabi ng membro ng P4 na may mahabang buhok." Ang isa naman ay yumuko at may ibinulong kay ashley. "Maswerte ang kapatid mo ngayon pero baka sa susunod alam mo na." " At ikaw bata baling nito kay tan na halos mawalan na ng ulirat wag mo pakialaman ang pagaari na ng iba nakakamatay. Pinilit itayo ni ashley ang kapatid at dinala na ito sa ospital.
YOU ARE READING
BROKEN
General FictionAshley has been married to Laurenz Carr for five years. Pero sa limang taon na yun ay limang beses lamang nya ito nakakasama , ito ay sa tuwing uuwi ang ama nito mula sa ibang bansa. Noong pa man ay minahal na nya ito ngunit alam nya kung sa...
