Chapter 11

49.1K 963 15
                                    

“DEREN, gusto ko ng umuwi. Saan mo pa ba ako balak na dalhin?” tanong ni Christine kay Deren.

Isang buong araw na silang mag-kasama. It's almost twelve midnight and still she's with him. Pagod na siya, halos hindi na niya maramdaman ang mga talampakan sa paa. Para bang manhid na ang mga iyon dahil sa kanina pang paglalakad.

Ang sakit na rin ng likod at ng katawan niya.
Deren was an explorer. Wala itong kapaguran. Kahit ngayon na dis-oras na ng gabi ay walang pag-sidlan ang sigla nito. Huminto ang sasakyan nito sa tapat ng isang bar—Duke’s Bar. Hindi naman na bago sa kanya ang lugar dahil nakapunta naman na siya doon at si Czaira ang kasama niya.

Tumingin siya kay Deren. “Gusto mo dyan pumunta?”

Tumango ito bilang sagot. Napahinga ng malalim si Christine. Ubos na ang enerhiya niya sa lalaking kasama pero ito ay tila hindi nauubusan ng enegy sa tindi ng pagiging gala.

“Deren, pwede bang ikaw nalang? Alam ko naman ang  pauwi. Hanggang dito na lang ako,” aniya. Walang pasabi na lumabas siya ng sasakyan nito.

Agad naman na sumunod sa kanya si Deren na lumabas mula sa Driver’s side. “Hey, Christine. Last na. Let’s go to this bar,” pigil nito sa kanya nang tatangkain na niyang mag-abang ng taxi.

She didn’t want to go with him. She want to go home, it’s getting late. Hinahanap na ng katawan niya ang malambot niyang kama. Isa pa hindi akma ang ayos niya sa bar naka-plain white shirt at maong shorts lang siya.

“Uuwi na ako, Deren,” mabilis siya muling tumalikod pero agad din siya nitong napigilan at nahawakan sa kamay.

“After this, ihahatid na kita. Pumayag ka na.” wika nito.

She frowned. “Ngayon mo na ako ihatid.”

“Mamaya na,” saad nito. Hawak na nito ang kamay niya at hinila siya papasok sa bar. “Come on, let’s dance,” maya-maya ay wika nito.

Hinatak siya nito papunta sa gitna ng dance floor kung saan may mangilan-ngilang nagsasayaw.

“Dance,” tumatawang wika ni Deren.

Nakatayo lang siya habang walang ganang humalukipkip habang ito naman ay sumasayaw sa masayang tugtog ng bar.

“Oh, don’t be a kill joy,” malaks na sabi ni Deren sa kanya para marinig niya dahil maingay sa loob ng bar.

“Umuwi na tayo. Ihatid mo na ako,” hinawakan niya ang magkabilang balikat nito para pigilan ito sa pagsasayaw. But Deren held her waist.

Wrong move, Christine! Nailang siya dahil doon.

Umikot ang mata niya sa paligid dahil baka mamaya’y pinagtitinginan sila at akalain na kasintahan niya ang kasama.

Mas lalo siyang nailang ng mag-iba na rin ang tingin ni Deren at para hindi nito mahalata, bahagya na rin siyang nakisabay sa pagsayaw nito. Enjoy na enjoy nito ang dance floor. Nakakahawa ang binata, ilang minuto lang naman ay naaaliw na rin siya. Sabay na silang sumasayaw sa tugtog.

Sa gitna ng pagsasayaw ay nagulat na lang si Christine nang biglang may humaklit sa braso niya. Napa-igik siya sa sakit niyon. Nilingon niya kung sino iyon pero huli na para makilala dahil nakalapait na iyon kay Deren.

“Fuck you, Ren!” galit na sigaw ng lalaking bagong dating.

Si Christine ay napatili nang makita ang pag-sapak ng lalaki sa mukha ni Deren. Napahinto rin ang mga taong nakapaligid sa kanila at nagsipag-pulasan paalis sa dance floor.

“Damn,” mura ni Deren.

“Bakit kayo magkasama? Christine, bakit magkasama kayo ni Deren?”

Dock’s angry face met her. Kumabog ang dibdib niya sa biglang bundol ng kaba. She was stunned for a moment. Hindi siya makapagsalita, nakatitig lang siya sa lalaking galit na galit ang mukha.

✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon