Realize

667 14 17
                                    

|CHAPTER 2 |

Kahapon pa sana ang Update, Kaso nagloloko ang wattpad, nawala yung mga naisulat ko na hayz.

12-13-14  Birthday ni taylor swift ngayon omaygud XD K.

------------

Simula ng mga bata pa kami ni Zero Palagi na akong sumusunod sakanya Wala na akong mga magulang Kinupkop ako ng mga magulang nya, Na ngayon ay yumao na. Hindi namin tinuring ang isa't isa bilang magkapatid, Dahil sabi ng nanay ni Zero ay ipapakasal kami pag laki namin.

Buong akala ko mahal nya ako, Oh baka naman matagal ko ng alam na hindi nya ko mahal. pero nag bubulagbulagan ako, Tama nga sila pag nagmahal ka, Bigay ka nalang ng bigay, Mas iniintindi mo ang kalagayan nya kesa sayo, Mas Pinapakeelaman mo ang buhay nya kesa sa buhay mo, Kahit wala ng natitira sayo basta ang mahal mo ay maayos at masaya.Bakit ko ba naisip na kame? Kung hindi naman nagmula sa kanyang bibig? Bakit ba ako masyadong asumera? Bakit ganon? Akala ko mahal nya ako Pero kung sabagay, Ang tunay na nagmamahalan ay binubuo ng dalawang tao, Hindi ng isang tao lang, Sa kaso ko, ako lang ang nagmamahal, at nasasaktan. At ako lang ang tanga at luhaan.


Ipinikit ko ang mga mata ko nandito na ako sa condo at nakahiga na ako.

Hindi parin natigil ang mga luha ko, Bakit ang hina ko? Bakit hinayaan kong ganituhin ako ni Zero? Parang lahat ng Karapatan tinanggal sakin? Bakit hindi nya ko kayang mahalin? Sa sobrang dami kong naisip

Nakatulog na ako.


Pag gising ko halos mabulag ako sa sinag ng araw na tumatagos sa bintana, Tumayo na ako at naghilamos, Pagkatingin ko sa Salamin, Nakita ko ang babae na Pugto ang mata, Gulo ang buhok na tikwas tikwas, andami kong acne sa muka. Hay. Napakapangit ko pala talaga, At isa akong ambisyosa na nangarap na maging Gf ni Zero.

Umalis na ako sa condo, At pumasok na sa trabaho sa Mamihan

"Oh Anika , Bakit ganyan ang mga mata mo?" Pagbungad agad sakin ni Autie Beth pagkapasok ko sa shop nila

"Ah hehe, Puyat lang po" palusot ko.

"Nako kang bata ka, Kung may problema ka, wag kang mahiyang sabihin saakin, Ang problema hindi sinasarili ha?" Sabi sakin ni Auntie ng nakangiti. Ngumiti nalang din ako at pumasok na sa kusina ng mamihan.


"Oh, Bat ganyan ang mata mo? Nag shashabu ka na ba ngayon?" Tanong sakin ni Jun


"Wala nga akong pampaayos sa sarili ko, Pang shabu pa kaya?" Sabi ko sakanya, Hindi ko sinakyan ang trip nya dahil wala akong sa mood.

"Oh, Regalo ko sayo Happy Birthday Antanda mo na 19 ka na. Tss. Nakailang text ako sayo, kung hindi ko pa tatawagan yung binigay mo saking number, hindi ko pa malalaman na hindi naman pala sayo ang number na yon" sabi nya sakin at abot sakin ng box na may wrap pa. Binuksan ko agad yon, at nagulat ako nung Cellphone ang laman non, Isang Samsung Na Touch Screen.


"Oh, ayan binilan na kita ng Cellphone, wag ka mag aalala Hindi ko na hihingin ang number mo kung di mo sasabihin, Naka save na ang number ko dyan kung kaylangan mo ko" sabi nya ng nakangiti.

"Kung ang boyfriend mo ang dahilan kung bakit ganyan ang mga mata mo, Huwag syang papakita sakin dahil baka mabasag ko ang bungo nya" sabi nya na halata mong nag aalala. Si Jun ay isang lalaki na hindi kagwapuhan, Pero Masipag at magalang sa kababaihan, Magalang rin sya sa kanyang pamilya, Kaya sya nag tatrabaho para makatulong sa pampaaral sa dalawa nyang kapatid na nasa High School.


"Salamat sa regalo mo, Gumastos ka pa talaga, Niloloko lang kita, wala talaga akong boyfriend." Sabi ko ng nakatungo.

"Tss, Alam ko naman eh HAHAHAHA" Nakakagaan ng loob ang Kanyang tawa, Pero sorry Jun Hanggang kaibigan lang ang tingin ko sayo, Wala akong oras sa pagmamahal, hanggat hindi ko naipapabagsak si Zero.

Pinagpatuloy namin ang pagtatrabaho, Ng mga bandang 7 Pm Nagsara na ang Shop, Nasa labas kami nila auntie beth, at may dumaan na mga Mga kababaihan na sa tingin ko ay kasing edaran ko lang, Masaya sila, Naeenjoy nila ang buhay nila. Nakasoot sila ng mga Damit na makukulay at magaganda, Hindi tulad ko.

"Alam mo Anika Ang mga kabataang tulad mo dapat ineenjoy ang Kabataan days, Dapat nga nag aaral ka eh." Tama sya, Sinasayang ko ang kabataan ko, sinayang ko para sakanya. Hindi ko na naisip ang sarili ko, puro na lang sya at sya.

Nag pa alam na ako kela auntie at umuwi na,

Kinabukasan

Nakausap ko na yung nag benta sakin ng condo, Sinabi ko na, na hindi ko ma itutuloy ang pagbabayad,Binayaran ko na lang sya ng sunod na hulog, dahil aalis na ako.

Simula ngayon wala na akong aaksayahing panahon, Naglakad ako papuntang sakayan ng jeep, Naka T-Shirt parin ako , at tokong na may tsinelas. Pupunta ako ng mall ng nakaganito Dahil pag alis ko ng mall, Ibang Anika Navarro na ang makikita nyo.

Pumasok ako sa isang salon, na sa tingin ko eh mga proffessional ang mga empleyado, mga koreana at amerikano sila.

"Annyeongseyo" bati saakin nung receptionist,na may kulay ang buhok, Pilipina sya pero nag kokorean

"Ano pong service ang gusto nyo? Haircut? Rebond?" Sabi sakin nung receptionist

"Lahat ng package nyo" sabi ko sakanya. Ngumiti sya, at tumawag ng Empleyado nila. Pinasunod ako nung babae papunta sa may washing area siguro. Shinampoo-han nya yung buhok ko at kung ano ano pa ang nilagay, pinatayo naman nya ako matapos nyang ibalot sa towel ang buhok ko, Pumunta kami dun sa Hairstylist.

"Ano pong cut ang gusto mo mam?" Tanong nito sakin

"Kahit ano, basta mag iiba ang itsura ko" sabi ko sakanya

Tumango sya at sinimulan ng Gupitin ang buhok ko.

Halos makatulog ako sa tagal na nakasabit ang mga buhok ko sa clip, Digital perm daw ang tawag dito. Hay

Lumapit na yung stylist at sinabi nya na tapos na daw icurl ang buhok ko. Tinanggal nya ito at may inayos na naman sya sa buhok ko.

"Mam, Tumingin po kayo sa salamin" sabi nya at tumingin naman ako.

Halos hindi ko makilala ang muka ko, Hanggang Siko ko nalang ang buhok ko at kulot ang dulo nito, may kulay din ang buhok ko na Chocolate Brown, May side bangs ako at isa lang ang masasabi ko, naging presentable ang itsura ko.

"Ang ganda nyo po mam" sabi nya saakin.. ngumiti lang ako, medyo nahihiya ako ngayon lang ako napuri eh.

Nag punta ako sa cashier at binayaran na ang bill ko, umabot din sa 6,000 ang pag papa ayos ko ng buhok.

Dumeretso naman ako sa Isang department store, At Tinitingnan ako ng mga tao,

"Hi mam!" Bati saakin ng mga saleslady,ngumiti ako sakanila.

Pumunta agad ako sa mga make-up Stall, Nag pa make up ako don sa babaeng nag aassist, Libre naman daw basta bibili nung product nila.

At muli pinaharap nya ako sa salamin, Nawala ang mga Acne ko, Kuminis ang muka ko, Nilagyan nya ako ng Eyeliner at Kung ano ano pa. Ang masasabi ko Gumanda ako.

At syempre hindi matatapos ang araw na to ng hindi ako bumibili ng bagong damit.

Nagpatulong ako sa mga sales lady kung anong bagay sakin at mga 5  Pantalon at 3 shorts  dress, at mga crop top at Tshirt ang binili ko. At umalis ako ng may ngiti sa labi.

Umuwi ako sa condo ko, oo sakin padin to, binigyan ako ng 1 linggo para mag hanap g bagong lilipatan at makapag empake ng mga gamit ko. Natulog agad ako pag uwi ko dahil, bukas bagong buhay ang nag hihintay saakin

-----***

The Perfect REVENGEWhere stories live. Discover now