Mission 03

7 0 0
                                    

"BACCHUS," Cali borrowed Hiro's earpiece. They need a back up, hindi nila pwedeng ilabas ang mga bata at maglakad na parang normal sa downtown.

"Cali, what the fuck!? Kanina pa namin hinihintay ang response niyong tatlo." Hysterical na saad ni Bacchus.

"We're fine. I'll discuss some matter later. For now we need a back up. Send Trigger here at Benghazi, I'll send the coordinates."

"On the way sir!" Sumaludo si Trigger kahit hindi naman nakikita ang CO niya.

Pinatay na ni Cali ang earpiece. He also send the coordinates to Bacchus para malocate sila nito at masundo na din. Nakikinig lamang sa kabilang linya ang Commander nila na si Ariadne. He's been silent the whole time.

Lahat sila, ramdam nila na may hindi magandang mangyayari. Kung kailan? Hindi nila alam.

"Kuya Cali sundalo po kayo?" Young Jamir asked.

Kalong kalong ni Rael ang natutulog na si Ciela samantalang si Jin at Kai ay parehong nakaangkla sa braso ni Hiro. Leila was also asleep. Pinakain na nila ang mga bata na tatlong araw na pa lang hindi kumakain ng maayos.

"Oo, pasensya na kanina at nabigla ka na may dala kaming baril." Matamang nakikinig ang dalawang junior trainee sa pag-uusap ng dalawa.

"Gusto ko din po maging sundalo." Masiglang saad nito. Napangiti si Cali sa tinuran ni Jamir.

He's just 8 years old. Posible pang magbago ang isip pag dating ng panahon.

"Talaga? Bakit naman?" Bahagyang itinuko ni Cali ang mga siko sa tuhod para matapatan ang tingin ng bata.

"Ayoko na po kasi ng gyera. Nawala po ang mga magulang ko dahil sa gyera ayoko na pong may matulad sakin." Out of nowhere ang sagot ni Jamir pero napakalaki ng kahulugan nito sa kanilang tatlo.

Cali alone didn't experience having any parents. Mga doktor ang tumayong magulang niya at laboratory ang nagsilbi niyang tahanan. Nang makalabas ay gyera naman ang naging play ground niya.

"You should be thankful kiddo, even in a short span of time you experience parental love." Biglang sabat ni Rael dahilan para mapatingin ang bata sa kanya.

"Bakit po kuya? Wala po ba kayong parents?" Inosenteng tanong ni Jin habang nakakalong sa kanya.

Sapul silang tatlo. Ang totoo kung naririnig man ito nang lahat ng nasa Justitia, silang sampu maging ang mga daan daang trainee na naroon, ay tatamaan sa sinabi ni Jamir.

All of them was the fruit of violence. Ang ilan sa mga batang naroon ay ibinenta, ang ilan naman ay inalipin at silang sampu naman ay pinag-eksperimentuhan. Wala ni isa sa facility ng Justitia ang nakaranas na magkaroon ng magulang.

"Wala kaming magulang." Ngumiti si Cali sa tatlong batang nakikinig. Isang ngiting walang kasiguraduhan kung masaya ba talaga. Maging sina Hiro at Rael ay napatahimik sa pag-amin ng kanilang CO.

"Bakit po? Hindi po ba sinisilang ang bawat tao? Nasaan po ang mama niyo?" Binalingan ng tingin ni Rael si Jin at ginulo niya ang buhok nito.

"Hindi ako pinanganak Jamir. Hindi mo pa maiintindihan sa ngayon." Muling saad ni Cali.

"Eh si Kuya Hiro at Kuya Rael po?" Bumaling ng tingin si Cali sa dalawang junior. Humihingi ng permiso ang tingin nito. Alanganin kung dapat niya bang ikwento ang naging buhay ng dalawang bata.

"Ang Kuya Rael at Kuya Hiro mo ay parehong biktima ng child trafficking. Ibinenta sila sa ilegal na paraan kapalit ng malaking halaga at saka sila inalipin. Halos kaedad mo sila nang dinala sila ni Ariadne sa facility. Nailigtas sila nang iraid namin ang pinagdalhan sa kanila." Nakuha ni Cali ang assurance sa dalawa kaya't naging tuloy tuloy ang kwento niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crime & Redemption: Callum AsheWhere stories live. Discover now