Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

One Shot

4 1 0
                                        


"Ma, boyfriend ko po." buong galak kong pinakilala si Anton sa Mama ko na nakaupo sa sofa namin.

"Magandang tanghali po Tita" bati ni Anton at sabay mano sa Mama ko.

"Hoy bata ka! Ano ba 'tong pinagsasasabi mo riyan?!" tanong ni Mama habang kinukurot ang aking tagiliran.

"Aray ko naman Ma! Boyfriend ko nga po talaga si Anton! Aray! Ouch! Mama naman e." panay ang iwas ko sa mumunting kurot ng aking inahin. Narinig ko na lamang ang mahinang tawa ng aking jowa.

"Pst!" saway ko sa kaniya.


"Ano bang ingay 'yan?" bungad ni Papa na kalalabas lamang sa banyo.

"E itong anak mo may dala-dalang lalaki!" sabay turo ni Mama kay Anton.

"Pa, boyfriend ko po" nakangiting sabi ko sa Papa ko.

"Ikaw ba iho sigurado na sa anak ko?" nakakunot noong sabi ni Papa.

"A-ah good afternoon po Tito. Oo naman po, sigurado naman po ako sa anak ninyo" nakangiting sabi ni Anton kaya dumantay ako sa kanya.

"Dinala ko po siya rito Mama at Papa dahil may importante po kaming sasabihin." Medyo kinakabahan ko pang sabi.

Tumango na lamang si Papa pagkatapos niyang iwelcome ang son-in-law niya. Si Mama naman ay pumunta sa ref para ikuha ng juice ang bisita namin.

Nagkwentuhan muna kami nina Anton sa salas at kung ano ano pa ang tinatanong sa kaniya ng aking mga magulang.


"Kakain na!" sigaw ni Manang Belen sa amin, siya ay aming kasambahay.

"Tara iho sa lamesa, dito ka na mananghalian." sabi ni Mama habang nauunang maglakad papuntang lamesa.

Mukhang nahihiya naman itong katabi ko kaya hinila ko na lamang siya para pumunta na kami sa hapag-kainan.


"Oh, ano nga pala yung sasabihin nyo?" sabi ni Papa habang sumusubo ng kanin.

"A-ahm ehem" lumingon muna ako sa katabi ko bago magsimula.

"M-ma, P-pa, Kuya and Manang a-ahm" uutal-utal kong sabi sa kanila.

"Ano?" tanong naman ng kapatid ko habang itinigil muna ang pagkain.


"Wag po kayong magagalit sa'kin... sa'min" nakayuko kong sabi sa kanila.

Tiningnan ko naman silang lahat na nag aabang sa sasabihin ko.



"B-buntis po ako." habang nangingilid ang luha sa'king mga mata.


"ANO?!""Hoy J, hindi magandang biro yan ha!"
"Seryoso ka jan?!""Susmaryosep"sabay-sabay nilang sambit sa'kin.

"Tumigil ka na sa kahibangan mo at kumain ka na. Kung ano-anong sinasabi mo" sabi ni Mama na bumalik na sa pagpapatuloy ng kaniyang kinakain.

"Not a good joke. Bleh!" sabay inom ng tubig ni kuya.Si Papa naman ay pailing-iling na lang.


"Ano ba guys?! Buntis nga po ako!" halos pasigaw ko nang sabi sa kanila na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.



"Arouch! Ano ba?!" sigaw ko kay ate na kadarating lang habang hinihimas ang ulo kong hinampas niya.


"Hoy John Froilan! Tigil-tigilan mo kami sa kabaklaan mo ha! Wala ka ngang matres tapos pagkakalat mo pa rito na buntis ka! Nasa harap ka pa naman ng pagkain, baboy mo." biro ni Ate at sinabayan pa ng pagkalas-lakas na tawa sabay mano sa mga magulang ko.

"Lakas ng amats ng anak nyo" nakangising sabi ni Ate habang tinuturo-turo ako.Napanguso na lamang ako sa inasal nila.


"Bawal bang mangarap?" sabi ko habang iniirapan sila isa isa.

"Pwede naman bunso...." pabitin na sabi ni kuya.

"Kaso magpalagay ka muna ng matres bago mo sabihin sa'min yan." Na itinuloy naman ni Mama.

"Kumain na kayo, tigilan nyo na yang asaran ninyo" saway samin ng aming padre de pamilya.


"Ate, jowa ko nga pala. Mainggit ka." sabay kapit sa matipunong braso ni Anton.

"Maganda naman ako" sagot ni ate.


"Wala ka namang jowa, para saan pa po ganda mo?" nakangising sabi ko sa kaniya at dumila na lang

"Pasmado bibig mo ha!" sabay bato ng tissue sa mukha ko.


Naririnig ko na namang tumatawa ng palihim tong boyfriend ko kaya siniko ko.

"Your family is cool." nakangiting sabi niya sakin sa mababang boses.

"Magiging family mo rin sila" sincere kong sabi sa kaniya.

"Thanks babe, I love you" bulong niya sa tainga ko.

"I love you too." habang nakangiti sa kanya.


"Walang forever!" hirit ng Ate ko.


"Walang jowa! Ew!" at nagtawanan kaming lahat habang inis na inis ang ate ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gone WrongMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon