Final

11 3 0
                                    

Ito na, last quarter na at kabadonhg kabado na ako, naloloka na rin ako sa mga pangyayari. Hinahanap ko si Bella sapagkat kanina pa siya wala at matatapos na ang game.

"Last two minutes!" Mas naloloka na ako! Last two minutes?!

Grabe, nakakabingi ang hiyawan ng mga tao. Lamang ang kabila? Their opponent is up with 2 points! 96-98.

Very crucial kasi ang laro na ito para sa baby ko at sa kuponan nila. It's a do or die game. Best of 5, at tie ngayon ang standing nila with 2-2. Kapag natalo sila, laglag na sila at hindi na makakapasok sa finals, and ofcourse pasok sila kung panalo.

Kailangan ng pampagana ni Kristof, he needs me. Charot na may halong kirot.

"Go Kristof! We love you!" Mula sa likod ang sigaw. Eksenadorang mga makikire ito? Syempre, di ako papatalo.

"Woooh! Go Kristofer! Kris-TOP ka sa puso ko! Go Number 6 Del Rosario!" Sigaw ko

After ng sigaw ko, he aims for three, and pumasok sa ring. Nagtatalon at sigaw ako sa tuwa.

Lamang na! 99-98. 99 ang Firmly, yun ang koponan nila Kristof ko.

May natawagan ng foul. Nasa penalty na nag parehong team.

Pumito na ang referee.

Nasa kabila ang bola, kinakabahan ako.

Mahigpit ang depensa ng ADMU, pero malalaki ang ipinasok ng coach ng FEU. Grabe.

Kinakabahan na talaga ako!

Last 10seconds, huwag na mashushoot.  Please.

I'm praying na talaga.

Oh my?! Sumusubok mag three ang kabila? Nabitiwan na, kasalukuyang nasa ere ang bola.

No, huwag kang pumasok, please. No. Bulong ko sa sarili ko.

"WOAAAAAH!" Nagsigawan ang mga fans ng kabilang team.

Shit. Nasgoot ng FEU, ilang segundo nalang 7.3 seconds, lamang na ang kalaban in just a snap.

Hawak na ni Mallari ang bola, isa sa mga player ng ADMU ngunit naagaw ito ng FEU.

"Woah! Number 6 del Rosario got the ball!" Bigla akong napatili ng masteal naman ng crush ko ang bola! Nabawi ni Kristof! Nagsigawan ang mga tao.

4.2 seconds left!

Pumwesto na 3point line si Krostofer kahit hinaharangan siya ng tatlong players. Grabe! Tumatagaktak na ang pawis ko kasabay ng kaba ko.

Three seconds left, bumwebelo na siya.

There it is, please.

Nalaglag ang panga ko.

Nablock ang bolo, kaya hindi nashoot ni Kristofer. Napaupo na lamang si Kristof sa sahig at makikita mo sa mukha niya ang disappointment.

Panalo na ang FEU Tamaraws.

Nakita kong nakayuko lang si Kristof habang nakaupo pa rin. Pakiramdam ko, dismayado? Pawis na pawis sya, naiiyak na ba sya?

Alam kong matagal ng pinagarap ni Kristof na makasali, ngayong nasa UAAP na siya sigurado akong mahalaga sa kanya ang sana'y una niyang Championship sa UAAP.

Biglang pumito ang referee at sumenyas.

Ang sign na yun?! May free throw?

"This might lead to the Eagle's Victory. Nafoul ang star player ng Eagles sa 3 point line kaya mayroon siyang 3 free throws." Sabi ng commentator na dahilan para mapatayo ako sa upuan.

Last QuarterOnde histórias criam vida. Descubra agora