"Anong misyon?"- tanong ni Cristan.

"Kailangan ninyong pumunta sa Dark Mountain at kunin ninyo ang Crystal na kulay asul. Magagamit natin ito para sa pagpapatibay ng ating barrier."- sabi ni Hm.

"Hindi ba sa bundok ni Dragonia kumuha sina mom noon para sa pagpapatibay ng barrier?"- tanong ni Autumn.

"Yes, princess. Pero pagkatapos ng labanan ay ang ginamit ni Queen Dannaya sa pagpapatibay nitong school barrier natin ay isang Crystal at mukhang kailanganin na nating lagyan ulit ito."- paliwanag ni Hm. Ahh..

"Saan namin matatagpuan ang Dark mountain?"- tanong ko.

"Sa bahaging timog nitong Sapphire world."- aniya na ikinagulat namin.

"Kailangan ba naming tumawid sa Dark sea?"- tanong ni Zenna.

"Yes."- hm

"Hm , alam niyo na delikado ang lugar na yun!"- sigaw ni Icey.

"Alam ko na makakaya niyo ito. Para sa ating paaralan."- sabi ni Hm.

"Kailan kami aalis?"- tanong ni Cristan.

"Mamaya. 2am sharp! Thank you royalties maka alis na kayo upang maghanda."- sabi ni hm.

Nandito kaming lahat sa living room ng dorm. Walang kahit isang umimik dahil sa pag alala kung malampasan ba namin ng ligtas ang dark sea.

"Makakaya kaya natin ito?"- bulong ni Icey agad naman siyang niyakap ni Ice ang kakambal niya.

"Kakayanin natin to. Basta mag tulong tulong tayo."- wika ni Cristan pero alam ko na nag alala siya.

"Paano pag hindi?"- tanong ni Zenna.

"Stay positive, Enna."- sabi ni Cristel bago tumayo at naglakad papunta sa kwarto niya.

"Magtagal kaya tayo doon? Malapit na ang 15th birth day ninyo ni Cristel."- sabi ni Hera.

"Kailangan nating madaliin ito. Sige na mag impake na kayo at magpahinga ng maaga."- sabi ni Cristan at iniwan kami.

Tahimik kaming lahat dito sa sala. Nang basagin ito ni Winter.

"Pasensya kana kanina , Blaze ha."- sabi niya sa akin.

"Tsk. Ayos lang. Mga bata pa naman tayo."- sabi ko.

"Edad lang ang bata sa atin, Blaze. Hindi ang puso at isip."- sabi naman ni Ice.

"I know. Pero tama naman siya. Sige na mauna na kayo."- sabi ko at iniwan sila sa loob ng dorm.

Patuloy lang ako sa paglalakad hangang sa mapadpad ako dito sa garden na may munting falls na pinalibutan ng maliliit na faires.

Tahimik akong umupo sa malaking bato. Ilang sandali pa ay may naramdaman akong presensya sa aking likod. Alam kong isa lang ito sa amin.

"Bakit hindi ka pa natulog maaga pa tayo bukas."- sabi ko kay Cristel. Yes si Cristel ang nasa likuran ko.

"Ikaw bakit hindi ka pa tulog?"- aniya at tumabi sa akin.

"May iniisip lang."- sagot ko.

"Tungkol ba ito sa sinasabi ko sa iyo?"- tanong niya.

"Tama ka naman bata pa tayo. Siguro mawawala pa ito."- sabi ko sa kanya.

"Tama ako. At tama rin si Ice. Narinig ko kayo kanina. Kaya kita sinundan alam ko na hindi basehan ang edad dito sa mundo natin. Pero takot lang ako, Blaze. Ayokong maranasan ang sakit na naranasan ni mommy noon."- sabi niya. Kaya pala. Takot lang siya.

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora