Chapter 13

222K 3.1K 211
                                    

13.

Ang bilis ng bakasyon. 2 weeks na lang enrollment na. Akalain niyo yun college na ako! Yipeee! Hindi ako makapaniwala. At lalong hindi ako makapaniwala na dalawang buwan ng nanliligaw si Luke sa akin.

Hinahayaan ko na lang kasi kahit ayaw ko wala naman akong magagawa.  And besides hindi na niya ako ulit binigyan ng chocnut. Masasarap na chocolates na ang binibigay niya sa akin. Sino ako para tumanggi? Ahehehe. Tsaka isa pa, minsan, hindi naman siya makulit at minsan mapapakinabangan naman siya. Halimbawa na lang ngayon, magsashopping ako ng mga sapatos at damit ko para sa pasukan at kasama ko siya, may tagabitbit ako ng mga gamit, may fashion consultant at may driver pa. May tagalibre pa ng pagkain.

Sino ako para tumanggi? Wahaha. Naisip isip ko rin, wala namang mawawala sa akin kung hahayaan ko siyang manligaw. Siya naman ang mageeffort ek ek eh kaya hayaan mo na siya sa trip niya. Kung manligaw siya eh di manligaw siya. It doesn’t guarantee naman na magiging kami di ba? Di bah?

At mabuti nga yung siya ang kasama ko kesa kina Mommy na hindi ako masyadong makakagala at makakapili ng gusto ko lalo na pag kasama si Kriztian.

“Bibilhin mo ang lahat ng ito?’ Tanong niya habang tinitingnan ang laman ng dalawang basket na bitbit niya.

“Of course. Bakit nagrereklamo ka?” Kabilin bilinan kasi nila Mommy na wag daw niya akong i-spoil, wag daw akong I tolerate.  Tiningnan ko siya ng masama at tinaasan ng kilay.

“Hindi ah! Tama lang yan. Pinapayaman mo kami. Sige magshopping ka pa.” Tapos ngumisi siya. Sumimangot ako. Oo nga pala, pag aari pala ng pamilya ni Tita Joanne  ang mall na to. Hayaan mo na. Paminsan minsan kailangan ko ding ipamahagi ang aming kayamanan. Hahaha

After 2 hours na pag iikot sa mga boutiques nagyaya na naman siyang kumain.  Kakalunch lang namin. Nakakagutom at nakakahilo daw kasi ang ginagawa ko.  Di bali siya naman ang gagastos kasi siya ang nagyaya.

Nung nakaupo na kami sa isang coffee shop at naghihintay ng inorder namin nagulat na lang ako nung may lumapit na babae sa amin.

“Luke! Ikaw nga! ” Ang lakas ng boses niya. Tapos hinampas pa niya ang braso ni Lucas. Close sila at may pahampas hampas pa? Automatic na tumaas ang kilay ko. Tiningnan ko lang ang babae.

Infairness ang seksi niya at ang kinis.  Nakaspaghetti strap siya na shirt at naka micro mini short at naka-wedge.

“Oh, hi Trish!” Trish? Trish for Trishia? Close nga sila nickname basis na eh.

“Wow! I’ve never expected to see you here. Namiss na kita. Ang tagal ng vacation. Can’t wait na magpasukan para magkasama ulit tayo araw araw.” Araw araw? Araw araw silang nagsasama ng Trish na to? Lalong tumaas ang kilay ko.

“Don’t worry, two weeks na lang. It’s not that long.” Napatingin ako kay Luke. Ngiting ngiti siya kay Trish at nakikita ko na naglalakbay ang tingin niya sa kahaban ng legs ng babae na ngayon ay nakaupo sa vacant chair sa table namin.

Take note, umupo siya ng kusa. Ni hindi namin siya pinaupo. Masyadong feeling.

Halikan Kita Dyan Eh! (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon