İçerik Kurallarımızı güncelledik.
Hikâyeleri güvenli bir şekilde paylaşmaya devam etmek için en güncel kuralları inceleyin.

Love Letter✉️

169 6 1
                                        

LOVE LETTER




"Gandahan mo ah yung hindi ako magmumukhang corny at clingy.."

"K."

Bagod na sagot ko habang  nagtinatake down notes ang mga sinasabi niya.

"Ibigay mo na lang yan sa akin mamaya ah! Thank you talaga! Labs u!" sabi niya na may paflying kiss pa sa akin habang patakbong umalis.


Huminga na lang ako ng malalim bago ko tinuon ang atensyon ko sa papel na kaharap ko. Tinitigan ko yun ng mabuti at nag-iisip ng magandang isulat sa Love Letter na pinapagawa sa akin ng BESTFRIEND kong si Liam.

Nakakailang papel na ako at lahat ng yun nilulukot ko lang sabay tapon sa basurahan. Napahalumbaba na lang ako habang nilalaro ang ballpen sa daliri ko.

Ang hirap naman kasi mag-isip ng Love Letter na pinapagawa ng taong mahal ko para sa Crush niya. Malungkot akong napangiti dahil sa katotohanan na Best Friend lang ang turing ng taong mahal ko at ang masakit pa doon may gusto siyang iba.

Pero ang mas nakakainis, dahil sa akin pa nagpagawa ng Love Letter para sa taong gusto niya.


Pinulot ko sa sahig ang isang papel na ginusot ko. Binuklat ko yun at binasa.


Dear, Laurien.

Wala nang paligoy ligoy pa.. mHaL kTah' xAgad haNganG bUtoh!

By: bHoxZ LiaM<3




Natawa na lang ako sa pinagsusulat ko. At panigurado kapag ito ang binigay ko, matuturn off agad sa kanya si Laurien. Jejemon ba naman ang pagkasulat. At panigurado din makakatikim ako ng batok sa BestFriend ko. Napailing na lang ako habang tinatapon yun sa basurahan.


Nang marinig ko na ang tunog ng Bell agad na ako nagligpit ng gamit para pumasok sa klase ko. Kasunod ko lang din pumasok ang Prof namin kaya nagdiscuss na ito agad.


Makalipas din ng ilang oras natapos din ang unang klase namin. Pinagmasdan ko muna ang mga classmate ko na abala sa pagligpit ng gamit nila habang ako namumorblema pa din sa Love Letter na pinapagawa ni Liam.

Wala sa sarili kong kinuha ang Love Letter na ginawa ko para sa kanya. Matagal ko na to nagawa hindi ko lang binibigay sa kanya. Ayaw ko kasi magconfess sa kanya tapos irereject lang din naman pala niya ako.


"JEM!"

Agad kong siniksik sa libro ko ang Love Letter nang marinig ko ang boses ni Liam. Nakita ko siyang pumasok sa room namin at dumiretsyo agad siya sa harap ko.

"Tara nasa cafeteria! Bakit nandidito ka pa?" kunot noo niyang tanong kaya ngumiti agad ako sa kanya.

"Wala trip ko lang magpasundo sayo hahaha."

"Tsk, oh siya mahal kong prinsesa tara na at kumain." sabi niya na may pagluhod at nilahad pa sa akin ang kamay niya na akala mo ay isang prinsepe.


"Hahaha, hindi mo bagay!" pang-aasar ko sa kanya kaya  napanguso siya habang umayos ng tayo.


"Psh.. Pasalamat ka.."


"Ano!"


"Wala! Tara na nga gutom na prinsepe mo!" sabi niya at nauna nang lumabas ng room namin.


Awtomatik na nawala ang ngiti ko at napalitan iyon ng lungkot nang mawala siya sa paningin ko.

"Kung alam mo lang.. Sobra nang nasasaktan ang, prinsesa mo." sabi ko at iniisip na nasa harapan ko pa siya.


Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Apr 30, 2020 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Love Letter (One Shot Story) Bağımlısı olacağınız hikayeler. Şimdi keşfedin