KABANATA LVIII:PAGLABAS NG SIKRETO

Start from the beginning
                                    

TUKA:Alam ko na may nilalang dito kaya magpakita ka!

Saka lumitaw na kami ni Cassandra.

ALANA:Avisala Tuka,batid na namin na nagpapanggap ka lang na si Therese "kuno",ngunit ang katotohanan ay ikaw si Tuka na kalaban namin at isa sa mga bosses sa Raven syndicate,tama?!

Nalaman nga niya na nagmamasid kami sa kanya ngunit ang hindi niya alam na in-on ko iyong recording ng phone ko at nirecord ang aming pag-uusap.

TUKA:Oo,ako nga si Tuka na nagbabalik na nais nagmaghiganti sa inyo tama nga kayo isa ako sa mga pinuno ng Raven syndicate nakalimutan ko ako mismo ang pinuno ng sindikatong iyon!

CASSANDRA:Tama nga si Ate Mira na may kinalaman ka sa tangkang pagdukot nila ni kuya Angelo at pinilit mo si Mr.Cox na ibenta ang kanyang shares sa iyo dahil binantaan mo siya paslangin siya at ang kanyang pamilya kung hindi niya ibebenta ang kanyang shares sa kompanya namin!

TUKA:Oo ako nga ang may gawa ng lahat ng iyon sapagkat nais namin na mawala kayo sa aming landas,tamang tama na andito kayong dalawa nang saganon ay sabay sabay kayong mapapaslang!

Saka nagpalit anyo si Tuka bilang Ravena at dali dali namin kaming nagpalit ng gayak padigma ni Cassandra sa mga oras na iyon ay biglang bumukas ang pintuan sa sa silid na iyon at naglabasan ang kanyang mga alagad na Ravena na higit sa sampu.

ALANA:Tanakreshna!

CASSANDRA:Huwag kang mag-alala kaya natin sila.

Iyan na nga pinabulatan kami ng mga kalaban at halos sabay sabay kaming sinugod nilabanan namin ang mga ito gamit ang aming mga sandata  muntik ng matamaan ni Cassandra ng isang Ravena sapagkat nakatingin siya sa ibang direksyon mabuti nalang na nasalo ko sa pamamagitan aking espada ang pagsugod ng Ravena.

CASSANDRA:Avisala eshma.

ALANA:Mag-ingat ka kasi sa susunod.

CASSANDRA:Sorry naman po,hala padami ng padami na sila!

ALANA:Ako na ang bahala!

Kaya ginamit ko na ang aking brilyante kaya napatumba ang mga kalaban at agad kaming nag-ivictus pabalik sa office.

CASSANDRA'S PROVERBS

Pagbalik namin sa office ay agad kaming dumeretso sa opisina ni Yna saka ipintawag din namin ang iba para mapakinggan ang recording ni lock muna namin ang pinto nang saganon ay walang kahit sinong makakapasok nang walang pag-aalinlangan ay pinakinggan na namin ang recording pagkalipas ng ilang minuto ay tinawagan namin si Kuya Kyle tamang-tama andito din siya ngayon sa Pilipinas madali nalang para sa kanya na makipag-coordinate sa mga pulis para mahuli na ang mga miyembro ng Raven syndicate.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay may kumakatok sa pintuan ni Yna at tumayo ako upang buksan ito pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Kuya Kyle na may kasamang dalawang pulis.

KYLE:Hi Cassandra!(Masiglang bati niya)

CASSANDRA:Hello po pasok po kayo!

LIRA:Maupo muna kayo.

KYLE:Sige...

LIRA:Alam niyo na meron kaming recording tungkol sa pag-amin ni Tuka sa mga kasalanang nagawa niya.

KYLE:Oo,Lira so pakipasa nalang sa amin ang file dahil pupuntahan namin ang iba pang mga kapulisan nang saganon ay mahuli na ang mga sindikatong iyon.

MIRA:Tutulong kami sapagkat hindi basta-basta ang makakalaban ninyo.

POLICE OFFICER1:Sige po,kagaya nga ng sinabi ni Sir Kyle na tatawagan namin ang iba naming kasamahan.

PAOPAO:Mainam please e update niyo kami kung kailan isasagawa ang plano at kailangan din nating mag-ingat sapagkat maaring sumugod dito si Tuka.

ANGELO:Tama si Paopao,kaya kailangan natin maging alerto sa nakikita ko ay ilang araw mula ngayon ay susugod si Tuka dito.

POLICE OFFICER2:Paano po ninyo nalalaman?

ALANA:May kakayahang makakita si kuya Angelo katulad ni Bathalumang Cassiopea.

POLICE OFFICER2:Ayy...oo nga ano nakalimutan ko.. kumusta na ba siya?

ADAMUS:Maayos naman ang kanyang kalagayan.

POLICE OFFICER2:Mabuti naman po kung ganon, paano mauna na kami sa iyo dahil may mga gawain pa kami.

LIRA:Sige po ingat po kayo.

Tumango naman ang mga ito saka naglakad palayo,alam na ng mga tao ang tunay naming pagkatao dahil sa naganap mahaba-habang panahon na ang nakalipas avisala eshma kay Emre sapagkat natanggap nila kami tapos hindi sila natatakot sa amin at nagiging kakampi din namin ang mga awtoridad ngunit may ilan na nagagalit sa amin hay mga tao talaga.

Pagkatapos naming pakinggan ang recording at makalabas na ng office sila Kuya Kyle ay naisipan namin na bumalik sa aming kanya-kanyang opisina para tapusin ang ilang mga gawain.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now