Chapter 14

3K 58 3
                                    

Chapter 14

"Hey, we're here." Gising sa akin ni Ethan na hangang ngayon di parin nawawala sa mukha ang kaba.

Ano ba kasi yang bumabagabag sayo? Nakatulohg na ko, ikaw ba? Wag mong sabihin buong oras ng byahe natin gising ka.

Agad naman kami bumaba at hinanap ang susundo raw sa amin.

"Oy, the run away prince!" Sigaw ng isang lalaki na naka-agaw ng atensyon ko.

Nanlaki ang mata ko ng sa amin ito nakatingin, hoy. Mukha ba akong prince? Princess siguro!

Lumapit naman si Kelvin sa lalaking sumigaw, doon ko lang napagtantong si Kelvin pala ang tinawag ng lalaki.

"Run away prince?" Bulong ko, marahil yan na yung tawag sa kanya mula ng lumayas siya dahil sa ayaw niya magpakasal. Teka lang, sino ba tong lalaking to?

"What are you doing here Manuel?" Cold na tanong ni Kelvin.

Ah, Manuel ang pangalan niya. Pero sino siya sa kwentong ito?

"Whoah step bro. Di mo man lang ako na miss?" Ika ng lalaki, Manuel.

Step bro? So step brother ni Kelvin si Manuel, tapos may step sister din siya si Evangeline. Magkapatid ba si Manuel at Evangeline? Siguro, pero nalilito parin ako.

"And who's this beautiful girl?" Tanong ni Manuel at inusisa ako. "Don't tell me? Ito yung sinabi ni Princess Evangeline na girlfriend mo. Wow step bro, nice one. Ang ganda!" Tila mangha-mangha dagdag ni Manuel.

Ngayon lang ba siya nakakita ng maganda? Well, kung kapatid man niya si Evangeline ay di ako magtataka.

"Manuel, you?" Pagpapakilala sa akin ni Manuel.

Aabotin ko na sana ang nakalahad niyang kamay ng harangan yun ni Kelvin.

"Oo, siya ang girlfriend ko." Ika ni Kelvin at hinawakan ang iaabot ko sanang kamay kay Manuel.

Wait, bat ako naiihi! Wag mong sabihin Cassandra kinilig ka sa pag-angkin niya sayo? Pero bakit ayaw ata ni Kelvin na mahawakan ako ni Manuel.

"She's Cassandra." Pagpapakilala sa akin ni Kelvin.

Ipinahid nalang ni Manuel ang kamay niya sa pantalon dahil sa ginawa ni Kelvin na pag-agaw sa kamay ko.

"Easy bro. Nakikipagkilala lang." Ika ni Manuel na nakataas ang dalawang kamay.

Napatitig naman ako kay Kelvin na halos sasabog na sa galit. Ang weird talaga ng lalaking to? Bat ba parang galit ito kay Manuel, siguro may dahilan? Ano kaya?

"Anong ginagawa mo dito?" Cold na tanong uli ni Kelvin.

Ngumiti si Manuel bago nagsalita, "Ako ang magsusundo sa inyo!"

Gwapo naman si Manuel pero nah 'di ko type. Kahawig niya kasi si Evangeline, naaalala ko ang mukha ng babaeng tila may tinatagong galit sa akin. I wonder if, nasa pupuntahan kaya namin siya?

"Saan ang kotse?" Tanong ulit ni Kelvin.

Tinuro naman ni Manuel ang kulay puting Mercedes Benz, mamahalin.

"Sumakay ka ng taxi pa balik." Dagdag ni Kelvin na tinutukoy si Manuel.

Bakit ba ganito pakitunguhan ni Kelvin si Manuel. Mukhang mabait naman ito di gaya ng kapatid niya.

"Okay-okay." Sagot ni Manuel at ibinigay ang susi kay Kelvin agad naman itong umalis palayo.

Sinundan ko lang kung anong gagawin ni Kelvin, ipinasok namin sa sasakyan ang mga gamit namin. Bago kami pumasok sa sasakyan. Hinintay ko munang umandar ang sasakyan bago tanungin kung bakit ganon siya kay Manuel.

"Bat ganon ka kay Manuel? Di hamak na mas mabait tignan yun kesa kay Evangeline na kung makalapit sayo'y parang linta." Napasobra ata ang tanong ko.

Di ko rin alam bakit napasok si Evangeline sa tanong ko.

"Parehas lang sila."

Di ko inasahan na yun ang isasagot ni Kelvin. Akala ko rin na magagalit siya sa akin kasi sinabihan ko ng masama si Evangeline.

"Parehas lang sila,." Umpisa nito. "Parehas lang sila na gustong makuha lahat ng mana ko." Dagdag nito.

"Di ba, step siblings mo lang sila? At sa pagkaka-alam ko ay ama mo ang may maraming ari-arian." Tanong ko dahil nalilito pa rin ako.

"Yeah, pero simula nong namatay si mama." Pumiyok ang tinig nito. "Doon na sila pumasok. Pinakasalan ni papa ang nanay nila kaya may kahati na ako sa mana ni papa. Okay lang naman sa akin na may kahati, katunayan nga nabuhay ako ng walang tulong galing sa kanila nong lumayas ako. Mabubuhay pa rin naman ako kahit walang mana na matangap."

"Alam ko namang mas mahal ka ng papa mo kasi tunay kang anak." Sagot ko.

"Yeah, pero kahit ang ni isang kagustuhan ni papa ay di ko mabigay."

Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Sayang naman kasi ang angkin mong ka gwapohan, pati pangliligaw di ka marunong.

"Okay lang yan, sure ako darating ka rin sa araw na yan." Ika ko.

Tumahimik muli ang loob ng sasakyan.

"Isa rin ito sa dahilan ko bat ako lumayas sa kanila." Pag-uumpisa nito, lumingon naman ako at handang makinig. "Ang bilis kasi ni papa'ng maka-move on may bago agad. Tila nalimutan nga si mama pati ako dahil sa bago niya." Bakas sa mukha nito ang lungkot.

Nalungkot din ako sa mga tinuran niya. Buti nalang maayos ang pamilya ko, di ko mararanasan ang nararanasan ni Kelvin na kay sakit.

Kinalaunay nakarating kami sa isang sabihin nalang nating mansion. Sa laki ba naman ng bahay at sa lawak ng hardin. Di nga maitatanging napaka-yaman ng pamilya ni Kelvin.

Ipinarada ni Kelvin ang sasakyan sa harap ng napakalaking pinto. May babaeng nakatayo rito na tila naghihintay sa amin, kasambahay siguro nila.

Ng bumaba si Kelvin ay sumunod ako.

"Anak, na miss kita." Saad ng babaeng nakatayo sa pinto.

Ay, mali ako di pala siya kasambahay sa pormahan niya kasi. Although may mga malalaking burloloy ay di talaga yun mapapansin dahil sa style ng damit niya. Parang apron, ang daming pasobrang tela sa harap.

Sa pagkaka-alam ko'y patay na ang nanay ni Kelvin, so step mother niya to?

Walang imik si Kelvin na tila walang paki-alam sa bagong asawa ng ama niya. Alam kong may hinanakit siya pero nakikita kong kabastusan ang ginagawa niya lalo nung naglakad ito papasok at hindi pinansin ang babae. Wala na akong nagawa sumunod nalang ako.

"Kelvin, anak." Tawag ng isang baritonong boses.

Kung di ako nagkakamali, ama ni Kelvin.

Velazquez Blood: Untouched ManWhere stories live. Discover now