CHAPTER 19

731 38 9
                                    

CHAPTER 19

PHILLIP'S POV

"Anong tinitingin tingin mo dyan? Mag-trabaho ka nga." Sigaw ko kay Lincoln. Tirik na tirik ang araw ngayong tanghali. Kasama ni Lincoln si Tatay sa palayan. Ako naman ay nanunuod lamang sakanila habang sila ay nagtatrabaho.

Ilang minuto ang lumipas ay natapos din nila ang pagpapatuloy sa pagtatanim. Kahapon pa naman nila ito sinimulan kaya madali ding natapos ngayon. Nakatingin lamang ako sakanila habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ko.

"Kumain ka naba anak? Nasan ang mga kapatid mo?" Ani Tatay. Kinuha ko naman ang kanyang pamunas bago nagsalita. Pinunasan nya ang pawis sa kanyang mukha habang naghihintay ng sagot ko sa kanyang tanong.

"Nasa taas sila Tatay. Si Nanay naman ay pupunta daw saglit sa palengke para sa lulutuin nya mamaya." Ani ko, dumapo naman ang tingin ko kay Lincoln na kanina pa nakatingin sakin. Ano nanamang kailangan ng lalakeng 'to?

"Oh, sige anak. Magpapahinga muna ako ha. Medyo iba ang init ngayon, kaya nakakapagod." Ani Tatay. Tumango naman ako at binilinan sya. "Uminom kapo ng tubig Tay, ha. Inumin nyo din ho yung gamot nyo. Baka naman magkasakit kayo nyan." Ani ko.

Tumango naman si Tatay at pumasok na sa loob. Naiwan kaming dalawa ni Lincoln. Tinaasan ko naman sya ng kilay hudyat na naghihintay ako ng sasabihin nya. Magsasalita na sana ako ng kunin nya ang kamay ko at naglakad.

"Hoy, anong ginagawa mo? San moko dadalhin?" Gulat at may halong pagtataka na tanong sakanya. Hindi naman ito nagsalita kahit na paulit ulit ang tanong ko.

Nakarating kami sa malilim na parte ng bukid. Tumingala sya dahilan ng pagtingala ko din at bumungad sakin ang maraming bunga ng mangga. Napanganga naman ako dahil doon. Matagal nadin noong huling kain ko ng manggang hilaw na may asin, paminta at sili.

"Diba paborito mo ang mangga? Sabi sakin ng Tatay mo bata ka palang ay panay na ang akyat mo sa mga puno na ito." Ani Lincoln, humalaklak ito na para bang nang-iinis.

"Ano namang nakakatawa? Hindi moba alam na ang sarap sarap kaya ng mangga lalo na't ikaw mismo ang pumitas." Saad ko sabay sama ng tingin sakanya.

Humalaklak ito na may kasama pang paghawak sa tyan. "Sa payat mong yan? Ang lambot lambot nga ng katawan mo tapos nagawa mo pang umakyat dito? Grabe ang lakas mo naman Phillip." Humalaklak ulit ito. Hinampas ko naman ang braso nya dahilan ng pagtigil nya sa pagtawa.

"Dito ka lang at hintayin moko, kukuha lang ako ng mangga para may makain tayo." Saad ni Lincoln, ako naman ay parang tutang tango ng tango. Bigla namang may pumasok sa isip ko bago sya umakyat.

Hinablot ko ang kamay nya dahilan ng pagtingin nya sakin. "T-teka... marunong kabang umakyat sa puno? Laking Maynila ka diba? Baka naman malaglag kapa ha. Ako nalang kaya ang umakyat?" Ani ko, napansin ko kasi na may pagaalanganin sa kanyang ekspresyon. Baka mamaya ay mahulog lang sya, edi ako pa ang may kasalanan.

"Sa laki ng katawan ko, basic lang 'to. Tsaka ako ang nagdala sayo dito kaya ako na ang aakyat." Ani nito. Walang pasintabi na umakyat ito sa puno. Mukhang madali nga lang para sakanya dahil nakaakyat agad sya sa puno at sinimulan na ang pagpitas.

Naupo kami sa puno matapos syang pumitas. Madami din ang kinuha nya para maiuwi daw namin mamaya. Umihip ang malakas na hangin at dumampi ito sa aming mukha.

"Alam mo kapag ako nagkapamilya gantong buhay lang din ang gusto ko. Simple pero masaya. Gusto ko kasi yung tahimik lang, malayo sa maraming tao." Ani ko, lumaki ako sa gantong pamumuhay kaya napamahal nako ng sobra. Ang sarap lang manirahan sa gantong lugar, yung gigising ka sa tilaok ng manok. Magtatanim at magaararo. Magpapakain ng mga hayop at iba pa. Simpleng pamumuhay lang.

The BossWhere stories live. Discover now