Chapter 10.2

25.6K 203 2
                                    

“OH, hi there, Deren. Looking for me?” nakangiting tanong ni Katherine.

Sumulya ang binata kay Katherine. “Please, not now. Nag-usap na tayo,” makahulugang saad ni Deren.

Katherine, rolled her eyes. Hindi na ito nagsalita ibinalik na lang ang atensiyon sa kinakain na donut.

Muling tumingin sa kanya si Deren, nakangiti na muli ito. “Puwede mo ba akong samahan, Christine?” tanong nito.

“Saan?” tanong niya.

Huling sumama siya sa kapatid ni Dock na si Devlin ay nagalit ang binata sa kanya. Kaya ano naman kaya ang pakay nitong si Deren sa kanya? Nilalayo na niya ang sarili kay Dock ito naman at nilalapitan siya ng mga taong malapit dito.

Tahimik lang ang mga kaibigan niya. Alam niyang nakikiramdam lang ang mga ito.

“May aay—“

“Para ba ‘yan sa itinawag ni Misha kanina. Bibili kayo ng decoration sa party na gaganapin bukas?" putol ni Czaira sa dapat na sasabihin ni Deren.

Bukas na pala ang party na nabanggit ni Czaira kanina sa kanilang dalawa ni Kimberlyn.

Napakamot sa ulo si Deren, bahagyang natawa. "Y-yeah, for the party. Can you accompany me, Christine?" muling tanong nito. Nang hindi siya sumagot ay bumaling ang binata sa mga kaibigan niya. “Girls, puwede ko bang mahiram si Christine sa inyo?” tanong ni Deren sa mga ito.

Tumango naman ang mga ito, maliban kay Katherine na nakatingin ng masama kay Deren. Huli na para tumanggi pa si Chrsitine. Hinila na ni Deren nang marahan ang kamay niya, napatayo siya sa kinauupuan. Hindi na din niya nagawang makapag-paalam ng maayos sa mga kaibigan dahil nahila na siya ni Deren palabas ng coffee shop.

Huminto sila sa sasakyan ng binata na naka-park sa labas ng coffee shop. Deren opened the passenger’s side door. Hinila naman ni Christine braso niya na hawak ng binata.

Bahagya siyang lumayo dito. “Hindi ako sasama,” sabi niya.

“Bakit?” kunot ang noong tumingin ito sa kanya.

“Basta hindi ako sasama,” ulit niya.

Deren crossed his arms over his chest. Doon lang din niya napasadahan ang suot nitong grey shorts at white v-neck shirt na bumagay dito.

“Bakit?” ulit na tanong nito.

“Magagalit si Katherine sa’kin. Ayokong mag-isip siya ng hindi maganda tungkol sa’tin,” napansin niya na noong masquerade party ang panay sulyap ni Katherine kay Deren at ganoon din ang binata. Magkakilala ang dalawa dahil magka-trabaho ang mga ito sa BMAGZ bilang mga modelo.

“Hindi iyon magagalit. Isasama lang kita dahil ibibili ko siya ng damit. Sumama ka na sa’kin,” sabi nito, ngumiti. “You owe me and you need to pay it by accompany me.”

She noticed that Deren was always smiling. Nakakawala ng stress.

“I owe you?” tanong niya.

“Sa Tagaytay. Hindi kita naipasyal kasi hindi na kita nakita,” pagpapaalala nito.

Natatandaan niya na sinabi iyon nito sa kanya. Pero si Dock ang nagpasyal sa kanya sa tagaytay. Hindi na niya naalala iyon kundi pa nito nabanggit.

✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.Where stories live. Discover now