“Gusto mong mag-take siya ng business mom?”
“Yes. But I don't have choice. I let her pursue her dreams kapalit ng pagtanggal niya sa varsity.”
“Mom ayoko!” Pagsali ko sa usapan nila. I'm happy playing volleyball.
“Quit volleyball. I'll let you pursue nursing but if you failed the exam. Shift your course to business.” Huling aniya nito bago kami iwan ni kuya.
Muling bumalik sa alaala ko ang usapan namin ni mom noong highschool.
N-ngayon ko lang siya naintindihan. She did everything para sa akin. Mom looks tough, but I didn't see her this broke.
Unalis na ako roon.
2019.
Hindi ako nagmadaling pumunta sa hospital. ‘Cause if it's really time for me to go back, kahit anong tagal ko makakaabot pa rin ako.
“Miss!” I was caught off guard nung may humawak sa akin sa braso.
“MISS MAGPAPAKAMATAY KA BA?!” Nalaglag ang panga ko sa sinabi nung driver. I-I'm not invisible?! Kinapa-kapa ko ang sarili. I'm no invisible!!
“S-sorry.” Mahinang bulong ko but that wasn't enough.
“Are you okay?” Binalingan ko ‘yung lalaki para magpasalamat pero agad akong napaatras nung makita kung sino ito. Daniel?
Nagkatitigan kami. Nanlaki ang mga mata. Nag-panic naman ako. Baka akala niya ako si Henzel Luque na ex niya!
Shet!
“H-henzel.” Kinilabutan ako sa sinabi niya. I need to get out of here!
Umatras ako hanggang sa tuluyan na akong napatakbo. Natutuliro na ako kaya makailang beses pa akong humingi ng tawad sa mga nakakabangga ko.
“S-sorry!”
“Henzel!” Bumilis ang tibok ng puso ko. Damn it hinahabol niya ako!
Lahat na yata ng eskinita napasukan ko.
“Ouch!” Bumalot ang kirot sa kamay ko at nakita kong nagdudugo na ‘yon ngayon at nanginginig.
Masyadong matulis ang pader na hinawakan ko. How idiot I am.
“Zel!” Ano ba?! Tantanan mo ako Mr. Daniel!
Nakita ko ang shortcut papunta sa San Joaquin hospital.
Nagulat pa ‘yung gwardiya nung tumakbo ako papasok.
My heart was pounding so mad. Naririnig ko pa rin ang mga yapak ni Daniel.
Mabilis akong bumaba sa hagdan para makapunta sa secret room.
I nervously shut the door nung makapasok ako. Kumalampag naman iyon.
“Zel! Zel! Why are you running?” Mahihimigan ko ang frustration sa boses niya kaya napakagat ako ng labi.
“I'm not your ex!” Napatingin ako sa time machine. Gumagawa pa!
“What are you saying?! I'll never treat you as my ex only, baby!” Pakiramdam ko ay aatakihin na ako sa sinabi niya.
“Hindi ako doctor! I'm far from Henzel Luque! Magka-iba kami!! I'm not your first love so stop following me!” Anong sinasabi ko? Nahiya naman ako na lagi siyang sinusundan tss. Stop following? Talaga lang Zel?
“P-please open this door.” Napaawang ang labi ko. He stop punching the door. He sounds pleading!
Nanginginig akong lumapit sa pinto. Ano ba Zel?! What are you doing??!
I slowly turned the doorknob at nagkatitigan kami. Lumagpas ang tingin niya sa likuran ko at bahagya pang natulala.
“I-I'm not Henzel Luque. Umalis ka na.” Kinagat niya ang labi niya at tinignan ako sa mata.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Nagulat ako nung halikan niya ako. Napaatras ako ng bahagya kasabay ang walang tigil na pagkabog ng puso ko hanggang sa..
“Zel!! No!!” The last voice I heard was from him.
YOU ARE READING
World Without Me (C.m.p.l.t.d.)
Science FictionHenzel Luque; she used to be a time traveller
I'm not invisible.
Start from the beginning
