LUMIERE

67 4 2
                                    

Chapter 2: Lumiere

Nandito ako ngayon sa loob ng Bliss at kasalukuyang nagchecheck ng attendance ang bawat klase, mapa senior man ay walang ligtas sa checklist.


Per class kasi may isang representative na naka-assign especially and exclusively for events like this. They are responsible for checking the attendance before, during and after the program. Karamihan kasi sa mga pasaway na estudyante dito ay umaalis na kahit hindi pa tapos ang program kaya naging mas mahigpit ang pagbabantay ngayon.


Hay! Nakakabagot naman. Akala ko pa naman pagdating ko nagsisimula na, ayon pala checking palang ng attendance. Hay. Wala manlang akong makausap, buti nalang dala ko ipad ko, manonood nalang ako ng MIR. Saang episode na nga ulit ako nag-stop kagabi?


I'm about to take my ipad out of my bag ng di sinasadyang masagi ko yung payong na nasa tabi ko.


Napahinto ako at napatitig doon sa payong.


*Dug dug* *Dug dug*


Biglang nag-flashback sa isip ko yung nangyari kanina.


"Etong payong Ana Gamitin mo"

"Etong payong Ana Gamitin mo"

"Etong payong Ana. Gamitin mo"


OMG Lumi ano ba? Ba't ba iniisip mo pa rin yun? Para binanggit lang naman yung pangalan mo kung maka-arte, big deal? big deal? Tsk.


I sighed atsaka pumikit ng mariin.


Siyempre big deal yun, it was my first time hearing my first name from someone else other than my dad and it just felt so overwhelming. To think na nanggaling pa yun sa isang taong tulad ni King na isa sa mga pinaka-snob, maiinitin ang ulo, self-absorbed, unfriendly, feeling, teka Lumi, nilalait mo na naman yung tao, nagmagandang loob na nga eh, aish. Ang hirap naman kasi talagang hanapan ng good aspects ang lalaking yun eh. Tsk.


Pero wait lang, yun nga ba talaga yung sinabi niya? Namali lang ba ako ng dinig sa isang katagang binigkas niya at pinagkamalan kong pangalan ko iyon?


I cocked my head to the right at muling itinuon ang titig sa payong saka ngumuso.


Hindi eh, talagang pangalan ko talaga yung binanggit niya kasi kanina pako isip ng isip ng word na hawig ang pronounciation sa name ko na somewhat relatable naman dun sa sentence niya, kaso wala eh. Wala talaga.


Naiimagine ko na naman tuloy yung mukha ko after that incident, naestatwa ako eh. Crap. I was left holding my breath pagkarinig na pagkarinig ko sa binanggit niyang pangalan ko. Ni hindi ko manlang siya nalingon noong paalis na siya. I was so dumbfounded that I believe I forgot to blink for a minute. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, daig ko pang sumali ng marathon. Diyos ko! Sana lang walang nakakita sakin kanina sa ganung kalagayan. Iniimagine ko palang yung itsura kong mukhang natatae na ewan, naku.


Hindi na naman naiwasang mag-init ng mukha ko ng napagtanto ko ang ginawa kong iyon. Oh my gosh, so embarrassing!


I shook my head at madaling inalis ang tingin ko sa payong saka mabilis na kinuha ang ipad mula sa bag ko.


"Excuse me, may naka-upo ba dito?"


"Naku patay, di ko nabookmark yung link kung saan ako nanood kagabi. Ay wait! Tama! Sa history! Yas!!! Ohm Pawat wait lang!"


"I guess none"


Oh my Gosh Girls, diba siya yung sikat na pianist? Yung tiga WEU?


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Not Your Ordinary Mean GuyWhere stories live. Discover now