Bata pa lang ako mahilig na ako mag basa basa ng libro, gustong gusto ko yung amoy, yung sound niya pag nag fli-flip sa next page, at lalong lalo na yung content niya, para akong napapadpad sa ibang mundo.
2012 ng nauso ang ebook, grade 7 palang ako noon, naalala ko pa patago ako kung mag basa noon pag gabi, pinag pupuyatan, iniiyakan, tinatawanan.
Grade 8 naman ako ng nauso yung wattpad. dahil dyan nagka bestfriend ako, gaya ko mahilig din sila magbasa ng mga wattpad stories at gaya ko gusto din nila gumawa ng sarili nilang novel at mga kwento nilang puro kabaliwan lang.
Ang dami naming mga sinulat noon. ang daming notebook at papel ang nasayang dahil hindi namin matapos tapos ang mga gawa namin.
Paano ba kasi tapusin ang kwento? Saan ba kasi dapat mag sisimula?
San ba kasi tayo magsisimula? saang parte ba ng buhay natin ma eexperience yang tinatawag nilang climax ng storya? saan naba yung happy ending natin?
"NAK!! BABA KANA KAKAIN NA!" - Mama
"OPO!"
dito nalang muna tayo magtatapos sa pahinang ito.
Nga pala ako si Sharlene 18 years old Frustrated Author.
YOU ARE READING
Frustrated Author
RomanceFrustrated Author ka rin ba? tulad ko? dreaming to create our own book someday? Maging sikat tulad nila ni jonaxx, blue maiden, alylonny, HaveYouSeenThisGirl, Maxinejiji at iba pang sikat na mga authors dito sa wattpad? Just like you Fan din nila ak...
