Prologue - A Coin for A Wish

13 0 0
                                        

Sa patuloy na paghahabol sa akin ng mga tagabantay, halos hindi ko na maramdaman ang sarili kong mga paa.

Humahapdi na ang dibdib ko sa kakahabol ng hininga habang paulit-ulit kong nililingon ang likuran ko. Hindi ko na rin alam kung ilang minuto—o oras—na akong tumatakbo.

Ang alam ko lang, kailangan kong makatakas.

Kailangan kong makaalis.

Kailangan kong makahinga.

Pagod akong napahinto nang mapagtanto kong hindi na pamilyar ang paligid. Ang dating sementadong daan ay napalitan ng maputik na lupa, matataas na puno, at makakapal na damo.

Gubat.

Napunta ako sa gubat.

Madilim. Tahimik. At nakakakilabot.

Maging ang hangin ay tila may kakaibang bigat.

Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko habang pilit inaaninag ang paligid. Hanggang sa may nakita akong tila mga bloke ng bato na pinagdikit-dikit at hinubog nang pabilog.

Balon.

"Teka..." bulong ko sa sarili. "A well?"

Mabilis akong lumapit dito.

"Perfect," mahinang sambit ko habang hinihingal. "Uhaw na uhaw na ako."

Pero bago pa man ako tuluyang makalapit, may narinig akong mga yabag.

Marami.

Mabilis akong yumuko at nagtago sa likod ng balon.

"Nakita n'yo ba ang Kamahalan?" matigas na tanong ng punong tagabantay.

"Wala pa rin pong bakas!" sagot ng isa.

"Hindi siya pwedeng malayo. Hanapin n'yo!"

Napapikit ako.

Great. Hinahanap pa rin nila ako.

"Uno, sumama ka sa akin. Dos, kanan. Tres, kaliwa. Walang uuwi hangga't hindi natin nakikita ang prinsesa."

Unti-unting humina ang kanilang mga yabag hanggang sa tuluyan nang mawala.

Tahimik.

Masyadong tahimik.

Mabigat akong napabuntong-hininga.

"Finally..."

Ngayon ko lang muling napansin ang balon.

Luma ito. Halatang matagal nang hindi naaasikaso. May mga bitak ang gilid at balot ng lumot ang ilang parte. Ngunit ang mas nakakuha ng pansin ko ay ang lumang karatulang nakasabit sa kahoy na haligi nito.

Parang halos mabura na ang sulat.

A Coin for a Wish

Napakunot-noo ako.

"Ang weird naman nito."

Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaiba sa pakiramdam ng lugar na iyon. Parang may kung anong bumubulong na hindi ko maintindihan.

Parang may nakatingin.

Mabilis kong inalis ang isip ko roon at hinanap ang timba.

Matapos makapagsalok ng tubig, halos maubos ko agad ang laman nito.

"Grabe..." napapikit ako. "I needed that."

Muli kong tiningnan ang karatula.

A Coin for a Wish.

Napatawa ako nang mahina.

"Hindi naman siguro masamang subukan, right?"

Kinapa ko ang bulsa ko at nakahanap ng isang baryang pilak.

A Coin For A WishStories to obsess over. Discover now