Chapter 1

115 25 54
                                    

(February 21,2020, 8:30 p.m)

"Hindi..... Wag mo kung iwan.. Sh-Sh-ane plea-se." Hagul-gol ng isang binata habang hawak ang bangkay ng isang dalagita na nakahilata sa gitna ng daan.

"Mahal na mahal kita shane." ang huling sabi ng binata.

(August 8,2019, 6:00 a.m, Thursday)
Shane's POV

"Happy birthday to you~.Happy birthday to you~.
Happy birthday~happy birthday...... Happy birthday to you". Kanta ng lahat sabay tingin sakin.

"Thank you.. Mama at sa inyong lahat. Na appreciate ko talaga." mangiyak ngiyak kong sabi. Hay ang drama ko na naman.

"Ano ba yan eh pinag-iisipan ko talaga na wag ng pumasok." sabi ko. Oo nga wag nalang talaga ako pumasok tutal once a year lang naman ang birthday.

"Hay ikaw talaga Shane pumasok ka na. At malalate ka pa". Sabi sakin ni mama.

Ano ba yan isang araw lang namang hindi papasok eih ayaw pang payagan.

"Please mama absent nalang ako."

"Absent mo mukha mo."

Hay ano pa bang magagawa ko.

"Sige na nga po papasok na."

Agad kung binuksan ang pinto at umalis na para pumasok. Habang nag lalakad ako parang may napansin akong kakaiba.

Parang may sumusunod sa akin.

Lumingon ako at wala naman akong nakitang kahina-hinala.

Hay itigil mo na nga yang kahibangan mo birthday na birthday tinatakot mo yung sarili mo.

Pero may yapak talaga akong naririnig..



Wahhhhh ayaw ko pa pong mamatay.



Kuya wag po bata pa po ako... Charr



Lingunin ko ba? Pero sabi ni Anne curtis wag kang lilingon.


Lilingunin ko na nga in

3...


2..



1...

"Kamusta Iha." bungad sakin ni manang Catalina habang nakangiti sakin. Habang ako napatalon sa gulat.

Sino ba namang hindi magugulat ready pa sana ako makipaglaban kakapanood ko palang kasi kagabi ng kung fu panda.

"Ano ba yan manang papatayin mo naman ako sa gulat." sabi ko sabay ngiti. Para mukhang hindi takot.

"Pasensya naman sayo iha. Gusto lamang kitang kamustahin."

"Okay lang po manang. Sya nga po pala dito po ba ulit kayo maglilinis?."

Si manang Catalina kasi isang street sweeper. Kahit sabihin mong street sweeper lang sya isa syang mabait na tao turing ko na nga sa kanya lola eih dahil sa magkasin tanda lang sila ni lola kung buhay pa sya ngayon. Kaso simula bata palang namatay na sya. Kami nalang ng mama at papa ko ang natira pati narin ang mahal kong tito at mga kapatid ko.

"Oh iha mukhang malalim ang iniisip mo ha."

"Wala lang po ito manang. Sige po mauuna na ako baka mahuli pa po ako sa klase."sabi ko kay manang. At tuluyan ng nakapasok sa eskwelahan.

"Hoi birthday girl saan ang handa." bungad sa akin ng bwesit kung bestfriend na si Tiffany. Hay kahit kailan talaga puro pagkain lang ang nasa isip.

CAMBIAR EL FUTUROWhere stories live. Discover now