Chapter One

96 5 0
                                    

CHASE

Nagising ako nang tumunog nang malakas ang alarm ng cellphone ko. Alas-7 na ng umaga at kailangan ko nang mag-ayos para pumasok sa eskwelahan.

Pagkatapos kong humikab at mag-inat ay lumabas ako ng kwarto. Naamoy ko kaagad ang mabangong almusal na niluluto ni Mama.

"Gising ka na pala," sabi niya habang binabaliktad ang pinipritong tocino sa kawali. "Ang aga mo ngayon. Sabado 'di ba? May pasok kayo?"

Naupo ako sa harap ng lamesa. "Pinapapapunta po kami sa office," tugon ko. Office ang tawag namin sa maliit na opisina ng aming publication sa College of Education - The Educators - kung saan member ako bilang isang cartoonist.

"Ano'ng meron at kahit Sabado, e, kailangan n'yong pumunta ng maaga sa office n'yo?"

"Kailangan na po kasi naming matapos 'yung mock copy ng dyaryo. Marami pa pong trabahong kailangang gawin. Baka po gabihin ako." Inilapag ni Mama ang isang plato sa harap ko. Nandoon 'yung niluto niyang itlog at tocino. Inabot ko 'yung mug ng kape saka humigop. "Baka po gabihin ako."

"Wala namang kaso basta mag-iingat ka sa pag-uwi. Alam mo naman ngayon, mahirap na ang hindi nag-iingat." Naupo si Mama sa harap ko. May halong pag-aalala sa mukha niya. "Alam mo ba, 'yung anak ni Ma'am Merced, na-pagtripan daw nitong nakaraang araw. Umuwi nang bugbog sarado."

"Opo, 'Ma, mag-iingat po ako. Kaya ko naman po ang sarili ko. Kung masyado naman pong gagabihin, makikitulog na lang po ako kila Michael," sabi ko. Kaibigan ko si Michael. Pareho kami ng Major - Computer Education - at malapit lang ang bahay nila sa university na pinapasukan ko. Pareho rin kami ng role namin sa dyaryo.

"Mabuti na 'yung nag-iingat. Hindi naman natin masasabi. Sino ba'ng mag-aakala na mabubugbog si ano - ano nga pangalan ng anak ni Merced?"

"Basty po."

"Ayun, si Basty." Napahinto si Mama sa pagsasalita. "Hindi ba kaklase mo dati si Basty?"

Napabuntong-hininga ako. Naalala kong bigla unang beses na dumating sa school namin si Basty. Galing private school. Maangas pumorma. Kita mo kaagad sa lakad niya kung magdadala siya ng gulo. Hindi naman malabo. Balita nun sa school namin, kaya siya nag-transfer sa public, e, dahil sa mga kaso niyang ginawa nun sa private school.

Mayaman ang pamilya ni Basty. At malaking misteryo talaga kung bakit sa kabila ng bait ng Mama at Papa niya, e, siyang kabaliktaran naman ng ugali niya.

Kilala ang pamilya nila sa lugar namin dahil mapagkawang-gawa sila. Well, ang mga magulang ni Basty.

Lumaki akong hindi palaging nakikita si Basty kahit kalapit-lugar lang namin sila. Hindi siya masyadong naglalalabas tulad ng ibang bata na palagi mong makikita sa daan at naglalaro ng habulan at tumbang-preso. Baka masaya siya sa pag-iisa kasama ang kanyang mga gaming console.

"Opo," tugon ko nang matapos ang pag-iisip ko tungkol kay Basty. "Hindi naman po kami close nun."

"Kahit na. May pinagsamahan din naman kayo."

Ngumiti na lang ako. Sa totoo lang ayoko nang inaalala 'yung mga panahong kaklase ko si Basty. Lahat kasi kaming mga naging kaklase niya, napagtripan niya. At ako, bilang lagi niyang katabi sa klase, ang lagi niyang napagdidiskitahan.

Classic prank man pero nabiktima ako ng paglalagay ng pusa sa bag. Ang salarin, si Master Basty - taguri sa kanya ng mga kaklase ko.

Pagkatapos kong kumain ng almusal, e, nag-ayos na ako para pumunta ng university. Dinouble-check ko muna 'yung bag ko at nang kumpleto na ang mga gamit ko, lumakad na ako papuntang sakayan.

Chasing that Bastard (Boys Love, BXB) (2gether Fanfic)Where stories live. Discover now