Episode 4

142 7 2
                                    

---

Episode 4

---

< RISSE's POV >

Alam niyo yung feeling na gusto mo nang tumakbo na nakataas ang kamay at sumigaw na parang baliw?? Yun yun eh. Pano ba naman kasi, unang pasok ko ngayon at pinagtitinginan nila ako with this 'Holy-mother-of-hamburger-bat-nakapasok-to-dito?' look nila. I know this will happen. Expected ko na po ito, pero yang mga mukha nila?? HUMAYGOSH!! Hindi ko in-expect na puro pala mga gwapins (gwapo) hotingtings (hot) ang nag-aaral sa school na ito. Like lalaglag na siguro lahat ng ngipin ko kasama ang panga ko sa sobrang ULALAMS dito. Well, expected ko na naman na mayayaman ang nag-aaral sa school na ito, except ako. Yeah, mahirap lang ako, kaya nga nag-aaral ako ng mabuti para kahit isang level man lang maglevel up aketch.. Kaya nga scholar ako noon sa kasumpasumpang St.Catherine na iyon eh at hindi din naman nagbago dito. Scholar parin ako. Kaya nga may partime job ako NOON di ba? Expected ko na din na ...ehem! may a-a-ABS daw sila kahit hindi ko pa nakikita pero malay natin sa P.E di ba? Kyaaahh~~ OH TUKSO LAYUAN MO ME!! >.<

"Hoy! anong ginagawa mo dito ha?" tanong sakin ng...........*Q* may panyo ba kayo?? Pwede pasalo laway ko? Pwede naring planggana. Shems si S-Storm... Gaahh! ang fugi >///<

Napakaneat lang naman niya na nakapagdagdag sa sobrang cool at hot niya. Yung buhok niya haay, ewan ko lang ang perfect na niya promise!

"Shems! Ang pogi mo! Date gusto mo??" sabi ko sabay kalabit ng mga paa ko sa leeg niya. Oyyy, naniwala siya. Syempre joke lang iyon no! Isipin mo nga, paano ko ikakalabit ang paa ko sa leeg niya aber? So ganon? Feel mo tatambleng ako? XD

"Mag-aaral bakit?" mataray na sabi ko, e kasi naman eh suplado siya kung makasalita at kung makatingin naman nakakapatay. galit nga siguro ito sakin =_=

"Hindi mo ba alam na boys school toh? Miss 'The Grudge', baka naman na ligaw ka?" sabi niya tapos nagsmirk pa ang gago. Tsk! Pogi sana eh, wag na lang pagnasaan, leche!

"Ganon ba? Kung ako naligaw eh ikaw? Tss. Bulag ka ano? Kita mo toh uniform na etech? Bakla ka! May nakatatak pa nga oh, 'Royal High Academy'. Oh galu! (gago) san ka ngayon? Bleh." sabi ko sabay alis. Epal siya eh. Sarap niyang halikan, ayeeii! Peste.

"H-hoy! Bumalik ka dito!" sigaw niya.

"I wasn't born to follow you! I wasn't born to follow any of you!" chosera! Nakuha ko lang naman yan kay Jacob sa Breaking Dawn. Haha. May gamit din pala eh. XD

Kung nagtataka kayo kung ano sinusuot ko ngayon na uniform? Girl! Excuse me, maglalaway ka sa sobrang social ng tela.. Pinadala ni Sir Ellis sakin kahapon sa bahay, nag-order talaga siya ng Korean Famous Girl Uniform. Malay ko ba kung ganito pala kayaman tong school na ito di ba?

Naglalakad ako sa hallway habang tumitingin-tingin sa paligid. Tinignan ko yung likod ko kung tama ba yung nadaan ko at pagbalik ko ng tingin sa unahan....booggggsshhh!!!!

Nabangga ako.

HOY, wag niyong akalain na nabangga ako tapos nag-away kami ng kabangga ko or di kaya nagka-inlove-an kami ha? Dahil Malabo po yung mangyari.

Kaya ayun, yung inaway ko ang nabangga ko o bumangga sakin. Ah ewan kung sinong bumangga kay ano.

"Peste ka! Tignan mo nga yang dinadaanan mo!" sabi ko sabay pulot ng mga librong nahulog ko.

"Abaahh.. Hindi mo man lang ba ako tutulungan ha?? Peste ka ha!" sigaw ko na naman pero dinuroduro ko na siya ngayon. Pero snob lang siya eh. Bastusin.

Gusto mo bang malaman kung sinong nakabangga sakin?? gusto mo e-describe ko? Sure. Matangkad siya, maputi malapad. Walang mata. Walang ilong. At mas lalo namang walang bibig. In short, PADER ang inaway ko. Hanep noh? Eh di ko kasi namalayang kailangan na palang lumiko eh! Peste tong school na toh oo.

Pagtingin ko sa relo ko. Anak ng LATE NA AKO'!!!'!!!!!!!!!!!

"Buisit ka! Nalate tuloy ako! Hmf! Wag na wag kang magpapakita sakin leche ka!" pahabol ko sa pader. Ganyan lang talaga ako minsan, kinakausap at inaayaw ang mga bagay pagbadtrip.

HALA! Oo nga pala ang class ko! Kaya ayon naging si Falsh na naman ako ng di oras. Pagdating ko sa classroom na tinutukoy sa Class Schedule ko, OMG!! Talaga bang malaprince charming ang mga mukha ng students dito??!! Leche ha! Nagiging malandi utak ko ng di oras. >.<

"Yes?" tanong ng teacher-in-charge na sa pagkakaalam ko, siya si Miss Cruz, yan kasi ang nabasa ko sa class schd. Ko eh, alangan naman tawaging ko siyang Dadang kung Cruz ang nakalagay dito? Pero infairness parang 18-19 years old pa siya ha? Nagdududa tuloy ako kung matanda na talaga siya, kasi mukha pa siyang bata.

"Ahh..ehhh...iihhh...ohhhh....uhhh..." sabi ko sabay kamot na naman sa ulo ko. At nagtawanan ang mga magiging classmates ko. Hello?? Mental din pala toh? ano naman kayang nakaktawa? =_=a

"Ikaw ba yung sinasabi ni Sir Ellis na new student, which is apparently a girl student?? Hmm.. If so, then you may now come in and take your seat." sabi ni miss cruz, she looks so strict. Siguro dahil mas maganda pa ako sa kanya. Chos xD

Malamang? alangan namang lilipad ako habang nagno-notes di ba?? So syempre uupo ako. Mga teachers talaga, minsan nakakainis eh noh? Si Sir Ellis nga pala ang kalbong principal dito, kalbo man eh mabait naman ito. Hulog siya ng UFO sakin. UFO, dahil hindi siya mukhang galing sa langit na parang angel or watsoever, kundi mukha siya alien, eh ganun ang shape ng fes (face) niya eh. Kasalanan ko ba kung alien ang in'ano' ng nanay niya? Patawarin mo ako kalbo kong principal kung linalait kita sa isipan ko. Maging tao ka na sakin, Amen. (-/\-)

"Uhh.. S-sige po." sabi ko sabay pasok. Hhmm.. Anong gagawin ko? San ako uupo? Mag-iinee-mini ba ako dito oh magsoslot machine?? Ahh magheheads or tail nalang ako.

Heads gusto ko. At pinalipad ko na yung coin and within a sec nasa kamay ko na naman siya. Pagtingin ko, pakshet ha! Tail talaga ganon? Tsk. =_=

"Miss Dela Vega, ano pang hinhintay mo jan?? Bat parang nalito ka ata kung asan uupo eh isa lang naman ang bakanteng upuan?" sabi ni Miss.

O.O

.

.

.

.

.

.

ASDFGHHJKL!

Isa lang pala??? O.Oa

Akala ko kasi, aiisshh!! Nakakahiya. \(T0T)/

At umupo na nga ako dun sa upuan na nag-IISANG bakante lang pala. Katabi ko ngayon ang isang lalaking mukhang mabait. Kaibiganin ko nga. Nakaside view kasi siya tapos na sisinagan yung isang bahagi ng mukha niya sa araw, ayan tuloy nagmukha siyang angel. Tsaka yung katabi niya, nakikipaglandian ata sa desk niya eh, pano ba naman kasi nakayuko na parang feel niya natutulog lang sa unan, natutulog ata.

Magsasalita na sana ako ng mag 'greet' siya sakin. inunahan niya ako eh =_=

"Talk to me and your dead." ang sarap mag'greet' noh?? sinabi niya yun without even glaring or looking at me.

"Che! Hindi kaya ikaw kakausapin ko kundi siya." akmang magha-Hi na sana ako sa katabi niyang natutulog kaso....

"Don't even take to me." sabi ko nga di ba?? Mga kasumpasumpa ang mga lalaking naging seatmate ko! Ang galing nilang mag'Greet'. In fairness familiar sila sakin. Leche. Uso ba ang walang lingonan ngayon? Tss, di ko tuloy nakita pagmumukha nila. =_=+

Akmang magmamind my own business na sana ako ng...

"Hi!"

O.O???

..itutuloy :))

xx.xx

Note: salamat nga po pala sa pagbabasa tsaka na rin sa nagvotes at kay @KMFckedup at sa sis kong supportive sa pag-add nitong story ko sa library niya na si @Eabernamissingyou !! :DD basahin niyo din stories nila! Salamat po ng marami at sana nagustuhan niyo itong episode na ito ^0^ (kung maka'episode' naman ako kala mo naman kahabahaba eh noh? XD)

chup~

Hating Him was RedWhere stories live. Discover now