E

104 9 0
                                        

"Nurse, excuse me."

Napalingon ang nurse na nakatayo habang may kausap na pasyente. Nakangiti itong nagpaalam sa kausap nito at lumapit sa akin. Antok na antok ito habang nag-iinat ng katawan. Okay, mukha yatang napipilitan itong makipag-usap sa akin base sa reaksyon nito nang makita ako.

"May kailangan ho sila?"

"Itatanong ko lang sana kung nasaan si Doc Villafuerte?" Kilala naman si Kuya sa ospital na ito kung kaya't hindi na ako mahihirapan pang magtanong kung nasaan siya.

Itinaas ko ang hawak na paper bag na naglalaman ng pinadalang dinner sa akin para kay Kuya. Katatapos lang ng huling klase ko bandang alas una ng hapon at dumiretso agad ako sa ospital matapos na utusan ako ni Mommy na dalhin nga ang pagkain nito kay Kuya. Inabot ng mahigit dalawang oras ang biyahe mula Quezon papuntang Ortigas dahil umuwi pa ako sa bahay pagkagaling sa university.

Sa totoo lang ay ayoko ng amoy sa ospital. Hindi sanay ang ilong ko sa kakaibang amoy nito lalo na sa halo-halong amoy ng dugo, gamot at mga chemical sa loob.
Pero no choice ako kundi ang sumunod kaysa naman si Mommy ang pumunta rito at i-risk ang health niya para lang sa dinner ng pasaway ko ring kapatid. Madali na rin kasing mahawa ng sakit ang mga magulang namin.

"Nasa Quarters si Doc Villafuerte," anito sa akin pagkatapos ay tumalikod na. Hindi ko na lang pinansin ang hindi magandang asal nito sa pakikipag-usap. Napapadyak na lang ako sa inis ng maalalang hindi ko pala alam kung saang floor ang quarters ng mga Doctor. May isa pang nurse ang naglalakad patungo sa direksyon ko kaya naman ng malapit na ito ay mabilis akong nagtanong.

"Excuse me Nurse, saang floor po ang quarters ni Doc Villafuerte?"

"Doc Villafuerte? Yung Pediatrician?"

"Oo. Nasaan siya?"

"Ah, nasa fourth floor. Pag-akyat mo lang matatanaw mo na agad 'yon."

"Sige. Thank you."

Matapos na makapagpasalamat sa nurse ay tinungo ko na rin ang sinabing floor nito. Pagdating sa fourth floor ay may palakad-lakad na mga nurse at pasyente. Muntik pa akong mabangga ng isang nurse dahil nagmamadali ito habang patakbong bumaba sa third floor.  Gumilid na lamang ako upang hindi tuluyang bumangga sa iba pang nagmamadaling nurse at doctor na tinatawag para puntahan ang mga pasyente nila. Narating ko ang quarters at ilang saglit pa ay kinatok ko ang nakasaradong pintuan. Wala pang limang minuto ng bumukas iyon at bumungad ang nag-aalalang mukha ni Kuya. Ano kayang nangyari at ganito ang hitsura ni Kuya?

"Kuya." Nawala ang pag-aalala sa mukha niya ng makita ako.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Dinalhan kita ng dinner. Sabi kasi ni Mommy ay hindi ka raw makakauwi ngayong gabi."

Iiling-iling na kinuha niya mula sa akin ang hawak kong paper bag.

"Si Mommy talaga." Aniya saka pinasok saglit sa loob ng quarters ang dala ko at muling lumabas.

"May problema ba kuys?" Hindi maiwasang tanong ko sa kanya. Masiyahing tao at palangiti ang kapatid ko kahit na sabihing madalas kaming magtalo sa mga walang kabuluhang bagay kaya alam ko kung may problema siya o wala. Siguro dahil na rin sa stress niya sa trabaho.

"Wala, umuwi ka na. May kasama ka bang driver?"

"Syempre kuys. Pero sigurado kang walang problema?"

"Wala nga. Bakit ba ang kulit mo? Inaatake ka na naman ng pagkatsismosa."

Napahiyaw siya ng hampasin ko siya sa braso kaya napatingin sa amin ang mga nurses at patiens na naroon.  Kita niyo na? Pati ako ay pinagsusungitan niya kahit gusto ko lang malaman kung anong bumabagabag sa kanya.

𝐎𝐍𝐂𝐄 𝐔𝐏𝐎𝐍 𝐀 𝐓𝐈𝐌𝐄 [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Where stories live. Discover now