UNA❤

13 0 0
                                    

High school

First day of school habang naglalakad ako para hanapin Yong assigned room ko ,napaka hassle kasi hahanapin mo pa yong name mo sa bawat pinto ng classroom, ibang iba sa dati kung school na pinapasukan ,Ang hirap pala nangganito Hindi naman ako na inform na dito pala ako magaaral ng grade 10 haysssttt......anu pa nga bang magagawa ko kung Hindi ko naman mapigilan ang pagbagsak ng kumpanya namin nahihirapan na si daddy para tustusan yong pag aaral ko sa isang private school kaya napilitan akong lumipat muna habang Hindi pa naaayos ang problema ng kumpanya tiis tiis muna Kelly.......

"Ouchh pwede ba magdahan dahan ka naman " inis na sigaw ko pero para syang walang narinig  " SORRY HUH!!" sarcastic kung sigaw  ulit
Bwesit na lalaki toh kitang nageemote pa ako dito,Hindi ko na pansin mukha nya sa sobrang bilis nya tumakbo.
Nagpatuloy nalng ako sa paghahanap ng mapadpad ako sa room na sobrang gulo napatigil ako doon  dahil nakalista ang pangalan ko kinabahan ako bigla sa nadatnan ko ,first day of school pero bakit  ganto  agad sila kagulo ,nagbabatuhan ng papel ,may lumilipad na sapatos at para silang nag sasayang lahat, siguro'y halos magkakakilala silang lahat,Mas lalo akong kinabahan nong mailapat kona ang sapatos ko sa pinto ,naninibago ako sa silid aralang ito at Hindi ko alam kung makakaya ko ba na makapag aral dito pero manabuti ko ng magtuloy Tuloy sa pagpasok  hanggang sa makahanap ako ng maayos na pwesto sa harapan ,mas nanaisin ko ang maupo sa harap ng madali kung maririnig at mauunawaan ang aralin na ituturo kung nasa harapan lang ako ,nanatili akong tahimik at nilabas nalang ang aking  selphon  luminga linga ako sa paligid habang patuloy parin sila sa pagbabatuhan mabuti na lamang ayy Hindi ako natatamaan sa pwesto ko, nang masipat kona ang kabubuan ng aming  silid ay umayos nalang ako ng upo dahil hindi ito kagaya ng dati kung pinapasukan kailangan kung masanay.

Umobub nalang ako habang inaantay na dumating ang aming guro naglagay na rin ako ng earphone para iwas ingay sa mga ginagawa nila ,mahina kung sinasabayan ang kanta  habang nakapikit nang mapagtanto kung Hindi na sila nagiingay kaya baka nandito na ang aming  guro kaya dali dali kung tinanggal ang earphone ko pero nabigla lang ako pag harap ko ng lahat sila nakatingin sakin ,naiilang akong bumalik ulit ng obob kahit hindi ko binuksan ang tugtug ay sinalpak ko ulit ang earphone ko.

"Ang ganda ng Boses nya diba" rinig Kong bulong ng babae

"Ang ganda nya rin ,bago ba sya dito " bulong ulit ng isang babae

"May bago na akong crush!" Sigaw ng isang lalaki

"Ang ganda nya tol!" Sagot sa kanya ng lalaki

Hindi ko mapigilang mahiya sa mga pinagsasabi nila kaya nanatili akong nakaobob ng dumating na ang aming  guro..... May katandaan na ito , may salamin at makikita mo agad sa katandaan nya ang pagiging masungit at istrikto sa klase,mapupuna mo rin ang hawak nyang manila paper na ginamit nya sa pagtuturo ,wala ba syang laptop ? Saad ko sa isip ko .

"Good morning class" bati ng teacher namin.

"Good morning Sir Arayata" balik na bati nila na Hindi ko sinabayan Hindi ko yan kilala eh ,

"Take your seat" sigaw nya nakinagulat ko pero Hindi ko pinahalata galit ba sya? ng tignan ko ang mga kamag aral ko ay parang wala lang sa kanila kaya umupo na rin ako.
"Im Lucas Arayata your advicery class and your math teacher for the whole year" pagpapakilala  nya pa. Math agad seryoso na ba toh ,bkit naman fisrt sub. Math agad ,mawiwindang ka agad sa first period palang .

"So dahil kilala nyo na ang isat  isa ay yong transferee nalang Ang magpapakilala" pauna ng guro.
Nahihiya akong tumayo dahil sakin nakatingin  ang lahat.

" I'm Mary Calley Lustre,16 years old nice to meet you all" then I gave them a small smile. Uupo na sana ako ng sumigaw ang isa sa mga kaklase kung lalaki.

"Sir pwede magtanong sa transferee?"

"Anu yon" sagot ng guro.

"Mary, will you marry me??" Banat nya.

"Do you have a company.??
If you have, I will marry you then." seryoso kung sagot na kinagulat ng lahat ,pagtapos non ay umupo na ako.

First day of class ganto mangyayari sakin ,anu to araw araw susqu baka madali akong tumanda dito , dumaan ang ilang oras at last sub na namin.
Habang nakikinig ako ay may kumalabit sakin hindi ko ito pinansin baka mapagtripan lang ako at mapahiya sa klase , mahirap na baka mapatulan kopa ito ng di oras, kaya nagpatuloy lang ako sa pagsusulat ng notes ko

"Class dismiss!!" sigaw ng  last teacher namin.

Dali dali naman akong nag ayos ng gamit ko para mabilis makalabas ng room, pero sadya ata talagang mamapaglaro ang araw na toh, may nakabangga na naman ako.

"I'm sorry" mahina nyang sambit ng harapin kona sya. Gwapo shittness na malagkit haysstt marupok level999.

"It's fine" sagot ko naman, myygoodnessess mother earth pano nagkaroon ng nilalang na ganto ka perpekto sa paningin ko,hindi ako makahinga hahaha charot .

Sa sobrang harot ko napatulala na pala ako sa hallway my gwad nakakahiya, pinagtitinginan pa ako susqu, puro na kahihiyan ginagawa ko buong araw, nagpatuloy nlang ako sa paglalakad palabas para less eksena hahahaha kagagahan self nakakita lang ng gwapo my gwadd parang walang pinagdadaanan ah.

"Ms. Calley" sigaw ng driver namin na may pataas pa ng kamay.

"Hi kuya Ren " bati ko agad pagkasakay ko.

"Kamusta po ang araw nyo Ma'am" paguusisa nya .

"Maayos po kuya,medyo hindi lang po sanay sa mga bago kung classmate." sagot ko naman.

"Masasanay rin po kayo Ma'am." sagot nya.

"Sana nga po" pabuntong hininga kong sagot.

"Ma'am pinapasabi ni Sir. Na wag nyo na po syang hintayin kasi marami daw po syang ginagawa sa opisina." Sabi ni kuya Ren .

Tunggo nalang ang naging sagot ko sa kanya , wala na naman si papa pag uwi ko pero iintindihin ko nalang kasi para rin yon sakin at sa little brother ko ,naaawa na nga ako kay Papa ehh pero wala pa akong magagawa sa ngayon, mas pagbubutihan ko nalang ang pag aaral ko.

   "Ma'am gising po " paggigising ni kuya .

  "Thank you kuya ." sagot ko habang palabas ng sasakyan .

"Atcheeeeeeee" sigaw ni Calvin pagpasok ko palang sa bahay.

"Hi baby Vin " pagbati ko sa kanya.

"Atchee gusto mo ng gummy " pagaalok nya sakin.

"No babyy dapat mag dinner na tayo kasi gabi na " sagot ko sa kanya

"Okay po tomorrow nalang po yong gummy " sagot nya sakin.

"Verygood  babyy" sambit ko .

Magdidinner kami ng dalawa lang kasi busy si Papa , kumain na kaya sya?? Hope so .

"Atche san si papa"  tanong nya sakin

"May work pa si Papa baby kaya sabi nya wag na daw natin sya intayin ,pagtapos natin babyy matutulog na po tayo huh.?" Sagot ko.

"Opo atche" sagot nya.

My Mom left after mag 6 months ni Calvin kaya hindi pa nya ito nakikita ,pero palagi nyang tinatanong kung nasan si Mama kayalng wala akong maisagot , totoo naman hindi ko alam kung nasan sya ,kung bakit sya umalis , hindi nya na ba kami mahal , nahihirapan si Papa non kasi nagsabay sabay ang problema ,nalugi kami ,iniwan kami ni mama halos mabaliw si papa pero tinaguyod nya parin kami ni Calv--.

" atche  tapos na po ako " pagtawag nya sakin .

" okay baby matutulog na po tayo " sagot ko .

" yeheyy I want to sleep now para mabilis ako lumaki " tuwang tuwa nyang sabi.

Napangiti nalang ako sa inasta nya,
Ohh our babyy Calvin is so cute .





A/N: thank you, first time ko gumawa ng story hahaha tas hindi  ko pa alam kung papaabutin ko ba ng 1000 words but umabot sya yeheyy!! Hahahhaa, hope you like it.❤

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lock upon your LoveWhere stories live. Discover now