"Dastan, why don't you remove it? I can't see it---" naningkit ang mata ni Dastan kay Zen. Alam kong pareho na kami ng iniisip ni Zen.

Nakatalikod si Dastan kina Tobias at Rosh kaya hindi ng mga iyon nakita ang kanyang reaksyon. "Rosh will bully you... quick!" bulong niya.

Natauhan doon si Zen kaya pinilit niyang pagpagan ang sarili niya habang nanunuod lang sa kanya si Dastan.

Ilang beses pang sumulyap si Zen sa magkapatid na Le'Vamuievos habang inaayos ang kanyang sarili.

Kung ikukumpara ang relasyon ng magkakapatid, masasabi kong ibang-iba talaga. Kung si Zen ay nakatatandang kapatid ang tingin kay Dastan, si Rosh ay pinaniniwalaan na pantay lang sila ni Tobias.

Kung sabagay, kambal sila at pareho ang edad, iyon nga lamang ay mas naunang lumaki si Tobias, ngunit hindi man aminin ni Rosh ay maging ang pag-iisip ng kanyang kapatid sa ngayo'y lamang na sa kanya.

Nang matapos si Zen ay kapwa na sila lumingon sa magkapatid na Le'Vamuievos. Dapat ay hahawak si Zen sa laylayan ng damit ni Dastan na siyang parang nakasanayan na niya pero pinigilan niya ang kanyang sarili nang maalala na nasa harap nga pala sila ng mga Le'Vamuievos.

Ngayon ko masasabi na mas malalambing ang magkakapatid na Gazellian.

"Ano na ang plano natin?" tanong ni Tobias kay Dastan.

"Siguro'y may ibang daan..." tipid na lumingon sa ibang direksyon si Dastan. "Sa tingin mo ba'y ang bawat kriminal na itinatapon dito ay mismong kamatayan ang sinasapit?"

Namaywang si Tobias at lumingon din siya sa paligid. "Hindi..."

"We should find an exit. Bago pa tayo maamoy ng mga nilalang na—" hindi na natapos ni Dastan ang kanyang sasabihin nang may malakas ungol ng hindi pamilyar na hayop ang siyang umagaw sa kanilang atensyon.

Kapwa naging alerto sina Dastan at Tobias, sabay lumabas ang kanilang mga pangil at ang kanilang mga mata'y nagningas. Isang paraan ng mga bampira upang parating sa kanilang mga kalaban na sila'y handa sa anumang laban.

Mabilis nilang dinala sina Zen at Rosh sa kanilang mga likuran upang protektahan, ngunit hindi iyon naging dahilan upang ang dalawang munting prinsipe'y matinag. Dahil nang sandaling muling umungol ang misteryosong hayop, ay kapwa rin inilabas nina Zen at Rosh ang kanilang pangil upang lumaban.

Sabay iniharang nina Tobias at Dastan ang kanilang mga braso nang akma nang tatakbo patungo sa misteryosong halimaw ang kanilang mga kapatid.

"Stay still, idiots!" asik ni Tobias sa kanila.

"Zen..." mas nagningas ang mga mata ni Dastan sa kanyang kapatid.

Habang pinagsasabihan nina Tobias at Dastan ang kanilang kapatid, muling umungol ang halimaw na ngayo'y nagkukubli sa anino ng matataas na mga puno.

Nang una'y tanging nagniningas na pulang mga mata ang tanging nakikita mula, ilang minuto itong nakatigil sa madilim na anino at tanging mapangahas na ungol ang nangingibabaw, ngunit nang sandaling nagsimula na itong humakbang at lisanin ang anino'y bigla na lamang akong napasinghap.

Ang hayop ay mas malaki sa kinikilalang mapangahas na embargo ng Parsua Sartorias. Animo'y isa itong kakaibang uri ng leon, may pangil itong apat na sa sobrang laki'y hindi na magawang magkasya sa kanyang bibig, nangingitim ang kanyang makakapal na balahibo, may pilat ang kanyang kanang mata, ang kanyang mga paa'y may mga kukong matatalas at mahaba, at higit sa lahat ay ang laki nitong kalahati ng isang malaking puno.

Moonlight War (Gazellian Series #5)Where stories live. Discover now