“Salamat.”

Pumunta na si Blue sa kinatatayuan ng mga kaibigan niya. Announcement of the winners na at isa-isa ng tinawag ang mga nanalo. Si Green ang nagbigay ng flowers sa third runner up, si Grey sa second runner up, si Blue sa first runner up, at si Red ang sa bagong itinanghal na Miss Montenegro, na si Katleya Yellownora Marie C. Quizo.

Pagbigay ng bulaklak ni Red.

“Thank you,” sambit ng dalaga.

Tumango lang ang binata at hindi man lang binigyang pugay ang dalaga sa pagkapanalo nito. Pero imbes na madismaya si Katleya sa pinakitang asal ni Red, kinilig pa ito. Naging interasado siya sa binata noong nagtama ang mga mata nila kanina sa kuwarto kung saan nag-aayos siya, nadagdagan pa roon noong nagtama ang mga kamay nila, nakuryente siya. Pero mas lumalim pa iyong paghanga niya nang marinig niya itong kumanta sa harapan niya.

Nang matapos na ang patimpalak, nagsiuwian na ang mga nanunood. Nang makita ni Blue ang kanyang ina, nilapitan niya ito.

“Mom, uuwi ka na?” tanong ni Blue.

“Mag-usap tayo sa bahay,” inis na sagot ni Crezelda sabay talikod para umalis.

Natulala si Blue habang iniisip kung ano ang nagawa niya na ikinigalit ng kanyang ina.

Dumating si Red. “Where's mom?”

“Umuwi na,” matamlay na sagot ni Blue.

“Ano'ng nangyari sa iyo?” pag-aalalang tanong ni Red. Hinawakan nito ang mukha ng kambal niya. “Tell me.”

Pinigilan ni Blue ang paghikbi hanggang sa hindi niya napigilan ang kanyang sarili. Tumulo na ang luha niya.

“Pagod na ako,” pag-amin ni Blue. Pinunasan ng kambay niya ang luha niya. “Pagod na pagod na pagod na pagod na ako. Ayaw ko na. Sawa na ako.”

“Asul, Pinag-aalala mo ako. Ano bang nangyari sa iyo?”

Napatakbo sina Grey at Green nang makitang umiiyak si Blue.

“Red? What's happening here?” takang tanong ni Green.

“Sino ba ang laging nagpapaiyak sa baby Blue natin? Sorry to say this Red, but I guess may kinalaman na naman dito ang mommy mo,” inis na sabi ni Grey.

“Mauna na ako sa inyo,” mahinang sabi ni Blue.

“Asul!” pagtawag ni Red.

“’Wag kayong mag-aalala, hindi ko sasayangin ang buhay ko. Pula, umuwi ka na rin.”

•••

Pagpasok ni Blue sa bahay nila, agad itong sinalubong ng sampal ni Crezelda. Napahawak si Blue sa mukha niya dahil sa sakit na dulot nito. Napayuko na lang ito at hindi na nagsalita pa.

“Ano? Wala ka bang sasabihin?!” sigaw ni Crezelda.

Dumating si Zander. Kakarating lang nito galing sa kumpanya nila. Nang makita niya ang ginawa ni Crezelda, agad itong lumapit sa mag-ina niya.

Tiningnan ni Zander si Blue. “Ano na naman ba ang ginawa mong bata ka?!”

Tiningnan ito ni Blue at nginitian. “Hindi ko alam kasi wala po akong matandaan na may ginawa ako.”

“Blue, minsan na nga lang ako humiling sa iyo hindi mo pa ako pinagbigyan! Tapos pinahiya mo pa ako kanina dahil sa pagsayaw mo ng b*wesit na tugtog na iyon!” sigaw ni Crezelda.

Napatakbo naman si Red papunta sa kapatid niya nang makita ang paninigaw ng ina niya. Kakarating lang din nito. Nakasunod ito kay Blue.

Tiningnan ni Red si Crezelda. “Mom? Ano naman ba ito?”

“Iyang walang kuwenta mong kambal, minsan na nga lang ako humiling na kumanta, hindi pa ginawa! ’Tapos taas-noo pang sinayaw ang background music sa s*x scandal niya!” sigaw nito. Nanginginig na ito sa sobrang galit.

“Mom? Iyon lang ang ikinagalit mo? Ang babaw niyo po para saktan ang kambal ko na anak niyo!” sigaw ni Red. Niyakap niya ang tahimik na lumuluhang kambal niya. “Nandito lang ako, 'wag kang mag-aalala.”

“Iyong bibig mo, Redrigo!” sigaw ni Zander.

“Totoo naman kasi! Sumosobra na po kayong dalawa! Lagi niyo na lang sinasaktan ang kambal ko!” sigaw ni Red kaya nasampal siya ng ama niya.

“Tama na po, please!” sigaw ni Blue. “Tama na!” Humagulgol na ito.

Katulad ni Blue. Umiiyak na rin si Red. Tiningnan naman ni Red ang ina niya. “Mom, ina ba namin kayo? Hindi mo man lang ba alam na si Blue ’yong kumanta kanina?” Ngumiti si Red. “Bakit ko ba tinanong? Wala naman pala kayong alam sa kambal ko!” sigaw nito dahilan para masampal muli ito ni Zander. Hinawakan ni Red ang mukha niya at tiniis ang sakit. Muli niyang tiningnan ang ina niya. “Nagluwal lang kayo, pero hindi kayo naging magulang sa kanya!”

“Redrigo!” sigaw ni Zander. Nanlisik na ang mga mata nito.

Umiiyak lang sa sulok si Blue habang tinitingnan na nag-aaway ang pamilya niya.

“Itong sakit na naramdaman ko ngayon, wala lang ito sa sakit na araw-araw nararamdaman ng kambal ko.” Pinunasan ni Red ang luhang nagsilabasan sa mga mata niya. “Alam niyo ba, Mom, Dad? Half of my certificates ay si Blue ang gumawa, but the credits was all mine. Again, was all mine! Hindi niyo alam, ’di ba? Dahil wala kayong alam sa buhay niya. Hindi niyo alam kung gaano siya kagaling, hindi niyo alam kung gaano siya kabait, hindi niyo alam kung gaano siya ka talentado! Ang alam niyo lang sa kanya ay mga pagkakamali niya! Hindi ko rin masisisi kung bakit ganyan ang ugali na ipinapakita ni Blue sa inyo, kasi kayo!? Kayo na magulang namin ang may gawa niyan sa kanya!”

Natumba si Red sa sahig nang sinuntok siya sa tiyan ng kanyang ama.

Tumakbo si Blue at itinayo ang kapatid niya. Nag-iiyakan lang ang dalawa.

Muling tiningnan ni Red ang mga magulang niya. “Ano bang kasalan ni Blue sa inyo!?” walang takot na tanong nito. “Ang bait niyang bata! Ang bait niyang kapatid! Pero bakit ganyan kayo sa kanya!?”

Lumapit si Crezelda sa mga anak niya. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit. Nanginginig ang mga kamay niya. Gusto niyang magwala.

Dinuro niya ang mga ito. “Gusto niyo talagang malaman?”

“Crezelda, ’wag!” sigaw ni Zander. Nilingon niya ang mga anak niya. “Umakyat na kayo roon sa loob!”

Sinamaan ng tingin ni Red ang mga magulang niya bago hinila si Blue papunta sa kuwarto nila.

“Ano raw ang kasalan ko, Pula?” tanong ni Blue. Humagulgol ito.

“Huwag mo na isipin iyon. Huwag ka ng umiyak, nasasaktan ako.”

Tumango ang binata at sinubukan ang sarili na uminahon. Pero sa mga sandaling iyon iniisip niya kung ano ba talaga ang kasalanan niya para tratuhin siya nang ganoon sa buong buhay niya.






~~~

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now