Nahuhulog sa malalim na bangin.
"Ahhhhhhhhhhh!"malakas kong sigaw matapos magising sa malalim na panaginip.
Ommmmmgiiiiiiii.
"Gashh, buti nalang panaginip lang yun, kung hindi, baka nawala na sa marikit na kalikasan na ito ang dyosa at nagiisang Maggie Annlea wohh!"bulong ko sa sarili ko.
It's only a fvcking dream.
Hinilot ko ang sintido ko at pinakalma ang sarili.
Tok!tok!tok!
May tatlong magkakasunod na katok ang tumunog sa kwarto ko. Pagkatapos nun ay ang sigaw na ni mama.
"Maggie, anong nangyari sayo at sigaw ka ng sigaw diyan? Buksan mo tong pintuan mo!"tumayo ako at pinagbuksan ng pinto si mama.
Tss.
Pagbukas ko palang ng pinto hinawakan na ni mama ang kamay ko at alalang-alala ang mukha.
"Anong nangyari sayo? May nangyari bang masama? Ano? Sabihin mo!"sunod-sunod niyang tanong.
Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa likod ng kamay ko."ok lang po ako ma... Nanaginip lang ako ng masama"
Padabog na ibinalik ni mama ang kamay ko saakin."Jus mia kang bata ka akala ko kung napaano ka na. Hindi ka siguro nagdarasal bago matulog?"hindi na niya ako hinintay na makasagot pa at tinalikuran na niya ako.
Napa-smirk nalang ako.
"Bilisan mo na diyan! Kakain na tayo"
"Opooooo"
Dalawa nalang kami ni mama na magkasama. Iniwan kami ng manloloko kong tatay, siyam na taon gulang palang ako. Pero matagal ko na yung tanggap dahil sampong taon narin ang nakakalipas.
Namuhay kami ni mama ng masaya habang wala siya. Kapag nagkakaroon ng family day sa school yung lolo at lola ko ang kasama ko, nasa iisang village lang kami. Kasi ayaw ko namang nalulungkot si mama na nakikita ang ibang family buo tapos kami dalawa lang.
Para kasing hindi pa siya nakakapag move-on kay papa.
Minsan minsan malungkot parin pero nandito ako lagi para i-comfort siya. Syempre i'm her hero na since my father left her.
Matapos maligo ay namili ako ng damit dahil mag go-grocery kami ni mama.
Day of vacation ngayon kaya kahit magpuyat ako okay lang wala namang pasok eh.
Ang napili kong damit ay black maong skirt, black ringer white na crop top at old school black shoes.
Naglagay ako ng konting powder sa mukha ko, nag lip tint para hindi putla syempre at nag spray ng perfume.
Pagkababa ko ay naka ready na ang food. Konting kwentuhan lang kami ni mama habang kumakain pagkatapos nun ay sumakay na ako sa sasakyan at doon nalang hinintay si mama.
Ng nasa grocery na kami ay binili na namin ni mama ang lahat ng kakailanganin namin. Napkins, foods, biscuits, sabon, powder, etc. Bumili rin ako ng paburito kong papakin habang nanonood ng movie ang stick-o.
YOU ARE READING
Just Dreaming
Short StoryDapat di nalang tayo naasa kasi kapag nagising na tayo sa katotohanan dun tayo mas magiging tanga.
