Chapter 5 Serious Relationship

12 1 0
                                    

A/N: Hello! Sorry sa medyo matagal na update, medyo naging busy sa mga kapatid. But here, salamat sa paghihintay. Enjoy❤️.

Chapter 5

Tyler Graham's POV

"Hindi ba kasi't sinabi ko na sa inyo na huwag na muna kayong gumawa ng kahit anong eksena sa labas, lalo na ikaw Tyler at hindi makakatulong ang bad issue sa promotion ng bago mong pelikula."

Tahimik lang akong nakikinig sa manager ng The Rulers na si Catherine Angeles. Nang tawagan niya kami kanina at sinabi niya sa akin na nasa blind item daw ako ay alam ko nang mangyayari ito. Si Catherine ang manager ng banda kaya naman normal lang na ganito siya mag-react, at kung gusto niya kaming protektahan.

Iniisip ng iba kung paano niya naha-handle ang banda kung mas matanda kami sa kaniya ng tatlong taon. She's just 27 years old but she had the bossy and mothery attitude that makes her easy to get into us. Actually hindi naman talaga dapat siya ang manager namin, it was supposed to be her dad, my manager for decades. But he died 4 years ago, same year when we made our debut as a band.

I was a teen heartdrob actor since I was 15. Na-discover ako ni Pops Jeremy, the father of Catherine, sa isang school play kung saan ako ang naatasang gumanap bilang lead cast. Judge si Jeremy Angeles noon. Nagulat na lang ako nang matapos ng play ay pinakilala ako ng teacher adviser ko kay Pops Jeremy, iyon pala ay gusto niya akong alokin ng trabaho.

Noong una ayoko, pero nang makita kong suportado ang lolo't lola ko ay sinubukan ko na rin, hanggang sa kumita ako at nag-enjoy.

Para sa akin ay isa lang trabaho ang pag-aartista, at dahil sa masyado pa akong bata noong panahon na iyon ay hindi ko pa alam kung ano ba ang gusto ko pagtanda ko, ang alam ko lang noon ay kung ano ang makakapagpabuti ng pamumuhay namin ng mga lolo't lola ko na siyang nagpalaki sa akin magmula nang mag-asawa ng hapon ang mama ko at nanirahan sa Japan.

Ang papa ko naman ay hindi ko na nakilala. Hindi raw kasi pinanagutan si Mama nang mabuntis ito.

Magmula nang makilala ko si Jeremy Angeles ay siya na ang tumayong ama para sa akin, para ko na ngang nakababatang kapatid si Catherine.

Naging mabuti sa akin si Pops Jeremy, isa sa dahilan kung bakit napamahal at hindi ko maiwanan ang trabaho ko bilang artista. Unfortunately habang nagtatagal at nakikita ko ang mga dati kong kaibigan na nagtatapos sa pag-aaral, na-realised ko kung ano ang mga binitiwan ko para sa showbiz; ang pag-aaral ko at ang pangarap para sa akin ng mama ko, na naging pangarap din noon ng lolo't lola ko. Gusto nila akong maging Engineering, which is impossible now.

Mula noon ay pakiramdam ko hindi na ako masaya, kahit nakakakuha ako ng mga award, successful project, lovely fans, proud ako pero iyong sayang nararamdaman ko, hindi ko kayang dalhin hanggang sa pagtulog ko. It always fade before the sunset.

Hanggang sa nakilala ko sina Ramsey Palermo, Jameson Ilbara, William Gregory noong 23 years old ako. Pinakikala sila sa akin ni Pops Jeremy, mga anak daw ng mga kaibigan niya, since high school.

Mula niyon ay naging matalik kaming magkakaibigan, until one day Ram asked me, masaya raw ba ako? I finally admit that I'm not. He wanted me to figure out what will makes me happy.

Noon pa man ay nameless group of musicians na ang tatlo, at ako ay viewers lang nila sa isang bar kung saan sila kumakanta. Never nilang nilagyan ng pangalan ang banda nila, dahil mayroon daw mas mataas na pangarap ang vocalist nila, at iyon ay makarating sa Australia kung saan nakatira ang magulang nito.

Nang umalis na nga si Marc ay tuluyan na silang nabuwag. Hanggang sa inimbitahan nila 'kong kumanta para sa kanila, kahit isang gabi lang. Doon ko na-realised kung ano nga ba ang gusto kong maging trabaho kung sakaling hindi ako naunahan ng pagiging aktor sa batang edad. Mula noon ay nagdesisyon kaming bumuo ng banda. Ang The Rulers.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ashes And Wine (On Going)Where stories live. Discover now