RL ALERT!

251 17 1
                                    

Sino na ang nakapanood na ng The King ni Lee Min Ho? Anong feels at bumalik na ang isa sa mga hari ng Kdrama? Napasulat ka ba bigla ng kwento tungkol sa kanya or may kwento ka na naisulat dati pa nang mga panahong miss na miss mo na siya?

Well, alin man 'yan, iniimbitahan namin kayong magpasa ng mga kwentong Lee Min Ho lang! Fan fiction stories na ang bida ay si Lee Min Ho o ang mga drama niya.


Paano? Sundan lang ang mga sumusunod:


Kailangan ang kwento mo ay isang nobela, hangga't maari ay hindi muna namin uunahin ang one shot fan fiction stories pero kung may one shot kayo pwede niyo pa rin ipasa (beke leng).

Kung ang kwento ay si Lee Min Ho ang bida:

1. Pumunta sa aming profile, pindutin ang message at mag-send sa aming inbox.

2. Ito ang format

Link: *insert link ng kwento mo*

Last update/when it was completed: *kailan ang huling update o kailan niyo natapos ang kwento*

3. Walang ibang message o words maliban sa mga ito para madali namin makita.


Kung ang kwento ay tungkol sa kahit anong Kdrama ni Lee Min Ho:

1. Pumunta sa aming profile, pindutin ang message at mag-send sa aming inbox.

2. Ito ang format:

Link: *insert link ng kwento mo*

Last update/when it was completed: *kailan ang huling update o kailan niyo natapos ang kwento*

Kdrama Title: *mula sa anong Kdrama niya ito hango*

3. Walang ibang message o words maliban sa mga ito para madali namin makita.


Para naman sa mga magsusulat pa lang ng kwento nila tungkol kay Lee Min Ho, dapat ito ay nobela at may limang chapters minimum. Hindi dapat one shot lang. Kung one shot man ang gagawin, dapat ay compilation ni Lee Min Ho lahat ng nakapaloob sa kwento.


Hihintayin namin ang lahat ng kwento hanggang May 15. Marami pong salamat!

 Marami pong salamat!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
FanFicPH AnnouncementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon