Hanz and Cielo (A Love Story)

13 1 2
                                    

Cielo's POV

"Ate magkano isang bouquet ng rose?" tanong ko sa nagtitinda.

"800 pesos po." sagot nung tindera. "Pili na lang po kayo ng arrangement dyan Ma'am." dagdag pa ni Ate at tumango naman ako.

Tinignan ko ang mga arrangement nila at namili. May nakita naman ako na maganda sa may bandang gilid kaya pinuntahan ko yun.

Kukuhain ko na sana yung bouquet nang may biglang humawak dito. Napatingin ako sa lalaki na humawak nung bouquet.. nahawakan niya kasi yung kamay ko.

Tumingin sa akin ang lalaki at ngumiti.

"Sorry, miss. Sige sayo na." sabi nung lalaki at binigay sakin yung bouquet ng roses at napahawak sa batok niya.

"Salamat." ngumiti naman ako sa kanya at umalis na saka pumunta sa counter.

"Ate ito na yung napili ko." sabi ko sa counter at tumango naman siya.

"Pakihintay na lang po Ma'am you can sit there." sabi nung counter at pumunta naman ako sa parang waiting area nila.

Ilang minuto lang ang lumipas ay inabot na sakin yung bouquet at umalis na ko sa flower shop.

Dumiretsyo ako sa cemetery at pumunta sa puntod ng Lola ko.

Nang makarating ako ay nagsindi ako ng kandila at nilagay ko sa puntod ang binili kong bouquet of rose.

Tahimik akong nagdasal at nang matapos ako ay tinignan ko ang puntod.

"It's been years Lola. But hindi ko pa rin nakakalimutan yung panahon na yun. Namimimiss na kita Lola. Sana masaya ka na diyan." bago pa tumulo ang luha ko ay tumayo na ako. "Alis na po ako." nang banggitin ko yun ay tumalikod na ko at umalis.

Habang palabas ako ng cemetery ay may nakasalubong ako na lalaki, he seems familiar, nagkatinginan kami at nang lumagpas ay naalala ko na siya yung lalaki sa flower shop kanina, kaya pala parang familiar siya sakin.

****

Nandito ako ngayon sa trabaho ko at nag-aayos lang ng mga paper na kailangan tapusin.

Nang matapos ko ayusin ay isa isa ko nang tinatapos ang mga papers.

I was busy scanning the papers nang biglang pumasok ang boss namin at nagsalita.

"ATTENTION EVERYONE! MERON TAYONG NEW EMPLOYEE AT NGAYON NA SIYA MAGSSTART SA PAGTRATRABAHO! ANG PWESTO MO AY SA TABI NI MS. CIELO, KAYO NA ANG BAHALA SA KANYA, GOODBYE I HAVE AN URGENT MEETING!" sabi ng boss namin at agad agad na umalis.

Tinuloy ko ang trabaho ko dahil andaming papers ang dapat tapusin, habang ang ibang katrabaho ko ay kinausap yung bagong employee. Hinatid naman nila ito sa pwesto niya at bumalik na sa mga trabaho nila.

****

Lunch time na pero hindi pa rin ako ng naglulunch dahil andami kong trabaho.

"Cielo maglunch ka na mamaya na yan." sabi ng katrabaho ko sakin at tinanguan ko lamang siya.

"Mamaya na tatapusin ko lang ito." sabi ko at tumango naman siya at lumabas na para bumili ng pagkain.

Malapit ko nang matapos ang ginagawa ko pero malapit na rin matapos ang lunch time kaya mukhang hindi ako makakapaglunch.

I grunt nang maramdaman ko ang gutom.

Bigla naman may sumulpot sa tabi ko at naglagay sa desk ko ng isang pack ng pagkain, kanin at chicken to be exact.

Hanz and Cielo (A Love Story)Where stories live. Discover now